REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Friday, April 03 2020
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT



MAINGAT na inalis ng mga personnel ng Kilos Agad Action Center (KAAC) si PO1 Joel dela Torre na sakay noon ng kanyang motor at nakabanggaan ang Roro Bus sa bahagi ng Brgy. Tagburos, lungsod ng Puerto Princesa noong ika-9 ng Disyembre. (PHOTO//Ronald Donesa)

INIHAHARAP ngayon sa kasong paglabag ang isang suspek na kinilalang si Winifredo ‘Didang’ Villason matapos niyang personal na hamunin ng away ang isang kasalukuyang opisyales ng Brgy. Banbanan sa bayan ng Taytay.

Base sa impormasyong natanggap mula sa Palawan PPO, dumulog sa opisina ng Taytay MPS si Barangay Captain Richard Ballesteros at ang biktimang si Barangay Tanod Efren T. Uwerada upang isumbong sa kinauukulan ang suspek matapos umano niyang sugurin at paghahamunin ng away ang biktima noong ika-1 ng Disyembre sa labas ng Barangay Hall ng nasabing Barangay. Subalit hindi naman ito pinansin ng biktima at nagpasyang umalis at umuwi na ng kanilang tahanan nang makaalis ang suspek sa nabanggit na lugar.

Nang papauwi ang nasabing biktima sa kanilang tahanan, nakita umano niyang muli ang suspek habang hawak ang itak at pinaghahamon muli siya ng away ulit. Ngunit hindi umano niya ito pinansin subalit hinabol pa rin siya ng suspek at patuloy sa pag-a-amok. Kahit nasa loob na umano ng bahay si Uwerada ay patuloy pa rin sa pagwawala ang suspek na si Villason at pagsigaw na papatayin siya kaya nagpasya na siyang i-report ito sa mga kinauukulan.

Kaugnay nito ay inihanda na ng pulisya ang kasong Direct Assault laban sa suspek.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter