REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Friday, April 03 2020
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO



Si outgoing Narra Mayor Lucena Demaala habang sinasagot ang mga katanungan ng media sa naganap na press conference noong ika-6 ng Hunyo sa Conference Room ng Mayor’s Office.

HANDANG-HANDA na ang Lokal na pamahalaan ng Narra sa pinakamahalagang kaganapan sa kanilang bayan ngayong taon—ang pagdiriwang nila ng Golden Anniversary.

Hunyo 20, 1969 nang naging ganap na Munisipyo ang Narra, na noo’y tinawag na National Resettlement and Rehabilitation Administration at bahagi pa ng bayan ng Aborlan, base sa inaprubahang batas na RA 5642 ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Sa press conference na kanilang ipinatawag ng LGU Narra kamakailan lamang, malugod na inanunsiyo ni outgoing Narra Mayor Lucena Diaz-Demaala (LDD) ang mga nakalinyang aktibidad kasabay ng kanilang founding anniversary.

Pormal na binuksan ang halos isang buwang selebrasyon noong Hunyo 5, na kung saan sinimulan sa pamamagitan ng Inter-Barangay Olympics (Basketball Men at Volleyball Women). Bahagi rin ang pakikiisa nila sa pagdiriwang ng kasarinlan ng bansa; pagkilala sa Kapanganakan ni Gat. Jose Rizal noong Hunyo 19 na kung saan ay nagkaroon ng Rizal Day Floral Offering program, kalinya rin ang iba pang aktibidad gaya ng Arbor Day “Pista ng Kalikasan,” Municipal Government Employees Awards and Solidarity Night at Semifinal/Championship Games ng Mayor LDD Inter-TODA Basketball & Inter-Barangay Tournament na una nang nagsimula noong Hunyo 8.

Bukas naman, Hunyo 20 ang Mayor LDD Invitational Boxing Competition habang sa Hunyo 21 ay magkakaroon ng civic parade, programa at Narra Golden Jubilee Concert & Fireworks Display na kung saan, ang mga guest ay ang bandang Silent Sanctuary at si Bb. Ai de Leon na gaganapin sa Municipal Sports Complex.

At dahil kinikilala ring “Katala Capital of the World” ang bayan ng Narra maliban sa tinagurian itong “Rice granary of Palawan,” ipagdiriwang din ng buong bayan, sa buong araw ng Hunyo 26, ang Katala Festival n ang venue ay sa Brgy. Malatgao.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter