REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, March 26 2019
LADAWAN TRIBAL VILLAGE, MULING BINUKSAN



MULING binuksan ang isa na namang Community-Based Sustainable Tourism (CBST) sa siyudad, ang Ladawan Tribal Village na matatagpuan sa Sienatel Hotel, Brgy. Tiniguiban.

Ito ay sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) na nilagdaan ni Punong Lungsod Lucilo Bayron at Holy Trinity University (HTU) President, Sr. Pinlyn Dahili noong Lunes, ika-11 ng Pebrero sa flag ceremony ng City Government.

Ayon kay City Tourism Officer Aileen Cynthia Amurao, ang salitang “Ladawan” ay mula sa dayalektong Cuyuno na ang ibig sabihin ay “larawan.”

“Ang Ladawan [Tribal] Village ay itinatag ng HTU, five years ago dito sa tabi ng Sienatel [Hotel]. Makikita n’yo ang iba’t ibang style ng bahay ng ating mga IP’s. Hindi po ito nabuksan kung kaya’t sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod at ng opisina namin (CTO), ito ay bubuksan upang isulong ang ating cultural and heritage tourism,” ang pagbibigay impormasyon ni Amurao sa publiko.

Sa mensahe naman ni Mayor Bayron, sa pagkakaroon aniya ng maraming pasyalan sa lungsod, naniniwala siyang mas dadayuhin pa ang Puerto Princesa ng maraming turista na lalong magpapalakas sa ekonomiya nito.

Sa hiwalay na panayam naman ng Repetek kay Senior Tourism Operations Officer at Promotions and Marketing Division OIC Mitchie Hitosis, sinabi niyang pormal na bubuksan sa publiko ang naturang atraksiyon sa ika-26 ng Pebrero, ika-4:00 ng hapon makalipas ang limang taon na ito ay nasara.

Binanggit din ni Hitosis na ito ay isang “lifetime partnership” sa pagitan ng City Government at Holy Trinity University.

“Matatagpuan [ito] sa compound ng Sienatel. Actually, project nila (HTU), tapos medyo humina sila kaya pumasok ang City Government para tulungan ito (Ladawan Tribal Village)…para magbigay ng aid kasi binuksan na ito five years ago [ng] HTU,” pahayag ni Hitosis.

Aniya, kaya nila sinuportahan ang proyektong ito ay dahil isa sa pokus ng kanilang opisina ang mapanatili at maingatan ang kasaysayan at kultura mayroon ang ating bansa at ng lungsod sa partikular.

Pangunahing atraksiyon umano sa village, ang siyam na tribu mula sa lalawigan na kinabibilangan ng Cuyunon, Agutaynen, Batak, Molbog, Kagayanen, Tau’t bato, Ken’uy, Tagbanua at tribung Palaw’an.

“Walk-in tour [ito] na makikita nila ang sinaunang bahay ng [mga] tribu na ‘yan. Maglalagay ng mga original talaga na members ng IP’s para mag-showcase kung ano iyong ginagawa nila, gawi nila [katulad] ng dances, songs nila. Hindi lang ito para sa mga turista, kundi sa mismong sa atin sa mga locals para alam natin kung ano ‘yung mga sinimulan natin, [kung] ano ba ‘yung mga existing tribes na meron tayo. Open [din] to school para maging field trip nila,” dagdag pa ni Hitosis.

Mayroong entrance fee na P50 ang mga bibisita.

Maaari namang magbenta ng kanilang mga produkto ang mga katutubo sa lugar bilang karagdagan nilang pagkakakitaan.

Positibo rin si Hitosis na ang karagdagang destinasyon na ito ay mas lalong makakahatak ng mga turistang dadayo sa lungsod Puerto Princesa.

“Kasi mas madali iyon kaysa maghahanap pa tayo ng area kung saan natin ilalagay kasi right now, napaka in-demand na magkaroon na tayo ng mga bagong atraksiyon kaya dapat mayroon na tayo agad,” paliwanag pa ni Hitosis.

Samantala, inanunsiyo naman ni Amurao na ang susunod na aayusin at bubuksang atraksiyon ay ang Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF).

Ang bahay ng tribung Cuyunon na kabilng sa mga makikita sa Ladawan Tribal Village sa Sienatel, Brgy. Tiniguiban. (PHOTO//Mitchie Hitosis)

Related Articles
CITY FIRE, NAGPAALAALANG SA TAHANAN DAPAT MAGSIMULA ANG KALIGTASAN SA SUNOG
ISANG MAHINA NG PH CIVET CAT, ISINURENDER SA PCSDS
SEKTOR NG AGRIKUKTURA SA LUNGSOD, NAIS TULUNGAN NG EMBAHADA NG ISRAEL
JEDSAI, WAGI BILANG 2019 BEST BALAYONG OUTFIT
PUERTO PRINCESA CITY CRIME LABORATORY OFFICE, PORMAL NANG BINUKSAN
ZERO FIRE INCIDENT, TARGET NG BFP-PPC NGAYONG MARSO
ISYU SA KLASIPIKASYON NG LUPAIN SA LUNGSOD, BINIGYANG-LINAW
MULING PAGBUBUKAS NG SNAKE ISLAND, HINIHILING SA DENR
DPWH THIRD ENGINEERING DISTRICT, HUMINGI NG PAUMANHIN SA MGA PALPAK NA PROYEKTO
LAND GRABBING SA PUROK WESTWOOD SA BRGY. SAN PEDRO, IIMBESTIGAHAN NG CITY COUNCIL
LADAWAN TRIBAL VILLAGE, MULING BINUKSAN
PUERTO BAY, LIGTAS NA SA RED TIDE
ENGINE 2 NG OLD DELTA P, NASUNOG
RELOKASYON NG 2 PAARALANG PANG-ELEMENTARYA SA LUNGSOD, ISINUSULONG
ROYAL AIR LOCAL FLIGHT PATUNGONG PUERTO PRINCESA, MAGSISIMULA NA SA MARSO
PUERTO PRINCESA CITY WATER DISTRICT, PINAGHAHANDAAN NA ANG EL NIÑO
PAGPAPASKIL NG HOTLINE NUMBERS SA TRAYSIKEL, ISINUSULONG
MAOYON FIREFLY WATCHING, BINUKSAN NA SA PUBLIKO
CITY TOURISM OFFICE, PINAGHAHANDAAN NA ANG CHINESE NEW YEAR
RESOLUSYON SA PAGDARAGDAG NG FIRE HYDRANTS SA LUNGSOD, LUSOT NA SA 2ND READING
ASO, HINALAY NG ILANG KALALAKIHAN
14 CRUISE SHIPS, INAASAHANG DARATING SA LUNGSOD NGAYONG 2019
BAGONG PAMILIHANG BAYAN NG LUNGSOD, SISIMULAN NA
3 KASO NG NABIKTIMA NG PAPUTOK, NAITALA SA PUERTO PRINCESA CITY
HONDA BAY, LIGTAS NA SA REDTIDE
RAINE BAYRON, NAG-WITHDRAW NG KANYANG KANDIDATURA PARA SA ELEKSIYON 2019
BALAYONG WATER PARK, INAASAHANG MAIBI-BID BAGO MAGTAPOS ANG TAON
ILANG FIRECRACKER VENDOR, IPINAGPAPASALAMAT ANG PAGKAKATAONG NAKAPAGTITINDA PA RIN
P3.3-B NA PONDO NG CITY GOVERNMENT PARA SA 2019, APRUBADO NA SA FINAL READING
URI NG TRAYSIKEL NA BAJAJ RE, IPINAKILALA SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Partly Cloudy
Tomorrow
Partly Cloudy
0%
Chance of a Thunderstorm
Wednesday
Chance of a Thunderstorm
60%
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter