REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL



(REPETEK FILE PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

DALA pa rin ng nararanasang El Niňo phenomenon sa Puerto Princesa, pumalo na sa 692 magsasaka ang apektado ng matinding tagtuyot.

Umangat ng ilang daan ang noo’y 97 bilang lamang ng mga farmers na unang naitala ng City Agriculture Office (CAO).

Paglilinaw ni Assistant City Agriculturist Enera Tuibeo, ang noo’y 97 na bilang ng mga farmers ay naitala lamang sa kanilang inisyal na pagtatasa mula Enero hanggang Abril taong kasalukuyan.

At sa kanila umanong bagong isinagawang assessment ay lumalabas na nasa 692 magsasaka na ang naapektuhan ng El Niňo phenomenon.

Paliwanag ni Tuibeo, tumaas ang bilang ng mga apektadong magsasaka sa lungsod dahil kinakailangan nilang ikonsidera ang mga apektadong taniman, maging ang mga farmers na hindi nakapagtanim dahil sa kakulangan ng tubig at init ng panahon.

“Yung explanation natin doon, ‘yung report lang [January-April] na 97 [farmers] iyon lang [kasi] ‘yung mga farmers na may tanim at that time na na-assess namin ang damage, pero ‘yung may mga tanim na wala kaming nakitang damage hindi iyon na-consider na affected tsaka ‘yung hindi nakapagtanim [na mga magsasaka] kaya noong in-update namin from June 26, ang farmers na naging affected ay 692 [na]. Ito iyong kinonsidera naming farmers na hindi nakapagtanim na sana nakapagtanim na hindi nga nakapagtanim dahil may kakulangan ng tubig,” ayon pa kay Tuibeo.

Alinsabay naman ng pag-angat ng bilang ng mga apektadong farmers sa lungsod ay ang pagtaas din ng bilang ng mga barangay na apektado na noo’y sampu lamang na ngayon ay nasa 32 barangay na.

Sa patuloy na isinasagawang ebalwasyon ng naturang opisina, tinatayang nasa P5.8 milyon crop damage na ang kanilang naitatala.

Sa datus pa rin ng CAO, ang nabanggit na 32 barangay na apektado ay binubuo ng parehong walong (8) bilang ng magsasaka mula sa Sta. Monica, San Jose at Tagburos, parehong dalawang (2) bilang rin sa Tanabag at Concepcion maging sa Inagawan-Sub at Buenavista ay pawang parehong 23 ang naitalang magsasaka.

Parehong 39 naman sa Irawan at Maruyugon, parehong pito (7) sa San Rafael at Mangingisda, at parehong 37 sa Simpokan at Macarascas; forty nine (49) sa Sisican, 73 sa Sta. Lourdes, 24 sa Sta. Cruz, 27 sa Inagawan, 57 sa Bahile, 16 sa Babuyan, 28 sa Bagong bayan, anim sa Luzviminda, 66 sa Manalo, 46 sa Kamuning, 15 sa Salvacion, 105 sa Napsan, 18 sa Tagabinet, 12 sa Binduyan, 19 sa Langogan, 17 Lucbuan, 11 sa Maoyon, 92 sa Bacungan at 98 sa Cabayugan.

Bunsod nito ay patuloy ang pagbibigay ng livelihood assistance ng nabanggit ng pamunuan sa mga apektadong magsasaka ng lungsod ng Puerto Princesa.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter