REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
KGD. CARBONELL, HINILING SA KONSEHO NA PALITAN NA ANG NCIP PRO’VL DIRECTOR



NAPATID na umano ang pagtitimpi ni Kgd. Jimmy Carbonell kay National Commission on Indigenous People (NCIP)-Palawan head, Engr. Roldan Parangue matapos nitong makailang beses na indiyanin ang imbitasyon ng Konseho sa sesyon at ang ilang pagpupulong ng komite tungkol sa delineation process ng ancestral domain ng mga indigenous people sa siyudad.

“It seems that he is not supportive and interested on the welfare of indigenous, if he will not attend next Monday, then I would recommend a resolution requesting for his replacement addressed to the NCIP [Mimaropa] because…di ko naman sinasabing inutil siya pero parang ‘yun ang pakiramdam ko na ang tagal ng marami tayong invitation sa kanya pero hesistant siya na umattend,” ang may pagkainis na komento ni Carbonell.

Ngunit sa muling pagpapatawag kay Parangue noong Lunes, ika-10 ng Hunyo, bigo pa rin siyang makadalo sa imbitasyon ng City Council na dumalo sa sesyon.

Nakisimpatya rin ang abogadong si Nesario Awat sa himutok ng kanyang kasamahang kagawad na si Carbonell at maging siya umano ay nalulungkot din sa hindi pakikiisa ng NCIP sa nabanggit ng usapin.

Napakahalaag pa naman umano ang dahilan ng imbitasyon sa kanya at iyon ay dahil sa hinihingi na ng City Budget Office ang itemized list ng NCIP para malaman na ang expenses sa pagpapatitulo ng mga lupain ng mga katutubo.

Aniya, noong nakaraang taon ay mayroong budget na P500,000 ang City Government para sa delineation process ng mga IP’s ngunit dahil hindi naasikaso ng NCIP ang katampatang dokumento para sa pagbuo ng Memorandum of Agreement (MOA), ang pondo umano ay hindi na nagamit at ibinalik na lamang sa kaban ng lungsod.

Sa ngayon, plano umanong idagdag ang P500,000 na budget noong 2018 sa 2020 budget para maging P1,000,000 na ang pondo na gagamitin sa parehong layunin.

“Kaya ang pangarap natin sana po, magkaroon ng cooperation ang NCIP. Dapat po active, kasi the City Government is active in helping the indigenous community. Hindi naman po napakahirap n’un but unfortunately wala pong kaliwanagan at wala pong aktibong partisipasyon ang NCIP, kagaya ko po na itinutulak ko ang karapatan ng mga katutubo [para] mapabilis ‘yung pagsukat nila ng lupaing ninuno at mabigyan sila ng titulo. Napakahirap po kung kaya po nakalulungkot. Sana po sa susunod na pagpupulong o sesyon ay dumating po yung taga-NCIP,” pahayag pa ng abogadong Konsehal.

“There was an open deadline wherein in that committee meeting Engr. Parangue promise that he will submit it in the subsequent meeting of the committee [but] Engr. Parangue failed to submit the itemized expenditures for the purposes of the [delineation process] and to utilized the budget of City Government,” pagbubunyag pa ni Awat.

Pahayag naman ni Majority Floor Leader Modesto Rodriguez ll, maraming aplikasyon din umano, partikular sa quarry ang nade-delay dahil inaabot umano ng taon bago makapag-submit ng dokumento ang NCIP para sa pagsisimula ng aktibidad na nabanggit.

“Yung mga endorsement ng mga quarry and halos lahat po -yan walang certification from the NCIP at ilang taon na rin silang nag-apply at doon lagi nahihirapan -yung ating mga aplikante [sa NCIP]. Hinihingian na lang natin ng consent ang mga katutubo na concerning that particular area kung sila ba ang may pagtutol o wala without asking the certification from NCIP,” ani Rodriguez.

Paliwanag naman ni Sanggunian Secretary Phillip Jerome Hilario, siya pa umano ang legal officer noon kasabay ng pag-upo ni City Councilor Nesario Awat sa City Council nang talakayin ang usaping ito at tatlong taon na umano ang nagdaan ay hindi pa rin nakapagsa-submit ng dokumento ang NCIP-Palawan.

Sa huli ay napadesisyunan ng City Council na magpadala ng dalawang magkahiwalay na sulat kay Parangue. Una, para muli siyang imbitahan sa susunod na regular na sesyon at pangalawa upang ipasa na umano ang mga mahahalagang dokumento para makapag-draft na ng MOA sa pagitan ng City Government at NCIP para masimulan na ang delineation process sa lupain ng mga katutubo.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter