REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
KAPATID NI NARRA MAYOR-ELECT GERANDY DANAO NA ISANG NAVY OFFICER, PINAGBABARIL NG TAUHAN UMANO NI MAYOR DEMAALA



COMM. SEAN ANTHONY VILLA (PHOTO//DIANA ROS M. CETENTA)

Aniya, silang nasa hanay ng Armed Forces of the Philippines at ang PNP ay dini-deputized ng Comelec TAHIMIK mang maituturing sa kabuuan ang sitwasyong pangpulitikal ng lalawigan ng Palawan, ngunit isang shooting incident ang naganap sa bayan ng Narra sa besperas ng eleksyon na kinasangkutan ng tagasuporta at kapatid ng mga kumakandidato sa nasabing bayan.

Kinilala ang biktima na si Andy Deldacan Maala, 38 taong gulang, negosyante, residente ng Purok Damayan Bliss, Brgy. Panacan 2, Narra, Palawan at supporter ni incumbent Narra Mayor Lucena Demaala. Ang mga suspek naman ay sina PO1 Fred Blanco Danao, 51 taong gulang, isang miyembro ng Philippine Navy at naka-assign sa NISG NAV-FORWEST, at kapatid ni Narra Mayor-elect Gerandy Danao at ang isa pang alyas Petong Rendon na supporter ni Danao.

Sa facebook post ni Philippine Councilors’ League Federation Chapter President at Sangguniang Panlalawigan ex-officio member Clarito “Prince” Demaala IV ng nasabing petsa, isinisisi niya sa kabilang panig ang naganap na palitan ng putok.

“Matagal ng tahimik ang Narra, pumasok lang kayo, gumulo na! Nambabaril pa kayo ng tao! Kayo ang sumugod sa bahay nila Andy! Ayan napala n’yo!!” ani Demaala, isa sa mga anak ni incumbent Mayor Lucena Demaala, kug saan, umani iyon ng iba’t ibang komento mula sa netizens.

Sa spot report naman ng Palawan Police Provincial Office (PPO), nakasaad na ayon sa nakakita sa insidente na isang 19 taong gulang na lalaki, bandang 11:20 ng gabi noong Mayo 9, 2019, nakita niya ang dalawang lalaki na duman sa gilid ng bahay ng bitkima na kinilala niyang sina Putok Danao. Pinuntahan umano nila ang lugar kung saan nakatayo ang biktima.

Kasunod umano nito ay ang kaguluhang naganap, limang metro ang layo mula sa kanya at nakita umano ng saksi na binubogbog na si Fred Danao sa lupa. Sunod umanong nadinig ng saksi ang putok ng baril mula sa direskyon ni Danao hanggang sa ang nakita na naman niya ay ang tumatakbong si Maala patungo sa kanyang tahanan upang makahingi ng tulong.

Sa puntong iyon umano, narinig na lamang niyang may nagpaputok ng tatlong beses ngunit hindi nila alam kung saan nagmula. Nagtulong-tulong naman umano ang pamilya ng biktima na agad siyang madala sa ospital dahil sa may tama siya sa kanyang kaliwang dibdib at kaliwang itaas ng tiyan.

Sa lingguhang press conference naman ng Western Command na isinagawa noong ika-14 ng Mayo o isang araw matapos ang halalan sa buong bansa, kinumpirma ng Joint Task Group Peacock (JTFP) na isa ngang aktibong navy officer ang sangkot na si Danao.

Ayon kay Commodore Sean Anthony Villa, commander ng Naval Forces West (NFW) at ng Joint Task Force West (JTFW), nandoon sa lugar si PO First Fred Danao dahil sa isa umano siyang miyembro ng Monitoring Team sa nasabing bayan kaugnay sa eleksyon 2019.

“Very recently, doon sa Narra, there’re reports of private armed groups, and relatedly, tsini-check niya ‘yung illegal activities na nangyayari doon at tama nga ‘yung report kasi siya mismo ay nabaril ng private armed group,” walang paligoy-ligoy na pahayag ni Sevilla.

Palaisipan pa umano sa pamunuan ng Naval Forces West (JTFW) ang kung bakit panahon ng election Gunban ay may baril ang ilang residente ng Narra.

“During election time, mayroon tayong gunban, and nakapagtataka during that time, bakit doon sa Narra, may isang indibidwal na may baril?” ayon pa kay Villa.

Aniya, silang nasa hanay ng Armed Forces of the Philippines at ang PNP ay dini-deputized ng Comelec para sa usaping pangseguridad.

Ayon pa sa Wescom, dahil kasama ang imbestigasyon sa due proces, ang tanong umano ngayon ay nag-perform ba ng night duty si PO1 Danao at totoo ba na may mga indibidwal na may baril at paano sila nagkaroon ng baril kahit may Gunban.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter