REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, October 21 2019
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY



ANG Inaugural session ng Provincial Board. (CONTRIBUTED PHOTO//PROVINCIAL INFORMATION OFFICE).

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si Board Member Eduardo Modesto “Jay” Rodriguez sa malamyang aksyon ngayon ng bansang Pilipinas sa kabila ng pagiging agresibo ng bansang Tsina.

Sa inaugural session ng Provincial Board noong unang araw ng Hulyo, kung saan, karamihan sa mga nagwaging bokal ay nagbigay ng kani-kanilang mga pananalita, kabilang si Rodriguez sa mga nag-avail ng privilege speech.

Bahagi ng talumpati ni Rodriguez ang para sa kanya ay hamong kinakaharap nilang lahat na mga mambabatas sa probinsiya ng Palawan kaugnay sa international boundary conflict na pampi-pressure at pambu-bully ng China na tinawag niyang “oriental friends.”

“At nakalulungkot that we always stay sober and calm with this situation habang unti-unti tayong nilulusob—maging sa ilalim, maging sa ibabaw, maging sa itaas ng ating karagatan ang patuloy na pananakop ng mga oriental friends natin,” aniya.

Ang nakalulungkot pa umano ay, bagamat marami ang nagsasabing dapat nang manindigan ang bansa, ngunit ang tanong din niya ay anong klaseng paninindigan.

“Dito po sa ating probinsiya ng Palawan, ano ang magiging ating kalagayan?” tanong pa niya.

Sa kabila ng lahat, naniniwala pa rin umano ang bokal na gaano man inaapi ngayon ng Tsina ang Pilipinas na itinuturing pa man din nitong “kaibigang mga singkit,” naniniwala pa rin umano siyang ang hustisya ng Panginoon ang iiral sa huli.

“Dahil patuloy pa rin nating pinanghahawakan na we always believe in the divine intervention for the protection of our country.”

“Sa ating lakas, wala tayong lakas, dahil sa ating yaman, wala tayong yaman kumpara dito sa mga dayuhang mga singkit na ito pero naniniwala tayo na sa gitna ng mga panalangin, we have the power of this intervention and we believe that we have the favor of the Lord. Dahil ang alam ko, kung ‘yan ang gagawin nila, isang Tsunami lang ‘yan, lipad silang lahat,” komento pa ni Rodriguez.

Pagbibigay-diin niya, maaaring gawin ang lahat ng anumang pisikal na depensa ngunit huwag umanong kalilimutan na nariyan ang Makapangyarihang Diyos na laging handang tumulong at gumawa ng mga posibleng bagay para sa mga Palawenyo. Dahil isang pastor, kadalasan sa pananalita ni BM Rodriguez ay kalakip ang mga salita ng Diyos.

DISKRIMINASYON SA MGA TSINOY?
Sa interpelasyon, bagamat sinuportahan ni Board Member David Francis Ponce de Leon ang mga tinuran ng kasamahan, ngunit hiniling niyang tanggalin ang katagang “singkit” na aniya’y racial discrimination” sa mga Pilipinong singkit o ang mga Filipino-Chinese sa bansa. Aniya, mas ligtas umanong gamitin ang mga salitang “oriental friends” na pinagbigyan naman ni Rodriguez dahil ang kanyang kabiyak din umano ay isang singkit.

Hiningi rin ni Ponce de Leon ang tulong ng Secretariat na magbalangkas ng panukalang resolusyon na naka-address sa mga concerned na mga ahensiyang pangnasyunal na gumawa ng patas na imbestigasyon sa kung ano talaga ang nagaganap sa West Philippine Sea.

“Ara quita aqapamati from our part (wala pa tayong naririnig mula sa atin). So, agapaquitao aqo lamang y tabang qanindo, sa secretariat kung pwede quita qabuwat y resolution (Kaya, humihingi lamang ako ng tulong sa inyo, sa secretariat kung pwede tayong gumawa ng resolusyon), asking the national agencies for a fair and just investigation on what is happening there,” ani Ponce de Leon.

Binanggit din niyang ang ukol sa Recto Bank na aniya’y kabilang sa Spratlys Group of Islands, partikular sa WPS kaya kabahagi pa ng munisipalidad ng Kalayan kaya “directly affected” ang mga Palawenyo.

“Upon receiving the conclusion if ever ng investigation na ito, we can use it, as the highest policy-making body here in the province of Palawan, for enhancement for whatever we can do with it,” komento pa ng bokal.

Kasama rin sa kahilingan ni Ponce de Leon ang pag-iimbita sa MARINA, Western Command, at Coast Guard District Palawan sa committee meeting ng Junta Probinsiyal.

Samantala, naniniwala naman umano si Rodriguez na ang paghahati sa lalawigan ng Palawan sa tatlo ang magiging susi upang madagdagan pa ang pwersa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na madedestino sa probinsiya na mahalaga umano, lalo na dahil sa hamong kinakaharap ngayon kaugnay sa sigalot sa WPS.

ANG panunumpa sa tungkulin ng mga nagwaging kandidato ng Bayan ng Kalayaan noong ika-30 ng Hunyo, sa pangunguna ni Mayor Roberto del Mundo. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter