REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Friday, April 03 2020
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU



SI Board Member Ryan Maminta sa kanyang sponsorial speech ukol sa kanyang inihaing resolusyon may kaugnayan sa pag-implementa ng limitasyon sa bilis ng pagpapatakbo ng mga motor sa mga pangunahing lansangan ng lalawigan. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Sa pamamagitan ng isang resolusyon ay dinirektahan ng Sangguniang Panlalawigan ang 22 mga munisipyo sa Palawan na magbalangkas ng ordinansa na nagtatakda ng speed limit sa kani-kanilang nasasakupang lugar. Ang kautusan ng Junta Probinsyal ay batay sa DPWH-DILG Joint Memorandum Circular No. 2018-001 o ang Guidelines and Standards for Classification of Roads, Setting Limits under RA 4136 and Collection of Road Crash Data na iniatas sa lahat ng lokal na pamahalaan sa buong bansa noon pang nakaraaang taon.

Ayon sa awtor ng resolusyon na si Board Member Ryan Maminta na agad na inaprubahan sa Una at Pinal na Pagbasa, nakaaalarma na ang mga nagaganap na sakuna sa daan sa lalawigan bunsod ng kakulangan ng kaalaman ng mga motorista sa kaligtasan sa daan at pagsunod sa speed limit.

“In the entire province, the Municipality of Narra is the highest among all LGU’s na record ng vehicular accident. Noong nakaraang Linggo lang, there’re three, tapos dalawa patay.

Noong naka-nakaraang linggo, there’re three also, isang araw lang ýun at apat ang patay. So, alarming na,” ani Maminta.

Siya rin umano mismo ay naging saksi sa isang kalunos-lunos na pangyayari na pagbanggaan ng dalawang motorsiklo kung saan involved ang isang empleyado ng DPWH na mayroong full gear at isa ring indibidwal na walang helmet.

Kwento niya, galing siya sa basketball noong nakaraang linggo at ilang minuto lamang umano nang makapasok siya sa pinto ng kanilang bahay ay may nagbanggaan na sa harapan kung saan ay agad na pumanaw ang walang suot na helmet.

Sa ngayon umano ay wala pang available na datus sa taunang insidente sa daan sa Palawan sapagkat wala pang collection ng crash record na nakasaad naman sa resolusyon na dapat gawin ng mga munisipyo, bilang pagtalima sa Joint Memorandum Circular na ibinaba ng DOTr, DILG at DPWH noong 2018. Sa pagtalima ng JMC, ani Maminta, wala na ring magiging problema ang mga LGU sapagkat naka-pro-forma documents na iyon at gagayahan na lamang nila, base sa kung ano ang sitwayson.

“Kasama na doon ang identification at classification ng mga road—kung ano ba ‘yung mga main thorough fares, pinaka-busy, ano ba ‘yung less na daanan—mayroong specific maximum allowable speed per road classification.

Narito na lahat; susundin na lang nila,” pahayag niya. Karamihan umano sa mga lider ay walang alam, kahit siya umano noong Sangguniang Bayan Member pa lamang ng Narra ay hindi rin siya aware na mayroong ganoong kautusan ang nabanggit na mga ahensiya ng pamahalaan.

Sa bayan ng Brooke’s Point naman umano ay mayroon nang ipinatutupad na speed limit ngunit hindi umano lubos na nakabatay sa JMC kaya dapat pa ring i-revisit ng nasabing munisipyo.

“The key is the enforcement kasi ‘pag walang enforcement, wala rin eh….So, we have to employ agents and people para magtsek talaga and this is very technical. So, dapat masukat ang speed limit…. ‘Yung pang-measure ng speed, medyo mahal; alam naman natin ‘yun….[But] we should start now,” giit niya.

Ipinunto ng may-akda ang nakasaad sa 35 (a), Article I, Chapter IV ng Republic Act 4136 o mas kilala bilang “Land Transportation and Traffic Code” na sinumang taong nagda-drive ng motor vehicle sa mga pangunahing lansangan ay kailangang nagpapatakbo lamang ng may pag-iingat at naaayon sa itinakdang bilis, hindi mahina at hindi mabilis, may konsiderasyon sa daloy ng trapiko, sa lawak ng lansangan, at sa iba pang kondisyon na mayroon ang dinadaang lugar.

Mahigpit ding ipinagbabawal ng nabanggit na batas ang pagdadrayb ng motor ninuman sa mga highway na makapagdudulot na mailagay sa alanganin ang buhay, ng kamay at paa at anumang propriedad ng isang indibidwal, o ang pagpapatakbo ng mas mabilis pa sa itinakdang bilis.

Sa buong Pilipinas umano, lalo na sa local level ay napakababa ng pagpapatupad ng speed limit kaya napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga lokal na pamahalaan sa pagbalangkas ng polisiya at pagpapatupad nito.

Sa pagbibigay ng kopya ng resolusyon sa mga munisipyo, ilalakip din umano ang JMC No. 2018-001 ng DOTr, DWPH at DILG upang maging reference ng mga Alkalde at ng Sangguniang Bayan members.

Magkakasama umanong babantayan ng pamahalaang nasyunal at ng lalawigan ang implementasyon ng Joint Memorandum Circular.

Nangako naman ang awtor na tutulong sa pagsasagawa ng information, education campaign para sa kabatiran ng lahat. Kaugnay nito, balak din umano ni BM Maminta na maghain ng pro-forma ordinance na hihikayat sa lahat ng LGU na magtayo ng Municipal Road Office o Unit sa ilalim ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na walang ibang gagawin kundi magturo ng kaugnay sa road safety sa mga motorista.

SI BM Ryan Maminta nang kapanayamin ng mga kagawad ng media sa Palawan ukol sa inihaing resolusyon. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter