REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD




AGAD na inaprobahan sa Sangguniang Panlalawigan ang panukalang humihiling sa Kagawaran ng Kalusugan na magbigay ng dagdag na mobile clinic para sa norte at sur ng lalawigan ng Palawan upang mapaganda ang pagbibigay ng libreng pangangalagang medikal ng mga malalayong komunidad sa probinsiya.

Ang kahilingan na ang main author ay si Board Member Ryan Maminta ngunit sa huli ay ang lahat ng bokal na ang naging may-akda, ay naka-address kay Health Sec. Francisco Duque III sa pamamagitan ng Ospital ng Palawan (ONP).

Ang mobile clinic ay karaniwang fully-equipped ng automatic haematology analyser, digital ultrasound, ECG machine, X-ray machine, blood centrifuge, oxygen concentrator, urine analyser, blood chemistry analyser, pharmacy refrigerator, OB-Gyne electric table, defibrillator, glucometer at iba pa.

Nagsisilbing ancillary service ang mga mobile clinics sa mga operasyon ng mga recipient hospital, lalo’t higit sa mga hindi naabot ng mga serbisyo ng gobyerno gaya ng medikal.

Inaasahang, sa pamamagitan ng nasabing pasilidad ay makatutulong sa mga mahihirap na pamayanan at bulnerableng sektor sa catchment area ng recipient hospital.

Sa buong lalawigan, tanging ang ONP pa lamang ang may mobile clinic na kanilang natanggap noong Mayo 16, 2011 na magpasahanggang ngayon ay nasa maayos pa ring kalagayan at nagagamit. Ang mga serbisyo namang naibibigay ng ONP mobile clinic ay medical consultation, dental consultation/tooth extraction, diagnostic and laboratory services tulad ng Chest X-ray, ECG, ultrasound, urinalysis, complete blood count, platelet count, blood typing, random blood sugar, at blood smear para sa Malarial parasites, pagtuli, pamimigay ng mga gamot, at health education promotion.

Binigyang-diin ng mga miyembro ng Junta Probinsyal na napakahalaga ng mobile clinics na kung maaaprobahan ay tiyak na bentahe sa mga taong naninirahan na malayo sa mga provincial at municipal hospital. Sa Palawan, sa south, matatagpuan ang Southern Provincial Hospital (SPPH) sa munisipyo ng Brooke’s Point habang sa norte naman, matatagpuan ang Northen Provincial Hospital (NPPH) sa bayan ng Taytay.

Pinagbatayan ng mga may-akda ang mga nakasaad sa seksyon 15, Artikulo II at seksyon 11, Artikulo XIII ng Saligang Batas ng Pilipinas at “Traditional and Alternative Medicine Act (MATA) of 1997. Nakabatay din ang kanilang hakbang sa Section 2 (d) ng RA 11223 o ang “Universal Health Care Act” na nagsasabing sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ay kailangang sa pamamagitan ng people-oriented approach na akma naman sa pagkakaiba-iba ng kultura, values at paniniwala.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter