REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
MGA KANDIDATA NG BB. SEXSI 2019, IPINAKILALA NA



PRENESENTA na sa publiko noong ika-4 ng Pebrero ang mga opisyal na kandidata para sa Binibining Sexsi 2019.

Ang sampung kandidata na unang pormal na ipinakilala sa flag ceremony ng City Government ay mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod ng Puerto Princesa. Sila ang magtatagisan ng ganda, talento at talino para sa naturang kompetisyon.

Ang mga kalahok ay sina Bb. Ravie Ann De Castro ng Brgy. Tanglaw, Bb. Princess Sarah Espidido ng Brgy. Milagrosa, Bb. Ma. Fernanda L. Rosas ng Brgy. San Miguel, Mary Carina M. Cervantes ng Brgy. Maunlad, Decerce B. Jabello ng Brgy. Mabuhay, Mary Vanessa Tan ng Brgy. Model, Rica P. Belleza ng Brgy. Sta. Monica, Kimberlyn C. Mazon ng Brgy. San Pedro, April Ann R. Magbanua at Maureen April Rae P. Mijares ng Brgy. Tiniguiban.

Ayon sa isa sa mga contestant na si Bb. Tan, sumali siya sa patimpalak upang maging inspirasyon sa ibang “plus size” na babae at maipaalaala sa kanila na hindi kailanman magiging hadlang sa buhay ang pisikal na kaanyuhan.

“I want to be an instrument of change, I want to show people that we’re more than just our body size; that we can be more and do more,” ang sagot niya sa ginanap na press conference matapos ang flag ceremony noong Lunes.

Dagdag pa niya, ang kanyang adbokasiya ay pagtataguyod umano ng asosasyon ng mga “plus size” na mga kababaihan na ang pokus ay upang ma-develop ang tiwala at respeto nila sa kani-kanilang sarili.

Pantay-pantay na karapatan naman ang isinisigaw na adbokasiya ni Belleza na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) Community.

“My advocacy is to alleviate discrimination among oversize women and also as a proud member of LGBT community, I want to instill to the mindset [of the people] to stop body shaming and also [to promote] equality for all gender,” pahayag ni Belleza.

Sa pagtatapos ng presscon, nakuha ng kinatawan ng Brgy. Model na si Bb. Tan ang parangal na “Darling of the Press” na hindi umano inaasahan ng kandidata dahil ang pagsali niya ngayong taon ay ang una niyang pagkakataong lumahok sa isang kompetisyon.

“To be honest po hindi [ko inasahan na ako ang mapipili] pero…kung anuman po ang tanungin sa akin, sasagot po ako from the heart…kung ano talaga ang totoong opinyon ko. Tsaka [isa pa sa dahilan kaya di ko inaasahang ako ang makatatanggap ng parangal ay] marami po akong kasamahan na matatalino at witty rin sila. Maraming maraming salamat po at ako ang inyong napili,” ang naging pahayag ni Tan sa hiwalay na panayam sa kanya ng Repetek.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa City Government sa pagkakaroon ng nabanggit na kompetisyon na naging daan aniya upang maipakita ng mga “plus size women” ang kanilang talento.

Makikilahok naman ang nasabing mga kandidata sa Love affair with Nature sa ika-14 ng buwang kasalukuyan.

Samantala, ang gabi ng pagtatanghal ay gaganapin sa SM City Puerto Princesa bandang alas siyete ng gabi sa Feb. 26 at sa March 2 naman ang Coronation Night, sa kaparehas na oras sa City Baywalk.

ANG pagpapakilala ng mga opisyal na kandidata ng Bb. Sexsi 2019. Kasama rin sa larawan ang mga kalahok sa Miss Puerto Princesa 2019 (kaliwa). (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

Related Articles
BB. REYNA RUHEN, PAMBATO NG PALAWAN SA DARATING NA MISS EARTH PHILIPPINES 2019
MGA KANDIDATA NG BB. SEXSI 2019, IPINAKILALA NA
CHINESE NEW YEAR, IDINAOS SA PUERTO PRINCESA
ISANG CALL CENTER AGENT, KINORONAHAN BILANG MISS GAY PUERTO PRINCESA 2018
BB. SHARA BARBER NG PSU, KINORONAHAN BILANG KAUNA-UNAHANG MISS PALAWAN
HYPERTENSION, PANGWALO SA SANHI NG KAMATAYAN NG MGA PALAWENYO
MGA KANDIDATA NG MISS PALAWAN 2018, IPINAKILALA NA
MATAPOS MAHINTO NG ILANG TAON,MISS GAY PUERTO PRINCESA, MULING BINUKSAN
PERLAS DE JUNIO 2018, TAMPOK ANG SOUTH SEA PEARLS
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter