REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
MGA LGU, PWRCC, HINIKAYAT NA MAGSAGAWA NG PAGSASANAY UKOL SA WILDLIFE HANDLING



HINIHIKAYAT ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Palawan at ang Palawan Wildlife Rescue & Conservation Center (PWRCC) na magbigay o manguna sa pagsasagawa ng pagsasanay ukol sa kung paano itrato ang mga buhay-ilang sa mga apektadong komunidad na kung saan nagiging peste na ang nasabing mga hayop.

Layon umano nito ang balansiyadong hakbang na maiwasang may mapahamak na buhay-ilang at maprotektahan din ang kabuhayan ng mga apektadong Palawenyo.

Sa inihaing resolusyon ni Philippine Councilors’ League Federation President at Ex-officio Member Clarito “Prince” Demaala IV na aprubado na rin sa Provincial Board, binigyang-diin niya na kasama sa ginagawang mundo ng mga tao ang mga hayop kaya nararapat din silang bigyan ng paggalang at pagkakataong mabuhay. Paalala niya, kailangang protektahan ang mga iyon at hindi dapat pinapatay dahil mahalaga silang kabahagi ng ekosistema.

Ilan sa mga senaryong kanyang inilahad ay ang mga bayawak na nangangain ng mga alagang manok, pawikan na kumakain ng mga tanim na seaweeds at ang mga buwayang nagiging banta sa buhay ng mga tao gaya ng laging nagaganap sa Balabac at sa iba pang bayan.

Aniya, maipapaliwanag lamang at mahikayat ang mga mamamayan sa tamang pag-handle ng wildlife sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsasanay at pagbibigay ng tamang impormasyon sa kanila.

“We must share our environment sa kanila, hindi pwedeng tayo lang….We must share [it] to them kung papaano tayo mamuhay ng tama at maayos, sila rin, respetuhin din natin ang kanilang natural habitat,” ani Demaala sa hiwalay na panayam ng local media.

Pinaalala niyang may batas na nag-aatas na nagbabawal na saktan o patayin ang mga endangered species, gayundin kung kainin, maliban na lamang sa ilang exemptions pagdating sa IP’s community. Ang pakiusap lamang umano niya sa publiko at sa mga local government units na magkaroon ng information dissemination hinggil sa paano magkaroon ng tamang pag-handle kapag naranasan ang nabanggit na mga sitwasyon ngunit nakukunsidera rin naman ang hindi rin maapektuhan ang kanilang pinagkakakitaan at normal na buhay.

Gaya naman sa ilang munisipyo sa southern Palawan na umaatake ang mga buwaya sa mga residente, bagamat lubos umano niyang ikinalungkot ang ganoong pangyayari ngunit bilin niya, “Hindi natin pwedeng patayin ‘yang mga ‘yan. Before pa lang tayo mabuhay, nandiyan na sila.”

Kaya suhestyon niya, magkaroon ng safe zone o lagyan ng area kung saan lang pwede ang mga mamamayan at magsagawa ng masusing pag-aaral ang mga environmental department kung paano iyon masolusyunan na wala ring buhay na kapalit.

Ayon naman kay PCSD Spokesperson Jovic Fabello, sa pamamagitan ng kanilang ECAN boards ay may nalikha na ang PCSD Staff na municipal wildlife rescue group simula pa noong 2016 para sa mga bayan ng Brooke’s Point at Balabac na plano na rin umano nilang maisagawa rin sa iba pang munisipyo.

Ang kasunod naman umanong yugto ay ang pagbibigay ng pagsasanay sa mga taong responsable sa wildlife handling and rescue. Dagdag pa niya, mayroon din silang mga nasanay ng wildlife enforcement officers sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Palawan.

“These WEOs are trained to handle wildlife aside from enforcing wildlife act in Palawan,” ani Fabello.

ANG paghatid sa buwayang si Singko sa PWRCC matapos mahuli sa Brgy. V, Balabac, Palawan. (CONTRIBUTED PHOTO//PCSDS)

Related Articles
OPEN-SEASON SA PANGINGISDA NG GALUNGGONG SA PALAWAN, NAGSIMULANG MULI
POSIBILIDAD SA PRIVATIZATION NG MGA PROV’L HOSPITAL, IMINUNGKAHI
MGA LGU, PWRCC, HINIKAYAT NA MAGSAGAWA NG PAGSASANAY UKOL SA WILDLIFE HANDLING
PAMAHALAANG BAYAN NG CULION, NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG SUNOG
‘WALA NA TALAGANG EPEKTO ANG PHILHEALTH’
19.2 % SINGLE NA INDIBIDWAL SA KABUUAN SA MIMAROPA, NATUKOY SA PALAWAN
9 LUGAR SA PALAWAN, KASAMA SA POLL WATCHLIST
BATARAZA, IMINUNGKAHING I-ASSESS KUNG PASOK BANG ISAILALIM SA COMELEC CONTROL
NATIONWIDE ECP ADVOCACY SEMINAR NG ECC, BINUKSAN SA PUERTO PRINCESA
PAGPAPAKANSELA SA PRANGKISA NG PALECO, BINAWI NA NG DOE
DEPED-PALAWAN, UMAASANG MABABAWI ANG KAMPEONATO SA MIMAROPA RAA MEET
MAS MAHIGPIT NA POLISIYA, IPINATUTUPAD SA PROV’L JAIL,
DATING LIDER NG NPA, NAIPAGPAPATULOY UMANO ANG ADBOKASIYA KAHIT NAKAPIIT NA
PARA SA KALIGTASAN NG PUBLIKO
3 PANG KAHILINGAN NG PROV’L BOARD SA DPWH, INIHAIN
MORATORIUM, NAKIKITANG SOLUSYON SA PROBLEMA SA CORON
MGA BARANGAY SA PALAWAN, IMINUNGKAHING BIGYAN NG CHAINSAW
8 GUSALI, 2 KABAHAYAN, NASUNOG SA EL NIDO
HAKBANG KONTRA SOBRANG SINGIL-PASAHE, IKINASA
LGU CORON, HUMIHINGI UMANO NG INTERBENSYON SA PROV’L GOV’T
BAGONG CHED MIMAROPA REGIONAL DIRECTOR, ISANG PALAWENYO
ISANG PASSENGER VESSEL, NASADSAD SA CAGAYANCILLO
MAAGANG PAGPAPAREHISTRO, IPINAALA-ALA NG DEPED
10 FIRECRACKER INCIDENT, NAITALA SA PALAWAN
ITINALAGANG ACTING GM NG PALECO, NAKAUPO NA
PRESIDENTIAL VETO POWER
WESCOM, NAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA SOUTHERN PALAWAN
PALECO, TUTOL SA PAG-UPO NG ITINALAGANG ACTING GM NG NEA
PAGTANGGAL SA SABSIDIYA SA PALAWAN, PINAGHAHANDAAN NA UMANO NG PALECO
PANAWAGAN SA PCA: BIGYANG SABSIDIYA ANG MGA MAGSASAKA NG NIYOG
LIKHAIN NA ANG COPRA SEEDLING NURSERY—PROV’L BOARD
PALAWAN AUTONOMOUS REGION, SAGOT SA MALAMPAYA CLAIM-CRV
OPOSISYON, MULING NAGPATUTSADA SA MGA PROPONENTE NG PAGHAHATI NG LALAWIGAN
BISE GOV. DENNIS SOCRATES: DI MAIIWASAN ANG POLITICAL DYNASTY
HONORARIUM PARA SA MGA SK KAGAWAD, ISINUSULONG
MAIN AT EXIT GATE NG MGA PAMPUBLIKONG ESKWELAHANG NASA NAT’L H’WAY, IPINALILIPAT
RESOLUSYONG HUMIHILING NA MALAGYAN NG MGA ILAW ANG MGA BEACH, APRUBADO NA
ZERO-FIRECRACKER INJURY NGAYONG 2019, TARGET NG DOH-CHD MIMAROPA
BADGET NG PALAWAN SA 2019, TUMAAS NG 10%
REGULASYON SA PAGGAMIT NG PAPUTOK SA BUONG PALAWAN, INIHAIN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter