REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK



DEAD ON ARRIVAL ang isang lalaki matapos saksakin ng tatlong suspek noong ika-31 ng Disyembre.

Kinilala ang mga suspek na sina Christian Lloyd Madamay Alcala, estudyante; Joseph Anala Revillas at Kent Bungalso Fortes na pawang nasa wastong edad at kasalukuyang mga residente ng nabanggit na bayan. Kinilala naman ang biktima na si Ronald P. Zumaraga na residente ng Brgy. Tinitian sa nasabi pa ring bayan.

Sa ulat pulisya, bandang 8:00 ng hapon ng nabanggit na petsa nang makatanggap ng tawag ang pamunuan ng Roxas MPS mula sa mga tauhan ng Rescue 165 at iniulat ang insidente ng pananaksak na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng awtoridad, pumunta umano ang biktima sa Bungay Store sa nasabing lugar upang bumili lamang ng ilang piraso ng yelo kung saan naghihintay ang mga suspek. Naramdaman umano ng biktima na may panganib na maaaring saktan siya ng mga suspek kaya humingi siya ng tulong mula sa dalawang kapwa mamimili mula sa nabanggit na tindahan.

Nagkaroon pa umano ng suntukan sa pagitan ng mga suspek at biktima bago tuluyang nasaksak ni Alcala ang biktima sa kanang itaas na bahagi ng dibdib na nagdulot ng kanyang agarang kamatayan.

Dinala ang biktima ng mga tauhan ng Roxas MPS sa Roxas Medicare Hospital para sa medikasyon ngunit dineklara siyang Dead on Arrival ng tuminging doktor.

Narekuber naman malapit sa lugar ng krimen ang isang kutsilyo na may puting plastic handle na pinaniniwalaang ginamit sa insidente ng pananaksak.

Agad namang naaresto ang mga suspek at ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng Roxas MPS.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter