REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, September 22 2019
MATAAS NA PRESYO NG GASOLINA SA SIYUDAD, NAIS PAIMBESTIGAHAN



Ang mga motoristang nagpapagasolina sa isang gasoline station sa siyudad. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

NAIS paimbestigahan ni City Councilor Peter Q. Maristela ang diumano ay mataas na presyo ng gasolina sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon sa konsehal, ang presyo ng isang litro ng gasolina sa siyudad ay naglalaro sa P59-62.00 at ang diesel naman ay P50-51.00. Mataas umano ito ng sampung piso kung ikukumpara sa presyo ng gasolina sa ibang lugar.

“Compared sa Metro Manila nakaraang linggo, ang presyo ng gasolina ay P49-52.00 at yong diesel from P37-44.00. Sampung piso ang diperensiya, ganon kalaki ang diperensiya [ng presyo dito sa lungsod kumpara sa Metropolitan Manila]”, ayon kay Maristela.

Liban dito, sa isinagawa nilang patuloy na pagsisiyasat, napag-alaman na ang presyo umano ng diesel sa Region lV-B partikular sa Calapan City ay P41-43.00 lamang, mataas ng siyam na piso ang presyo sa Puerto Princesa na hindi bababa sa P51.00 per liter kung ikukumpara sa presyo nito sa nasabing lugar; P43-49.00 naman ang presyo nito sa Marinduque at mataas ng lima hanggang sampung piso ang presyo ng diesel sa lungsod kung ikukumpara dito; mataas din ito ng pitong piso kung ikukumpara sa Occidental Mindoro na may presyong P45-50.00 lamang.

Ang mataas na presyo umano ng gasolina ay direktang nakaaapekto sa ekonomiya ng Puerto Princesa dahil ito ay dagdag pasakit sa bawat indibidwal lalo pa’t mataas ang presyo ng iba pang bilihin.

Bunsod nito, isang resolusyon ang ipinasa ni Maristela sa Konseho na humihiling sa Kongreso ng Pilipinas na magsagawa ng congressional inquiry hinggil sa diumano ay kuwestiyonableng mataas na presyo ng krudo at gasolina sa siyudad.

“Kaya ako ay humihiling sana sa mga kasamahan nating konsehal, ito ay obserbasyon hindi lang ng mga taga-Puerto Princesa kundi maging ang mga bisita natin dito na nanggagaling sa iba’t ibang lugar. Bakit sabi nila (bisita) napakataas ng presyo ng krudo at gasolina sa Puerto Princesa?, ilang beses na natin ipinatawag dito yong mga representative ng gasoline station, mga supplier ng gasolina panahon pa ni Konsehal Jonjie Rodriguez [na noo’y] Chairman ng committee ng energy [15th council].

Ngunit ang sinabi nila [representante ng gasoline station at supplier ng gasolina] ito na rin po ang nasimulan nila matagal ng panahon kaya ipinagpapatuloy lamang nila”, pahayag ng kagawad.

Aniya, malaki ang maitutulong ng national body upang tukuyin ang dahilan sa pagkakaroon ng mataas na presyo ng gasolina at upang matulungan na rin ang siyudad na mapababaan ang presyo nito.

Sinusugan naman ng abogadong si Konsehal Herbert Dilig ang manipestasyon ni Maristela at maging siya umano ay sumusuporta din sa layuning mababaan ang presyo ng fuel dito sa lalawigan.

Idinagdag lamang nito na mailagay sa resolusyon ang mga batayan at basehan kung bakit kinakailangan na umano ang tulong ng Kongreso ng Pilipinas hinggil sa mataas na presyo ng gasolina at krudo sa lungsod ng Puerto Princesa.

Related Articles
MATAAS NA PRESYO NG GASOLINA SA SIYUDAD, NAIS PAIMBESTIGAHAN
PILIPINAS AT PALAWAN, MAHALAGA ANG GINAGAMPANANG PAPEL SA ASEAN REGION
PALAWAN, TARGET NA MAHIRANG NA ‘GOAT CAPITAL’ SA ASYA
‘RUN AFTER CONTRIBUTION EVADERS’ CAMPAIGN, IKINASA NG SSS SA BAYAN NG EL NIDO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter