REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
MGA PALAWENYONG MUSIKERO, MULING NAGTAGISAN NG GALING SA TUNOG PALAWAN GRAND FINALS



Sampung kalahokang nagtagisanng galing para sa Palawan Artists’ Popular Songwriting Competition(PAPSC)/ Tunog Palawan 2018 na ginanap noong gabing ika-19 ng Hunyo sa Cory Park, Provincial Capitol Grounds. Ang naturang aktibidad ay bahaging pagdiriwang ng Baragatan sa Palawan Festival 2018.Tinanghal na kampeon ngayong taon si G. Larry Magnaye mula lungsod ng Puerto Princesa para sa kanyang likhang awitin na pinamagatang “Palawan.” Siya ay tumanggap ng P50,000 salaping gantimpala at plake.

Nakamit naman ni G. Ronald Villanueva ang ikalawang pwesto para sa kanyang awiting “Tara Na! Biyahe Na!” kung saan tumanggap siya ng P30,000 salaping gantimpala at plake. Si Bb. Sheena Rose Sabuya naman ang nakasungkit ng ikatlong pwesto para sa kanyang awiting “Meet Me in Paradise.” Siya ay nag-uwi ng P20,000 salaping gantimpala at plake.

Ang mga hindi nagwagi ay tumanggap rin ng tig-P10,000 bilang consolation prize.

Ang iba namang mga kalahok ay sina Danilo Tating, Fei Wiene Castillo, Rey Abrea, Edward Allen Bantan, Ariel Miranda, Darwin Baluyot, at Juhad Harmain na mula sa munisipyo ng Sofronio Espanola.

Ang tema ng patimpalak ngayong taon ay “Palawan: Paraisong Pulo sa Buong Mundo” kung saan nagsilbing mga hurado sa patimpalak ang ilan sa mga lokal na kompositor ng Palawan na tumataguyod ng musikang Pilipino na sina G. Bayani “Nonoy” Lanzanas, G. Jose Bimbo Fernandez, G. Pat Marquez at G. Ian Bacuel.

Pangunahing layunin ng nasabing kompetisyon na mabigyang oportunidad ang mga lokal na kompositor na maipamalas ang kanilang galing sa larangan ng musika at mapagyaman ang kanilang talento sa pamamagitan ng paglikha ng mga awiting tatak-Palawenyo.

Layon din nitong maitaguyod ang kaalaman at lalong mapagyaman ang turismo ng lalawigan ng Palawan kung saan palagian itong umaani ng mga pagkilala mula sa mga prestihiyosong local at international travel magazines.

Ang nasabing sampung contender ang maswerteng nakapasok sa finals mula sa 38 na entries matapos na dumaan sa masusing screening kung saan unang pinakinggan ang kanilang mga komposisyon ng mga miyembro ng komite sa pangunguna ni G. Ceasar Sammy Magbanua bilang Executive Chairman ng Baragatan Festival. Base sa panuntunan ng PAPSC, pinili ang tinanghal na kampeon sa naturang patimpalak sa pamamagitan ng musical content – 30%, lyrics – 30% at over-all impact – 40%.

Samantala, itinampok din sa naturang patimpalak ang pagbibigay-pugay at parangal ng Pamahalaang Panlalawigan kay G. Nonoy Lanzanas bilang Palaweñong kompositor na patuloy na nagtataguyod ng mga lokal na awitin sa Palawan sa mahabang panahon. Ito ay sa pamamagitan ng pagtatanghal ng Palawan Performing Arts ng Kapitolyo ng mga awiting likha ni G. Lanzanas tulad ng Pista y ang Cagueban at Amos Tara.           

Related Articles
TITULONG BINIBINING MIMAROPA 2018, NASUNGKIT NG ISANG PALAWENYA
MGA PALAWENYONG MUSIKERO, MULING NAGTAGISAN NG GALING SA TUNOG PALAWAN GRAND FINALS
KINATAWAN NG ABORLAN, NAGWAGING MUTYA NG PALAWAN 2018
pongidusora
PALAWENO SINGER NA SI ‘PONG’ IDUSORA, NAGSAGAWA NG KAUNA-UNAHANG CONCERT
INISYAL NA LISTAHAN NG MGA KANDIDATA PARA SA MUTYA NG PALAWAN 2018, INILABAS NA
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter