REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
MAHIGPIT NA KALABAN NI JCA NOONG ELEKSYON, MAGSASAGAWA NG SARILING BERSYON NG BARAGATAN



ART VENTURA (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

“Everybody’s invited! “

Ito ang mainit na imbitasyon ni G. Arthur “Art” Ventura sa mga Palawenyo para sa isasagawa niyang sariling bersyon ng Baragatan Festival ngayong Hunyo.

Si Ventura ang mahigpit na katunggali sa pulitika ni Gov-elect Jose Chaves Alvarez (JCA) sa nakaraang halalan na kung saan ay nakakuha ng mahigit 120,00 boto at nanalo pa sa ibang munisipyo kahit wala umanong ipinamudmud na salapi.

Ang announcement ay isinagawa kasabay ng paghahain ng civil society ng petisyon ng di pagsang-ayon sa resulta ng Eleksyon 2019 sa Panlalawigang Tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) noong Mayo 28.

“Ang Baragatan ko ay walang ano sa Baragatan ng lalawigan pero kung ‘yan talaga ang itatanong n’yo sa akin. ‘Yung Baragatan ng ating lalawigan ay dapat lang man sana maski [magdaos ng Banal na] Misa just to commemorate ng ating Civil [Founding] Anniversary. Hindi naman kailangan ng bonggang selebrasyon, maski one mass [lang] and call all Palaweños to bind together, to be together,” ang may parunggit na komento ni Ventura nang kapanayamin ng media.

Ang Baragatan ay halaw sa salitang Cuyunon na ang kahulugan ay “pagkikita-kita” na akma naman sapagkat sa panahong ipinagdiriwang ang festival ay tumutungo sa lungsod ng Puerto Princesa ang lahat ng mga opisyales ng 23 munisipyo, sampu ng kanilang mga kawani at mga mamamayan na tumatagal ng halos isang buwan. Doon ay ipinakikita ng mga taga-munisipyo kung anong mga produkto mayroon sila na kanilang itinitinda sa kani-kanilang kubol na nagpapakita rin ng kanilang husay at galing; maliban pa sa gabi-gabing aktibidad at mga patimpalak.

Ayon pa kay Ventura, nagkataong kaarawan ng kanyang anak na lalaki kaya naiisip umano niyang imbitahan din ang lahat ng mga tumulong sa kanyang kandidatura at ang lahat ng kanilang mga kapanalig.

“Ang akin lang [kaya gagawin ko ito] ay pasasalamat [lamang] doon sa mga tao ko. Sa gustong sumali sa akin, Sa mga gustong makiisa, iniimbitahan ko kayong lahat, “ pag-aanyaya niya sa lahat ng mga Palawenyo kasabay ng pag-asam na magiging matagumpay ang aktibidad na gagawin sa Aventura Resort sa Brgy. Bancao-bancao sa lungsod ng Puerto Princesa.

“Lahat ng munisipyo, lahat ng [may] concern na gustong makisaya [pwede rito]. Dito natin matitikman talaga ang mga pagkaing Cuyunon,” dagdag pa niya. Sa lalawigan ng Palawan, karaniwang nagkakaunawaan ang mga indigenous peoples sa pamamagitan ng salitang Cuyunon.

Isa si Ventura sa mga nagsulong noon na magkaroon ng natatanging selebrasyon ang lalawigan ng Palawan na magtatampok ng kultura, tradisyon at pagkakabuklod-buklod­ ng mga Palawenyo noong siya ay board member pa ng Provincial Board.

Matatandaang ipinabatid ni Gov. Alvarez na wala munang selebrasyon ng Baragatan Festival noong besperas ng kanilang proklamasyon sa pagkapanalo sa halalan dahil na rin umano sa kakulangan ng oras at kahilingan na rin ng mga munisipyo.

Samantala, ngayong taon ang ika-117 anibersaryo ng pagkakatatag ng gobyerno sibil ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter