REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Saturday, February 22 2020
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO



(CONTRIBUTED PHOTO//ABEGAIL AMBOC)

Aksidenteng tinamaan ng pana sa ulo ang sanggol na anak ng isang Palaw’an sa bayan ng Jose Rizal, Palawan.

Naganap ang insidente bandang alas siete ng umaga noong araw ng Lunes, ika-27 ng Mayo nang umano’y di sinasadyang nakalabit ng 11 taong gulang na nakatatandang kapatid ng biktima ang pana na gagamitin sa pangingisda na tumama naman sa kaliwang bahagi ng kanyang tenga.

Unang dinala ng mga magulang si Baby Raynel Kawali sa Dr. Jose Rizal District Hospital sa kanilang bayan ngunit inirekomenda ng mga doktor na kailangan siyang agad na ibyahe patungong sa Ospital ng Palawan (ONP) sa lungsod ng Puerto Princesa para sa kinakailangang operasyon.

Kinabukasan, bandang alas otso ng umaga ay agad na isinagawa ang operasyon na tumagal ng isang oras dahil umano sa kaselanan ng posisyon ng pana na napakalapit na sa utak.

Unang lumitaw sa social media ang kaawa-awang sitwasyon ng bata nang i-upload ito ni Bb. Abegail Magbanua Amboc na agad namang nag-trending. Sa ngayon, umaapela siya sa mga may mabubuting kalooban para sa kinakailangang tulong para sa agarang paggaling ng anim na buwang sanggol.

“I am collecting used clothes to give to the patients especially the [tribe peoples] who are admitted in the hospital kaya may [nakuha akong] pictures [na gan’yan]….Marami [ng nag-benefit ng] mga used clothes,” tugon ni Bb. Amboc sa panayam ng Repetek sa kung paano niya nakilala ang pamilya ng sanggol.

Habang isinusulat naman ang balitang ito ay patuloy na nagpapagaling sa ONP ang biktima na oobserbahan ng mga doktor sa loob ng limang araw matapos ang operasyon upang maiwasan ang impeksyon.

Dahil naman sa malaking bayarin sa ospital ay humihingi ng tulong-pinansiyal ang mag-asawa. Sa sinuman umanong nagnanais tumulong ay tumungo lamang sa surgical ward ng ONP at makipag-ugnayan sa mga social worker ng ospital o tumawag sa liaison officer ng pamilya na si Marvia Lico sa numerong 09187807226.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter