REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
OPEN-SEASON SA PANGINGISDA NG GALUNGGONG SA PALAWAN, NAGSIMULANG MULI



Muling nagbukas ang Open-season sa pangingisda ng galunggong sa Northeastern Palawan dahil nagtapos na ang Closed-Season na ipinatutupad mula noong Nobyembre 1, 2018 hanggang Enero 31, 2019.

Sa inilabas na pahayag ni BFAR-Mimaropa OIC Regional Director Elizer Salilig, pormal niyang inanunsiyo na pinahihintulutan uling mangisda ang mga commercial fishing operators simula madaling araw ng Pebrero 1 sa karagatang nasasakupan ng Cuyo basin.

Nasa ikaapat na taon na ngayong 2019 ang implementasyon ng fishing ban na inisyatibo ng industriya ng pangingsida at ng pamahalaan base sa ipinalabas na Joint Administrative Order No. 1, series of 2015 ng Department of Agriculture (DA) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG), alinsunod sa nakasaad sa RA 8550 o ang “Fisheries Code of the Philippines” na inamiyendahan ng RA 10654.

Matatandaang unang ipinaliwanag ng mga kinauukulan na kaya ipinatutupad ang galunggong ban sa northeastern Palawan ay dahil mula buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero ay panahon ng pangingitlog at pagbubuntis ng galunggong na ngayon, base sa datus ay humina na ang populasyon.
Nabatid na ang karagatan ng northeastern Palawan ay kabilang sa apat na major fisheries management areas sa bansang Pilipinas na nagpapatupad din ng fishing ban gaya ng Zamboanga peninsula, Davao gulf at Visayan sea.

Lumabas sa datus ng Philippine Statistics Authority na bumaba ng 40 porsiyento ang dami ng galunggong na nagmula sa karagatan ng Palawan na ibinagsak sa Navotas fishport mula noong 2002 hanggang 2012 na ang nakikitang dahilan umano ng National Stock Assessment Program (NSAP) ng BFAR ay ang labis na pangingisda sa mga galunggong kaya ipinatupad ang seasonal control simula noong Nobyembre 2015.

Samantala, may nabibili pa ring galunggong sa palengke kahit sa mga panahong off-season sa northeastern Palawan dahil hindi kasama sa ipinairal na fishing ban ang paghuli ng galunggong sa municipal waters na nasasakupan ng mga munisipyo sa Palawan at sa lungsod ng Puerto Princesa.

(PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Related Articles
OPEN-SEASON SA PANGINGISDA NG GALUNGGONG SA PALAWAN, NAGSIMULANG MULI
POSIBILIDAD SA PRIVATIZATION NG MGA PROV’L HOSPITAL, IMINUNGKAHI
MGA LGU, PWRCC, HINIKAYAT NA MAGSAGAWA NG PAGSASANAY UKOL SA WILDLIFE HANDLING
PAMAHALAANG BAYAN NG CULION, NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG SUNOG
‘WALA NA TALAGANG EPEKTO ANG PHILHEALTH’
19.2 % SINGLE NA INDIBIDWAL SA KABUUAN SA MIMAROPA, NATUKOY SA PALAWAN
9 LUGAR SA PALAWAN, KASAMA SA POLL WATCHLIST
BATARAZA, IMINUNGKAHING I-ASSESS KUNG PASOK BANG ISAILALIM SA COMELEC CONTROL
NATIONWIDE ECP ADVOCACY SEMINAR NG ECC, BINUKSAN SA PUERTO PRINCESA
PAGPAPAKANSELA SA PRANGKISA NG PALECO, BINAWI NA NG DOE
DEPED-PALAWAN, UMAASANG MABABAWI ANG KAMPEONATO SA MIMAROPA RAA MEET
MAS MAHIGPIT NA POLISIYA, IPINATUTUPAD SA PROV’L JAIL,
DATING LIDER NG NPA, NAIPAGPAPATULOY UMANO ANG ADBOKASIYA KAHIT NAKAPIIT NA
PARA SA KALIGTASAN NG PUBLIKO
3 PANG KAHILINGAN NG PROV’L BOARD SA DPWH, INIHAIN
MORATORIUM, NAKIKITANG SOLUSYON SA PROBLEMA SA CORON
MGA BARANGAY SA PALAWAN, IMINUNGKAHING BIGYAN NG CHAINSAW
8 GUSALI, 2 KABAHAYAN, NASUNOG SA EL NIDO
HAKBANG KONTRA SOBRANG SINGIL-PASAHE, IKINASA
LGU CORON, HUMIHINGI UMANO NG INTERBENSYON SA PROV’L GOV’T
BAGONG CHED MIMAROPA REGIONAL DIRECTOR, ISANG PALAWENYO
ISANG PASSENGER VESSEL, NASADSAD SA CAGAYANCILLO
MAAGANG PAGPAPAREHISTRO, IPINAALA-ALA NG DEPED
10 FIRECRACKER INCIDENT, NAITALA SA PALAWAN
ITINALAGANG ACTING GM NG PALECO, NAKAUPO NA
PRESIDENTIAL VETO POWER
WESCOM, NAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA SOUTHERN PALAWAN
PALECO, TUTOL SA PAG-UPO NG ITINALAGANG ACTING GM NG NEA
PAGTANGGAL SA SABSIDIYA SA PALAWAN, PINAGHAHANDAAN NA UMANO NG PALECO
PANAWAGAN SA PCA: BIGYANG SABSIDIYA ANG MGA MAGSASAKA NG NIYOG
LIKHAIN NA ANG COPRA SEEDLING NURSERY—PROV’L BOARD
PALAWAN AUTONOMOUS REGION, SAGOT SA MALAMPAYA CLAIM-CRV
OPOSISYON, MULING NAGPATUTSADA SA MGA PROPONENTE NG PAGHAHATI NG LALAWIGAN
BISE GOV. DENNIS SOCRATES: DI MAIIWASAN ANG POLITICAL DYNASTY
HONORARIUM PARA SA MGA SK KAGAWAD, ISINUSULONG
MAIN AT EXIT GATE NG MGA PAMPUBLIKONG ESKWELAHANG NASA NAT’L H’WAY, IPINALILIPAT
RESOLUSYONG HUMIHILING NA MALAGYAN NG MGA ILAW ANG MGA BEACH, APRUBADO NA
ZERO-FIRECRACKER INJURY NGAYONG 2019, TARGET NG DOH-CHD MIMAROPA
BADGET NG PALAWAN SA 2019, TUMAAS NG 10%
REGULASYON SA PAGGAMIT NG PAPUTOK SA BUONG PALAWAN, INIHAIN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter