REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG



Si Board Member Ferdinand Zaballa nang kapanayamin ng lokal na midya matapos ang regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)


ISINUSULONG ni Board Member Ferdinand Zaballa ang isang ordinansa ukol sa pagbabawal sa pagsasangla ng cashcards ng mga benepisyaryo ng 4Ps .

“I’m introducing an ordinance na ipagbabawal ang pagsasangla ng ating mga cashcards. Sinasangla ang mga cashcards ng ating mga 4P’s beneficiaries; with that, parang nadi-defeat ang purpose ng program ng 4P’s, [that is] to help [to improve the] nutrition and education [of our learners],” ayon kay Zaballa.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ay isa sa mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan ang mga benepisyaryo nito ay nakatatanggap ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno.

Tinawag pa itong ‘pautang scheme’ ng opisyal na isa umanong ‘salot’ sa lalawigan dahil ang kumikita lamang umano ang mga nagpapautang at ang iba pa dito ay ‘fly by night’ o iyong mga iligal na lending institutions.

Tahasan niyang sinabi na talamak na ang ganoong gawain sa buong lalawigan ng Palawan kung saan ginagawang kolateral sa pag-loan ang mga cashcards.

“Magaling si lending institution, papipirmahin [ ang benepisyaryo sa isang kasulatan] in the guise of safe keeping [their cashcards]. Kukunin nila ‘yon.

Nakatatakot na ‘yon, kumbaga pinapaikot na nila ang batas. Bawal iyon pero pipirma siya [at sasabihin sa benepisyaryo] na ‘Isi-safe keep lang namin ang iyong cashcards’ but that’s actually pawning,” paliwanag pa niya.

Karaniwang hindi umano bababa sa P2,000 at hindi tataas sa P6,000 ang ipinapautang ng mga ito.

Ani ABC Federation President at ex-officio member Zabala, kung ang isang 4P’s beneficiary ay mangungutang ng P1,000 sa isang lending institution at nangakong magbabayad sa loob ng isang buwan, kinakailangan nitong magbayad ng P5 araw-araw o katumbas ng P150 bilang interes sa inutang nito. “That is equivalent to 15 percent, so if P1,000 ang makukuha ng beneficiary [mula sa DSWD, ang] makukuha niya na lang ay P850 because [the] 15 percent goes to interest. Mataas masyado ‘yon, walang masyadong maiiwan sa ating mga beneficiaries. And ito namang nagpapautang, gustung- gusto nilang pautangin, kumbaga client na nila, pinipilit na nilang mag-utang ‘yong mga [4P’s] beneficiaries because siguradong babayaran sila because ang gobyerno may pera may ibinibigay sa ating mga beneficiaries,” pahayag pa ng bokal.

Kaya hiniling niya na ipatawag sa susunod na regular sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ang focal person ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) upang malinawan sa usapin.

Isa umano sa nakikitang problema ni BM Zaballa kung bakit kinakailangang pumasok sa mga lending institution ang mga beneficiary ay dahil sa delay na cash grants sa mga benepisyaryo ng nasabing programa.

“Yes! Medyo delay [ang cash grant] kaya ito with my ordinance, malalaman natin itong patawag sa kanilang [focal person ukol sa] nakikita nating problema. Kung [pagka]-delay [talaga ang dahilan, mag-i-isip tayo on] what intervention can the province (Provincial Government) do para mas ma-update itong pagbibigay ng cash grants [sa mga benepisyaryo],” ayon pa sa bokal.

Tumanggi naman si Zaballa na pangalanan ang mga lending institutions sa Palawan ngunit isa lang ang siniguro nito na mayroon siyang pinanghahawakang dokumento na kanyang naging basehan sa pagpapasa ng naturang ordinansa.

“I’m on the process of getting the data. Bale nagko-concentrate lang ako sa tatlong municipalities pero ngayon kuwento-kuwento pa lang, but it’s already a rampant practice plaguing the province not only in the municipalities of Narra, Roxas [and] El Nido, the whole Palawan is plague by this ‘pautang scheme’ using this cashcards as collateral for loans,” dagdag pa ni Zaballa.

Ini-refer naman ang usapin sa Komite ng Kalusugan at Serbisyong Panlipunan para masusing pag-aralan.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter