REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
KINATAWAN NG ABORLAN, NAGWAGING MUTYA NG PALAWAN 2018



MULA sa mga katagang “watch-out”  nang matanong ng isa sa mga host sa nakaraang Mutya ng Palawan, ngayon ay napanindigan ng kinatawan ng Aborlan na masungkit ang korona sa patimpalak na kinatatampukan ng mga maririkit at mga talentadong Palawenya kasabay ng Baragatan Festival.

Di napigilan ni Reyna, 18 taong gulang at kasalukuyang nasa unang taon sa kursong Political Science sa PSU na tumawa at ngumiti nang tanungin ukol sa kung naging hamon ba sa kanya ang binitiwang mga salita noong 2017 nang siya ay manood sa gabi ng  koronasyon.

Inamin  ni Bb. Reyna Michelle Ruhen na ginawa niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya upang magwagi dahil sa binigkas na katagang abangan siya sa Mutya ng Palawan 2018, sa himig na tila sa gabing iyon pa lamang ay nagbabadya na ng hamon sa iba pang lalahok.

“Hindi ko naman po talaga sinasadya na sabihin na ‘watch-out’ [nang gabing iyon].  Ang parang gusto ko pong sabihin during that time sana ‘Abangan n’yo ‘ko. Suportahan’ but then nasabi ko ‘watch-out’ that’s why binigay ko po talaga ang effort ko kasi parang nakakahiya kung  hindi ko magawa lahat,” nakangiting wika ni Ruhen.

Lubos umano ang kanyang pasasalamat sa Dakilang Lumikha sa tagumpay na nakamit na ipinalangin niyang nawa ay igawad na sa kanya.

Iniaalay naman niya ang kanyang karangalang nakuha sa kanyang pamilya, sa bayan ng Aborlan, at sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta.

Balak umano niyang ipagpatuloy ngayon ang pagsasagawa ng HIV awareness at  paghahanap ng mga sports activity upang makatulong na mailayo ang mga kabataan sa mga masasamang bisyo.

Mensahe naman niya sa kapwa kababaihan, laging tatandaan na maraming pagsubok na darating at minsan may mga kahilingan na hindi  agad binibigay kagaya niya na laging nananalangin na magwagi sa mga sinasalihan. Sa katunayan, tatlong patimpalak na sa nasyunal ang kanyang  nilahukan na kung saan ay hindi  siya pinalad ngunit ang lahat ng iyon ay naging inspirasyon pa umano niya upang mas maging matatag at gawin ang lahat upang magwagi.

Maliban sa pagiging Mutya ng Palawan 2018 at pagputong ng koronang perlas na nagkakahalaga ng P250,000-P300,000,  hinirang din bilang Best in Swimsuit si Ruhen, Miss AirAsia, Miss Cignal TV, Kay’s Hotspring, at pinili ng isang online newspaper ng lalawigan at ilan pa sa mga minor awards. Siya ang ika-22 dalagang Palawenya na tinanghal sa nasabing titulo.

Kahanay naman sa mga nagwagi  sa naganap na Coronation Night ay sina Bb. Kalayaan na si Princess Jean Batalla na nakuha ang titulong Mutya ng Palawan Tourism, Bb.  Ina Louise Abello   ng San Vicente bilang  Mutya ng Palawan Eco-tourism, Bb. Emerlyn Traballo ng Taytay bilang Fist Runner-Up at Bb.  Almina Marie Gange  ng Cuyo bilang Second Runner-up.  Nakuha rin ni Bb. Batalla ang pagiging Darling of the Press,  Best in Talent  at Texter  Choice Award naman kay Bb. Traballo, at  Miss Sitel si Bb. San Vicente.

Tinanong sa Top 5 na kinabibilangan nilang lima, kung paano mapananatili ng mga Palawenyo ang pagkilala sa lalawigan ng Palawan bilang Best Island Destination na halos tuloy-tuloy na nasungkit ng probinsiya na kung saan ang sagot ng Mutya ng Aborlan ay magkaroon lamang ng pagmamahal at respeto sapagkat kung mayroon kang pagmamahal ay magagawa mo ang lahat  at gayundin ang  pagpapatupad ng 5R’s na nangangahulugan ng Reduce, Reuse, Recycle, Recover, at Repair.

Mula sa 19 na kandidata, unang napili ng mga hurado ang Top 10 na kinabibilangan ng mga representante ng mga bayan ng Aborlan, Kalayaan, Brooke’s Point, Puerto Princesa City, Cuyo, Taytay, El Nido, San Vicente, Roxas at Quezon.  Matapos silang tanungin ng iisang katanungan ukol sa kung ano ang masasabi nila sa planong paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya ay napili ang limang maswerteng nagwagi na pumasok sa Top 5.

Dahil naman sa titulo, awtomatiko na ngayong magiging kinatawan ng lalawigan ng Palawan si Ruhen sa Miss Millennial 2018 sa noon time show na “Eat Bulaga” ng GMA-7.

Samantala, nakamit ni Miss Brooke’s Point  ang Best in Long Gown, Miss NCCC Mall, Miss Frontline at Bong Villanueva Salon Brand Ambassador; Best in Festival Costume, Miss RTN  at Joey Ganda Choice Award  si El Nido; Miss Friendship, Miss Ritemed at Miss Photogenic  si Miss Coron; South Sea Pearl at Miss SMB at Miss Folded and Hung ang kinatawan ng lungsod ng Puerto Princesa,  Miss Jewelmer si Bb. Quezon, at Miss SM-Puerto Princesa si Bb. Culion.

ANG bagongMutyang Palawan 2018 nasi Reyna Michelle Ruhen (gitna) ngbayanngAborlankasamaangiba pang mganagwaginasina (L-R) Almina Marie GangengCuyobilang Second Runner-up, Princess Jean BatallangKalayaanbilangMutyang Palawan Tourism, Ina Louise Abellong San Vicente bilangMutyang Palawan Eco-tourism at EmerlynTraballongTaytaybilang First Runner-Up.(CONTRIBUTED PHOTO//PIO)

Related Articles
TITULONG BINIBINING MIMAROPA 2018, NASUNGKIT NG ISANG PALAWENYA
MGA PALAWENYONG MUSIKERO, MULING NAGTAGISAN NG GALING SA TUNOG PALAWAN GRAND FINALS
KINATAWAN NG ABORLAN, NAGWAGING MUTYA NG PALAWAN 2018
pongidusora
PALAWENO SINGER NA SI ‘PONG’ IDUSORA, NAGSAGAWA NG KAUNA-UNAHANG CONCERT
INISYAL NA LISTAHAN NG MGA KANDIDATA PARA SA MUTYA NG PALAWAN 2018, INILABAS NA
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter