REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB



ANG mga partisipanteng nakikilahok sa aktibidad. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

MASIGLANG lumahok ang nasa 100 Palawenyo sa isang araw na Startup basic workshop na inorganisa ng Department of Information and Communications Technology (DICT), katuwang ang QBO Innovation Hub.

Ang mga partisipante sa nasabing aktibidad na isinagawa sa Performing Arts Center (PAC) ng Palawan State University (PSU) noong ika-5 ng Hunyo ay mga high school students buhat sa iba’t ibang paaralang pang-sekondarya sa lungsod ng Puerto Princesa, mga propesor, grupo ng mga kababaihan, MSME’s, mga private individual, DepEd, RIS Technical Training Graduates at Palawan International Technology Business Incubator.

Taong 2018 nang magsimulang mag-partner ang DICT at QBO sa mga kahalintulad na programa, na ngayong taon, tinawag nilang “DICT STARTUP BASIQS” ang aktibidad na kanilang ikinasa sa lalawigan ng Palawan. Ang QBO ay isang public-private partnership na incubation hub ng bansa na kung saan, sila ang responsable sa paglago ng mga startup sa Pilipinas.

Sa umaga, tinalakay ng DICT-IIDB ang ukol sa seedPH Program: Nurturing the Philippine Startup Ecosystem at sinundan ng presentasyon ng QBO, na kung saan, nagbigay sila ng inspirational message ukol sa pagbubukas ng startup at kung paanong ang mga millennial ay maaaring manguna sa pagnenegosyo.

Sa topic ukol sa startup basic na ang speaker ay mula pa rin QBO, in-introduce sa mga partisipante ang hinggil sa depinesyon, jargon, at mga bokabularyo na kaukol dito, ang pagkakaiba ng tradisyunal na SME at ng startup, mga yugto ng startup, at ang mga pangunahing validation technique.

Sumailalim din sila sa step-by-step workshop sa pag-alam sa problema, sa pagsasaayos ng value proposition sa pamamagitan ng pag-unawa sa pangangailangan ng mga customer. Ginamit sa workshop ang value proposition canvass toolset.

Bahagi rin ng workshop ay ang kunwaring pag-interbyu ng mga participant sa kanilang customer upang malaman ang totoo nilang dahilan sa sinabi nilang kanilang mga pangangailangan, pagkatapos ay pag-validate sa kanilang produkto at paglikha ng solusyon.

Sumailalim din sa mentoring session ang mga dumalo na ang mga tagapagsalita ay mula sa QBO at guest mentors.

Sa huling bahagi naman, upang makahikayat ng aspiring founders sa lalawigan ng Palawan, ibinahagi ng panauhing startup founder ang kanyang mga karanasan at pinagdaanan. Nakapokus ito sa mga totoong naganap sa kanyang buhay habang itinatayo ang kanyang kompanya, risk-taking at pagkabigo bilang bahagi ng pagkatuto at kung paanong ang startup at innovation Concept ay pwde ring i-apply sa pang-araw-araw na buhay.

Sa pagsasalarawan ng salitang “startup,” ayon sa project development officer ng DICT-ICT Industry Development Bureau na si Bb. Ayn Ilya Fernandez Ingking, ang startup ay “Technology driven” na solusyon ng isang existing na problema. Aniya, ang startup ay kahalintulad din sa normal na pagtatayo ng negosyo na may kapital ngunit ang kaibhan lamang, ang pinakalayunin nito ay resolbahin ang luma ng problema sa pamamagitan ng teknolohiya.

“We’re already living in a technology-driven world. So, that’s why we make it in a point na kung ano ang nagda-drive sa atin ngayon ay gamitin ito whatever platform na kaya nating gawin. They discovered the startup companies na minention nga kanina na Viber, Facebook, they are all started as startup and eventually nag-roll na sila as established business,” ani Ingking.

Inihalimbawa pa niya ang Grabtaxi na nagresolba sa problema ng mga commuters ng kanilang masasakyan.

“Like for example, cite-an nila ‘yung Grab. Di ba hindi ninyo iisipin na ‘yung inconvenient sa transportation, hindi obvious solution na mag-a-app ka na makapagbo-book ka ng sasakyan, taxi?! That’s basically a startup,” aniya.

Ang mga nagwagi namang mga startup sa Pilipinas ngayong taon sa naganap na taunang Philippine Startup Challenge, isang national student startup competition sa bansa, ay nakatanggap ng P200,000 at ipadadala pa sa bansang Tsina para sa kanilang exposure.

Sa Palawan naman, ayon sa Development Office ng DIC-ICT Industry Development Bureau, kakulangan ng pondo ang kanilang nakikitang dahilan kaya mababa pa rin ang bilang ng mga nalilikhang startup dito kumpara sa ibang lugar.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter