REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, March 26 2019
MGA ALKALDE NG MGA MUNISIPYONG KASAMA SA TOP 10 ILLEGAL FISHING HOTSPOT, MARIING ITINANGGI ANG ISYU



ANG mga Alkalde mula sa mga bayan ng Araceli, Cuyo, Linapacan at Magsaysay at ang iba pang law enforcement agencies na dumalo sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan upang bigyang-linaw ang lumabas na balitang illegal fishing hotspot ang naturang mga munisipyo. (CONTRIBUTED PHOTO//PIO)

MARIING itinanggi ng mga alkalde ng mga munisipyong kasama sa ulat ng Oceana Philippines na may talamak na iligal na pangingisda sa kani-kanilang lugar.

Sa Question and Answer Hour sa regular na sesyon ng Provincial Board noong ika-5 ng Marso, iginiit ng mga opisyal na walang maayos na basehan ang nasabing NGO para ipabilang sila sa Top 10 Illegal Fishing Hotspot sa buong bansa.

Paliwanag ni Cuyo Mayor Andrew Ong, matapos na inanunsiyo ng Oceana ang nasabing impormasyon sa harap halos ng lahat ng mga Alkalde sa bansa na naroon sa Manila Hotel noong ika-25 ng Pebrero, kinabukasan ay agad niyang tinungo ang booth ng ahensiya upang tanungin ang basehan, kasama ang tatlo pang mga mayor ng Magsaysay, Linapacan at Araceli.

Tinanong umano niya kung ang tinutukoy ba nila na iligal na pangingisda ay dahil sa cyanide, hulbot-hulbot, paggamit ng dinamita o kumpresor o iba pang iligal na kapamaraanan ngunit ang sabi umano ng Oceana, ang pinagbasehan nila ay ang mga na-detect na superlight na nakuha nila mula sa satellite images.

Ang paliwanag din umano ng nagbalitang national television, ang sabi sa kanila ng Oceana ay iligal na pangingisda, taliwas sa naunang pahayag ng grupo na superlight lamang ang kanilang binanggit at di direktang sinabi na illegal fishing.

Nagtaka pa umano siyang paano nagkaroon ng ganoong datus ang ahensiya gayung naghain ang Sangguniang Bayan ng Cuyo ng isang ordinansa noong 2016 na inaprubahan din ng Sangguniang Panlalawigan na nagpapahintulot na magbigay ng mayors permit sa medium-scale commercial foresigner para mag-o-operate sa 10.1 hanggang 15 km mula sa pinakamalapit na baybayin ng kanilang bayan.

“Nakaka-ano (insulto) na kaming mga municipal mayors ay parang [hinuhusgahan na] wala na ring ginawa sa aming mga bayan-bayan,” komento ni Ong.

Matatandaang, panglima ang Cuyo sa naturang ranking, pumang-anim ang Magsaysay, pangsiyam ang Linapacan at pangsampu ang Araceli.

Komento naman ni Mayor dela Torre ng Magsaysay, gaya ng tinuran ni Mayor Ong, ipinakita sa kanila ang satellite images sa kanilang computer na may mga pulang marka. Iyon umano ang mga superlights na iligal na nangingisda.

Lubos din umano niya iyong ipinagtataka dahil sa kanilang bayan ay may inaprubahan din silang Municipal Ordinance No. 136-2016 na nagappahintulot na mamalakaya ang commercial fishing vessels sa loob ng 10.1 hanggang 15 kilometers radius ng municipal waters; ngunit hindi umano ang superlights.

Ipinaliwanang din niyang minsan may umiilaw sa Cuyo Island ay dahil sa malakas ang Amihan o dahil sa lakas ng hangin ngunit nagpapaalam naman umano ang commercial fishing vessels sa LGU o Coastguard na tatabi muna dahil sa sama ng panahon.

Ipinagtataka pa umano nilang sa ilang araw ng aktibidad nila sa Kamaynilaan para sa Mayor’s League ay hindi man lang sila hiningian ng panig o tinanong ng Oceana at ng national television na nag-ulat nito.

“Ang nilabas po ng TV5 ay baseless, unfounded, and very absorbed. Hindi ko po matatanggap ‘yun na ituring na [kasama] sa Top 10 Illegal Hotspot ang bayan ng Magsaysay sa buong Pilipinas,” may diing tinuran ni dela Torre.
Kapwa rin ikinalungkot nina Mayor Noel Beronio ng Araceli at Jessie del Prado ng Linapacan ang aligasyong ibinabato sa kanila.

Sa katanungan naman ni Board Member Winston Arzaga sa in-charge sa BFAR-FPLEG na si G. Marvin Raniada kung wala bang findings na magku-qualify sa nabanggit na mga munisipyo na hotspot, sinabi niyang di lang nila alam kung ano ang basehan nila sa FPLEG ay basehan din ng nasabing NGO—ang pagagmit ng Visible Infrared Imaging Radiometer Suite (VIIRS). Iyon umano ay pag-monitor ng mga umiilaw sa karagatan ngunit nilinaw niyang hindi rin nangangahulugan na ang lahat ng iyon ay nag-iiligal.

Minsan, sumulat din umano sila sa Oceana tungkol sa umiilaw na i-validate at i-monitor ngunit hindi umano ang sabihing iyon na nga ang mga nagsasagawa ng illegal fishing.

Masaya ring ibinalita ni Raniada na may bagong inisyatiba ang national government sa pamamagitan ng ibinabang Fishery Administrative Order No. 263 ng BFAR na lumilikha ng FMA-Fisheries Management Area kung saan ay pagsasami-samahin na ang BFAR, LGU at lahat ng law enforcement Group. Magkakaroon aniya ng orientation bagamat i-eskedyul pa.

“Sa Coastguard Palawan, pinapabulaanan po namin ang mga claim na ‘yan,” ayon naman kay Commodore Allen Toribio, commandant ng Coast Guard District Palawan. Iginiit niyang mga isolated case lamang ang nahuhuli nila at ang tatlong Vietnamese fishing vessel noong nakaraang taon sa Sulu Sea malapit sa Cagayancillo at maliban dito ay wala ng iba.

Mayroon din umanong joint effort ang BFAR at ang PCG tulad umano ng ang PCG ang nagdadala sa Monitoring, Control and Surveillance (MCS) Vessel ng BFAR na partikular na ginawa para ma-monitor ang fishing activities. Sakay ang law enforcement Group ng BFAR, naka-deploy umano ang MCS 3001 sa northern Palawan, ang 3002 ay sa southern part, ang 5001 sa Sulu Sea at ang 5002 sa Eastern Side.

Ang PCG naman umano na ang main function ay search and rescue at maritime security, dinadagdag lamang ang anti-illegal fishing function, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa lead agency ng panghuhuli sa mga gumagawa ng iligal na pangingisda, ang BFAR.

Bilang augment umano sa DA-BFAR, dalawa sa 44 meter na patrol vessel ng ahensiya ang ginagamit sa maritime patrol. Ang BRP Sindangan (MRRV-4407) ay inilagay sa bayan ng Araceli at Amanpulo area na kamakailan ay pinalitan ng Multi-Role Response Vessel (MRRV) BRP-4409 “Cabra” habang ang BRP 4407 naman ay pinabalik sa Puerto Princesa para sa provision papunta naman sa southern Palawan.

Sa hiwalay na panayam naman sa kinatawan ni BPTF Program Director Nino Estoya na si Bantay Palawan Project Officer Milma Sangkula, binanggit niyang hindi siya nagulat sa ulat ng Oceana kundi “nakulangan pa.” Sa katunayan umano, hinanap niya ang ibang munisipyo na alam niyang talamak ang mga iligal na pangingisda.

“Nung nakita ko ‘yun, hinanap ko ‘yung ibang munisipyo na wala. Hinanap ko ‘yung Aborlan, Bataraza, Balabac, [at] Rizal. Hinanap ko [rin] ang El Nido,” ani Sangkula.

Nang tanungin naman sa pag-deny ng mga Alkalde, sinabi niyang obserbasyon nila iyon at nasa kanila na kung magsisinungaling o hindi. Nauunawaan naman umano niyang gagawin nila iyon dahil kahihiyan din nila ang naganap na waring nagsasabing “hindi nila nagagampanan ang kanilang mga tungkulin.”

Kung siya umano ang tatanungin, saanmang munisipyo ay talamak ang illegal fishing sa lalawigan ng Palawan na ginagawa, hindi lamang ng mga lokalidad kundi ng malalaking bangka mula sa iba’t ibang probinsiya.
Sa ngayon umano, hindi pa sila maaaring mag-operate dahil sa Election Ban. Ininda pa niya ang maliit lamang umano nilang pondo na ngayong taon ay nasa P5 milyon lamang kung ikukumpara umano sa halaga ng pagbili ng isang bangka na umaabot sa P1.5 milyon, wala pa ang maintenance.

Inaasahang iimbitahan uli sa susunod na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ang Oceana Philippines at ang News5 para sa pagbibigay-linaw sa isyu. Iginiit ng Konseho na kinunsidera nilang napakahalaga ang isyu kapag hindi iyon nakurek ay magiging “black eye” sa buong lalawigan.

Bilang resulta naman ng diskusyon, iminungkahi ni BM Arzaga na maghain ng resolusyon na aatas sa Oceana Philippines na itama o i-validate ang listahan upang linisin ang ngalan ng apat na munisipyo at ng buong lalawigan; kalakip din umano nito ng paghingi ng paliwanag mula sa kanila kung ano ang dahilan nila sa kanilang inanunsiyo.

Related Articles
PRACTICE VOTING SA BAYAN NG NARRA, MAY KASAMA UMANONG BIGAYAN
ISANG BOKAL, IBIG TUTUKAN ANG VOTE BUYING AT VOTE SELLING SA PALAWAN
MAHIGIT 1000 MAGSASAKA SA PALAWAN, APEKTADO NA UMANO NG MATINDING TAG-TUYOT
INAUGURAL FLIGHT NG AIRSWIFT PATUNGONG CORON, EL NIDO, BINUKSAN
GROUNDBREAKING NG BUSUANGA AIRPORT DEV’T PROJECT, ISINAGAWA
BAYAN NG QUEZON, ISINAILALIM NA SA STATE OF CALAMITY DAHIL SA DENGUE OUTBREAK
BANTAY PALAWAN, NAGPAPATULOY SA MONITORING KONTRA HUMAN TRAFFICKING
800 EKTARYANG PEARL FARM SA BUSUANGA INALMAHAN NG MGA MANGINGISDA, IP’S
PALECO MAIN GRID, SUMASAILALIM NGAYON SA COMPREHENSIVE AUDIT
PAGTATATAG NG PALAWAN COUNCIL FOR PROTECTED AREA MANAGEMENT, MULING INIHAIN
ILANG PULITIKO, PARTYLIST, LUMABAG SA PAGKAKAKABIT NG MGA CAMPAIGN POSTER
4 MUNISIPYO SA PALAWAN, KABILANG SA ILLEGAL FISHING HOTSPOT
KASO NG TIGDAS SA PALAWAN, UMAKYAT NA SA 55
TAGAPAGSALITA NG COASTGUARD DISTRICT PALAWAN, INARESTO DAHIL UMANO SA PANGINGIKIL
PAGDARAGDAG NG TULONG SA MGA KOOPERATIBA, INIHAIN
PAGTATATAG NG ICT COUNCIL SA BAWAT MUNISIPYO, APRUBADO NA SA PROV’L BOARD
CO-MANAGEMENT SA PANGANGALAGA NG KALIKASAN NG PALAWAN, KUMUSTA NA?
ANTI-TERRORISM CAMPAIGN, MAS PALALAKASIN SA PALAWAN
PRESERBASYON NG PALAWAN PANGOLIN, ISA SA IKINAKAMPANYA NG UNITED KINGDOM
PROTEKSIYUNAN ANG KARAPATAN NG MGA MAHIHIRAP—EJ ARIZALA
‘OPERATION BAKLAS,’ SERYOSONG IPATUTUPAD SA PALAWAN SIMULA PEB. 20
WPU, 96TH PLACER SA WEBOMETRICS RANKING SA BANSA
BLACK VALENTINE AT BLACK FRIDAY PROTEST, IKINASA NG PALECO
MATERNAL DEATH NG PALAWAN BUMABA NG BAHAGYA, AYON SA PHO
OPEN-SEASON SA PANGINGISDA NG GALUNGGONG SA PALAWAN, NAGSIMULANG MULI
POSIBILIDAD SA PRIVATIZATION NG MGA PROV’L HOSPITAL, IMINUNGKAHI
MGA LGU, PWRCC, HINIKAYAT NA MAGSAGAWA NG PAGSASANAY UKOL SA WILDLIFE HANDLING
PAMAHALAANG BAYAN NG CULION, NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG SUNOG
‘WALA NA TALAGANG EPEKTO ANG PHILHEALTH’
19.2 % SINGLE NA INDIBIDWAL SA KABUUAN SA MIMAROPA, NATUKOY SA PALAWAN
9 LUGAR SA PALAWAN, KASAMA SA POLL WATCHLIST
BATARAZA, IMINUNGKAHING I-ASSESS KUNG PASOK BANG ISAILALIM SA COMELEC CONTROL
NATIONWIDE ECP ADVOCACY SEMINAR NG ECC, BINUKSAN SA PUERTO PRINCESA
PAGPAPAKANSELA SA PRANGKISA NG PALECO, BINAWI NA NG DOE
DEPED-PALAWAN, UMAASANG MABABAWI ANG KAMPEONATO SA MIMAROPA RAA MEET
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Partly Cloudy
Tomorrow
Partly Cloudy
0%
Chance of a Thunderstorm
Wednesday
Chance of a Thunderstorm
60%
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter