REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN



(Kuha sa facebookpage ni Outgoing City Councilor Jonjie Rodriguez)

ISANG resolusyon ngayon na may titulong SDR No. 501-2019 ang inihain ni Majority Floor Leader Modesto “Jonjie” Rodriguez ll sa Konseho ukol sa pagbuo ng isang one-stop shop kung saan ilalagay sa iisang lugar ang iba’t ibang ahensiya na pinagkukuhanan ng mga lisensya na hinihingi sa mga pampubliko at pribadong kompanya.

Ayon sa may-akda, layunin nitong ilapit ang serbisyo sa mga mamamayan at gawing mabilis ang transaksiyon sa pagkuha ng mga nabanggit na dokumento.

“Kung ‘yan ay ilalagay natin sa isang lugar at gagawa tayo ng one-stop shop kung saan isang lugar lang ang pupuntahan ng ating mga kababayan, it will save time sa kanila and [save] transpo expenses. Magiging convenient pa sa kanila dahil isang puntahan lang nandiyan na lahat [ng mga opisina],” pahayag ng Konsehal.

Saklaw umano ng lilikhaing tanggapan ang mga clearances gaya ng NBI, police clearance, judge, fiscal at Mayor’s clearance.

Ani Rodriguez, planong ilagay sa City Hall o Mendoza Park ang naturang one-stop shop kapag naaprubahan na ito ng City Council at pinirmahan na ng Alkalde ang Sanggunian Draft Ordinance No. 408-2019 na gawing permanente na ang nasabing operasyon.

“Initially, pinaplano sa City [Hall], ‘yung isa, pino-propose natin ‘yung sa Mendoza Park, iyong ginawa nating building para sentro ng lungsod,” dagdag pa niya.

Pagdating naman umano sa tatao sa one-stop shop, hindi na kinakailangan pang magdagdag ng mga empleyado ng bawat ahensiya dahil kung sino umano ang nakatoka sa pagproseso ng dokumento sa naturang opisina ay siyang ring ililipat na tatao sa lilikhaing tanggapan.

“Yung sa judge at fiscal na ngangailangan ng pirma nila, dito sa Old City Hall, ang pagkakaalam ko may pinapahiram o pinapagamit diyang opisina ng judge at fiscal diyan nalang para malapit din,” ayon pa kay Rodriguez.

Bagama’t hindi na rin umano hinahangad pa ni Konsehal Rodriguez na mailagay ang kanyang pangalan sa ordinansa, ang importante aniya sa kanya ay ang maiiwang ideya na ang layunin ay makapagbigay ng convenience sa kanyang mga kababayan.

Matatandaang ito na ang last term ni Rodriguez sa pagkakonsehal ng lungsod at isang sesyon na lamang ang natitira bago manumpa ang mga bagong halal na opisyales ng lungsod sa katatapos lamang sa eleksyon noong Mayo.

Positibo rin ang Konsehal na kung sinuman ang bagong hahawak ng kanyang komite at mga panukalang ordinansa at resolusyon ay nakatitiyak siyang ipagpapatuloy ang kanyang nasimulan.

Samantala, idinulog naman sa Komite ng Labor and employment ang usapin.

“Kapag ‘yan naman ay na-grant ni Mayor ‘yung request at gusto niya iyong idea na ‘yun, then doon kakailanganin ang ordinansa,” dagdag pa ng Konsehal.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter