REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
KGD. DAMASCO, HINIHILING NA MULING MAGPULONG ANG LIAC UPANG IREBYU ANG PROCLAMATION NO. 718



Si City Councilor Elgin Robert Damasco sa kanyang ikalawang privilege speech. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

IMINOSYON ni City Councilor Elgin Robert Damasco sa Sangguniang Panlungsod na muling magpulong ang Local Inter-Agency Council (LIAC) upang irebyu ang Presidential Proclamation No. 718, partikular upang amiyendahan ang Executive Order No. 67 upang isaayos ang land ownership ng mga totoong benepisyaryo ng naturang proklamasyon.

Ang proclamation No. 718 ang pundasyon ng Iwahig Penal Colony sa Palawan, kung saan ang ilang lupaing kabahagi nito ay idineklarang civil reservation na maaaring tirahan ng mga kuwalipikadong benipisyaryo at pinapayagang mai-convert ang ilang parte ng lupa may kinalaman sa agrikultura.

Sa ikalawang privilege speech ni City Councilor Elgin Robert Damasco, isang liham ang kanyang binasa na mula umano kay Kgd. Gerry Hikilan ng Brgy. Inagawan Sub-Colony. Nakasaad umano sa liham ang paghingi ng huli ng tulong sa City Council upang makabitan ng elektrisidad ang mga residente ng naturang lugar.

Taon na umano ang kahilingang iyon ni Hikilan subalit hindi pa rin napagbibigyan dahil sa kawalan ng land title property ng mga aplikante na isa sa mga hinihinging requirements ng City Government bago pa lamang makapagpoproseso ng electrical permit na iniisyu naman ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) at building permit mula sa City Housing at City Zoning.

Ani Damasco, karamihan sa mga residente ng Tagbarungis ay walang pinanghahawakang titulo ng lupa, bagama’t may iilan na ang tanging hawak lamang ay Certificate of land ownership award (CLOA) at waiver of rights mula sa original CLOA holder.

Bunsod nito, hinihiling ngayon ng Konsehal na muling pag-aralan ng LIAC ang nasabing proklamasyon upang mailagay sa tama ang ownership ng mga okupante sa lugar upang mabigyan sila ng titulo ng lupa nang sa gayun ay maiproseso na nila ang pagpapakabit ng ilaw sa kanilang barangay.

“Kung maaayos na ang ownership ng mga occupants sa [Brgy.] Tagbarungis area, sana tanggapin ng ating mga building officials ang Certificate of Land Award bilang pagpapatotoo na sila na ang nagmamay-ari ng kanilang bahay at lupa at mabigyan sila ng electrical permit at mabigyan ng kuryente ng Paleco na matagal na po nilang inaasam,” ayon pa kay Damasco.

Liban dito, hiniling din ng Kagawad na sana ay huwag nang paghigpitan sa building permit ang mga naninirahang katutubo sa lungsod alinsunod sa National Building Code na ‘Ang disenyo at construction requirements ng nasabing Code ay hindi dapat i-apply sa anumang tradisyunal na tirahin ng mga indigenous family.

Bukod sa usaping elektrisidad at kawalan ng titulo ng mga residente ng nasabing barangay, isa rin umano sa rason kung bakit gustong araling muli ni Damasco ang Presidential Proclamation No. 718 ay dahil tila ang lupain para sa mga landless sa ilalim nito ay inookupa na ng mga hindi tunay na benepisyaryo.

“This representation is suggesting that the Local Inter-Agency Council (LIAC) who supervises the area of land from the Presidential Proclamation 718 should reconvene [dahil] marami ng hindi magagandang nangyari sa lugar na ‘yan. Marami ng mayayaman ang nakaokupa sa mga malalaking bahagi ng 718 area. Binakod na, lalo na ang lugar na kung tawagin ay City beach [na nasa] 9,169,938 square meters; napakalawak. Ang tanong, mga landless ho ba talaga o urban poor ang mga nakaukopa sa mga lupain na ito [sa ilalim ng 718]? Para dapat ito sa mga maralitang mga taga-lungsod na walang lupa at ang nakakalungkot ang mga lupang ito ay hindi nagagamit nang maayos sa tama bagkus inookupahan pa ito ng mga taong hindi naman karapat-dapat.”

“Karamihan po sa mga lupaing ito [ay] binenta ng mga nagpapakilalang opisyal ng landless organization ngunit ang katotohanan wala silang karapatan na magbenta nito,” pahayag pa ni Damasco sa mga kasamahan sa Konseho.

Noong Mayo, taong kasalukuyan, aniya ay bumisita siya, kasama ang ilang tauhan ng City Mayor’s Office kay Bureau of Corrections (BUcor) Director General Nicanor Faeldon at nagbabala umano ang huli na kung hindi gagamitin ng tama ang mga lupaing nasasakupan ng Iwahig Prison and Penal Farm ay babawiin nila ito.

“Capt. Faeldon said that Presidential Proclamation 718 is not the only existing land area and there are three to five Presidential Proclamation that are intended solely for civil reservation. Hindi na sila papayag pa na bawasan pa ang kanilang lupain,” ang bahagi umano ng pag-uusap nila kay Faeldon.

Ani Damasco, ang City Government ay co-chair ng LIAC kaya may karapatan silang pumili ng mga mabebenipisyuhan ng naturang lupa na maaaring pagtirikan ng kanilang bahay.

“Marami tayong mga kababayan na nakatira sa loob ng Iwahig property ngunit wala silang peace of mind dahil anytime pwede silang i-demolish ng mga kawani ng Iwahig. If only LIAC be reconvened, this lands will be distributed properly to those true deserving landless and poor Puerto Princesans,” ayon pa kay Damasco.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter