REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
KONSEHAL DAMASCO, HINILING SA KONSEHO NA TAASAN ANG SAHOD NG MGA FRONTLINER WORKERS NG CITY GOVERNMENT



Kgd. Elgin Damasco (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

SA kauna-unahang privilege speech ng baguhang Konsehal na si Elgin Damasco, kanyang hiniling sa Konseho na taasan ang sahod ng mga frontliners na trabahante ng Pamahalaang Panlungsod sa pamamagitan ng pag-aamiyenda sa ordinansang kaakibat ng nabanggit na usapin.

“Meron nga po tayong sinusunod na ordinansa [ngunit] 2012 pa po ito. Mura pa po siguro ang bilihin ng nga panahong iyon; 2019 na tayo ngayon, medyo mahal na po [ang mga bilihin]. Ang nakalagay po ranito na suweldo ng mga unskilled workers ay P225 [lamang],” ayon kay Damasco.

Dagdag pa ng Konsehal, ang isang traffic enforcers ay sumasahod lamang ng P250 kada araw o katumbas ng P6,500 sa isang buwan, ang street sweepers at basurero naman ay P225 kada araw o P5,850 sa isang buwan, ang isang daycare worker ay P270 ang natatanggap na sahod sa kada araw at P1,500 na allowance naman ng mga health workers sa isang buwan.

Sa pananaw ni Damasco, kaya wala umanong mga bihasang nagtatrabaho sa City Government ay dahil sa mababang sahod ng gobyerno.

Liban pa rito, ang ilan ay nagtapos ng apat na taon sa kolehiyo na nagtityaga sa maliit na suweldo o mas mababa pa sa minimum wage na P300 o P320.

“Sila ang mga trabahante ng lokal na pamahalaan na nakikita natin sa lansangan na nagtatrabaho umulan man o uminit, kahit pa may bagyo, nagsisilbi sa ating bayan ngunit nagtitiis sa kakarampot na sahod.

“Paano mabubuhay ang isang empleyado na nagsasahod lang ng P225 o P250 a day kahit pa P270?” pahayag niya.

“Halimbawa ang isang street sweeper o isang basurero na nagsasahod ng P225, divided by three meals a day, magkano ang budget niya sa pagkain ng kanyang pamilya P75? Paano kung meron silang tatlo o limang anak na nag-aaral pa, mamamasahe at hihingi ng baon? Kawawa naman po, naglilinis sila ng lansangan, namumulot ng basura [pero ganyan ang sahod].”

“Marami pang job orders na nagtatrabaho nang maigi…[kahit] gutom,” dagdag pa ng Kagawad.

Sa kabilang dako, ipinaabot naman ni City Councilor Roy Gregorio Ventura na nagkaroon na ng pag-uusap ang opisina ng Vice Mayor at City Budget Office hinggil sa nasabing usapin.

Ang ating Vice mayor (Nancy Socrates), City Budget Officer at City Secretariat ay nagkaroon na po ng pagmi-meeting noong nakaraang araw tungkol po doon sa request na pag-aralan natin kung papaano maitaas itong mga sahod ng ating mga manggagawa lalo na po ang ating mga frontliners [workers]. Gusto ko lang po iparating sa Konsehong ito na may pag-aaral na po [ang nasabing mga opisina],” ayon kay Ventura.

Sinusugan naman ng Bise-mayor ang tinuran ni Ventura at sinabing hinihintay na lamang na maipresenta ng City Budget Office ang kanilang rekomendasyon ukol sa pagtataas ng sahod ng naturang mga trabahante ng City Government.

Samantala, ang usapin ay iri-refer sa Komite ng Appropriations at Human Resource.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter