REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Saturday, February 22 2020
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12



Ang mga panelist sa lingguhang press conference ng Western Command na sina Capt. Jordan Mijares, spokesperson ng 3rd Marine Brigade; Ltc. Stephen Penetrante, tagapagsalita ng Wescom; Lt. Ronnie Riel Grimpola, chief PIO ng Naval Forces West (NFW)/Joint Task Force West (JTFW); at Capt. Carl Bajne Villares, public information officer ng Tactical Operations Wing (TOW)-West. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

SASAILALIM sa retraining at reprovisioning ang Marine Battalion Landing Team (MBLT)-12 kaya darating sa lalawigan ng Palawan ang MBLT-3 upang humalili sa kanila.

Ito ang inanunsiyo ng Western Command (Wescom) kasabay ng lingguhang press conference noong ika-24 ng Hunyo. Sa araw na iyon umano ay nasa consolidation na lamang umano ang nasabing marine batallion at hinihintay na lamang ang pagdating ng isang yunit sa Zamboanga. Tapos na rin umano ang send-off ceremony sa kanila sa Sulu kung saan sila nagtagal ng tatlong taon.

Ayon sa spokesperson ng 3rd Marine Brigade na si Capt. Jordan Mijares, sa inisyal na plano, idadaos ang welcome ceremony para sa darating na batalyon sa ika-30 ng Hunyo sa pantalan din ng siyudad.

Ang commanding officer ng MBLT-3 ay si LtCol. Ramil de Chavez Holgado, kung saan, sakop ng bago nilang dedestinuhang lugar ay mula sa bayan ng Roxas hanggang sa dulong bahagi ng northern Palawan.

Ani Mijares, napapanahon na rin na sumailalim sa retraining ang MBLT-12 matapos na ma-activate noong Pebrero 10, 2010. Aabot umano sa anim na buwan ang retraining bago sila isasabak muli sa deployment at posibleng sa Mindanao na sila itatalaga.

“Siguro, mananatili ito (MBLT-3) rito hanggang sa sila na naman ang kailangang sumailalim sa retraining,” ani Mijares.

KAHALAGAHAN NG MULING PAGSASAILALIM NG MGA BATALYON SA PAGSASANAY
“Napaka-importante po n’un kasi may mga skills na dapat ma-acquire ng personnel, with regard po sa competency ng mag Marines, ‘yun nga po ang war fighting. Siyempre, nasa bago na tayong age, may mga knowledge, may mga technology na dapat matutunan ng mga personnel, especially, nasa area sila, hindi naman lahat napupuntahan ng [Philippine] Marine Corps para isagawa ang training, aniya.

Kalakip din umano ng retraining ay ang reprovisioning o ang pagbibigay muli ng mga bagong gamit, uniform, at mga boots sa mga sundalo “bago sila ma-deploy uli” sa partikular na lugar.

Ayon pa sa opisyal, siya, bilang marines ay masasabi niyang mas challenging sa Palawan sapagkat mas mahirap umanong kalaban ang NPA. Aniya, kung sa Sulu, pagkaminsan ay nakakaligtaan ang ukol sa Human rights ngunit iba umano sa lalawigan sapagkat kailangan talagang i-observe at hindi lamang pwedeng basta-basta mag-akusa, gumalaw o mag-operate nang hindi sumusunod sa tamang protocol.

“….[N]apakalaking pagkakaiba ang kalaban sa Mindanao, sa kalaban sa probinsiya ng Palawan, ‘yung NPA pero rest assured na ‘yung MBLT-3 ay naghanda po bago pumunta rito. Nag-conduct po sila ng training regarding po sa political structures, sa barangay modules, sa CSP na ginagawa ng dalawang batalyon dito para po pagdating nila rito hindi sila masyadong mabibigla, para ready sila,” aniya.

“Ang mga tao sa Sulu, di uso ang rally; ‘pag gyera, gyera. “Dito, hindi po sila ganun; kaya ka nila daanin sa legal, kaya napakahirap po,” pahayag pa ng tagapagsalita ng 3rd Marine Brigade.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter