REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG




(CONTRIBUTED PHOTOS//PNP MARITIME)

TIMBOG ang isang wild trafficker matapos mahuli sa akto habang nagpupuslit ng limang pikoy (Blue-Naped Parrots) at isang katala (Philippine Cockatoo) sa bayan ng Bataraza, Palawan.

Kinilala ang suspek na si Exzolito Siggit, 31 taong gulang, may asawa at kasalukuyang residente ng Brgy. Tagnato sa nabanggit na bayan.

Batay sa isinagawang Intensified Law Enforcement Operations ng tauhan ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group Rio Tuba Detachment, sa pamumuno ni PLTCOL Greg R. Togonon, commander ng 2nd SOU-Maritime Group, narekuber sa pamamay-ari ng suspek ang limang pikoy (Tanygnathus lucionensis) at Katala (Cacatua haematuropygia) noong ika-5 ng buwan ng Mayo.

Sa post ng Pangalawang SOU-MG, kinumpirma ng grupo na nahuli ang suspek sa kanilang pinagtibay na operasyon.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9146 o ang “Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”

Nagpaalala naman ang pamunuan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) na “mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli, pagbenta, pananakit at pagkolekta ng mga buhay-ilang (wildlife), maging ang pagsira ng kanilang tahanan.

Paalala pa ng ahensiya sa publiko,kung may narinig o nakitang umaabuso sa mga buhay-ilang at sumisira ng mga tahanan nito ay mangyaring ipagbigay-alam ito sa PCSD Enforcement sa numerong 0935-116-236 at 0948-937-220 para sa agaran nilang aksyon.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter