REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT



NAIPAGKALOOB na umano ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Puerto Princesa City Government sa pamamagitan ng deed of donation ang mga sports equipments na nagkakahalaga ng P15 milyon na ginamit sa katatapos lamang na Batang Pinoy 2019 National Championships sa siyudad.

Umaasa umano ang City Sports Office (CSO) na ito ay makatutulong upang lalong palakasin ang sports development sa lungsod at himukin ang mga kabataan na lumahok sa iba’t ibang larong palakasan.

Ani City Sports Director Gregorio ‘Rocky’ Austria bukas naman umano ang kanilang opisina sa mga nagnanais humiram o gumamit ng mga pasilidad na ito.

“We have to discuss this with GSO (General Services Office) and with Mayor [Lucilo Bayron] and mga department heads din na concern kasi dito baka maghiraman lahat [ng equipments], kailangan may policy tayo [para naman tumagal ang gamit sa atin]. Pag-aaralan natin [kung ano ang magiging sistema sa pagpapahiram ng mga gamit] pero hindi natin ito ipagdadamot [at] di tayo nagpapabayad kahit kanino basta mga taga Puerto [Princesa City]. Ibigsabihin kung may request [na gusto nilang gumamit ng facilities] bakit hindi natin pahiramin? pero dapat magreserve rin tayo para sa mga event na City [Government] ang maghahandle kaya tignan natin how can we use this effectively [the facilities donated by PSC]”, ayon kay Austria.

Ilan lamang sa mga pasilidad na mula sa PSC ay ang taraflex flooring, mga lamesa na ginamit sa paglalaro ng table tennis, puzzle mats at marami pang iba.

Ang opisina naman ng General Services office (GSO) ang siyang nakatoka sa pangangalaga sa mga nabanggit na kagamitan.

INSENTIBO NG MGA ATLETA
NAKASAAD umano sa existing city ordinance na P120, 000 ang katumbas na premyo ng isang gintong medalya na unang makukuha ng atleta sa isang national sporting event gaya ng Batang Pinoy, P80,000 para sa pilak na medalya at sa bronze medal naman ay P60,000.

Sa dami umano ng medalya na nakuha ng Puerto Princesa delegates aminado si Austria na hindi kaagad maibibigay ng buo sa mga atleta ang insentibo na kanilang makukuha sa pakikilahok sa Batang Pinoy.

“Baka hindi maibigay ng lahat kaagad ano [ang premyo], portion [lang muna yan] dahil maraming [nakakuha ng medals], naintindihan naman ng mga atleta ito [na] hindi kaagad [maibibigay ng buo] baka iyong iba [insentibo] diyan umabot pa ng [taong] 2020 [bago nila makuha ng buo]. Titingnan natin sa City Budget Office (CBO) kung paano nila ma-portion para maibigay sa lahat ng atleta,” pahayag ng direktor.

“Usually ganon ang concept noon eh, inaano [hinahati] nila P10,000 per month para allowance ng mga bata [hanggang sa maibigay ng buo ang insentibo]. Per medal [naman] halimbawa kung nakadalawang gold [medal]ka, [iyong unang gintong medalya ang makukuha mo ay P120,000 pero yong pangalawang gintong medalya] P10,000 nalang iyong isa”, dagdag pa nito.

PUERTO PRINCESA BILANG TOP 27
SA inilabas na datus ng Philippine Sports Commission (PSC) noong ika-31 ng Agosto sa pagtatapos ng Batang Pinoy, nasa ikadalawampu’t pitong puwesto umano ang Puerto Princesa na may 90 delegado lamang sa mahigit 240 na Local Government Unit (LGU) na nakilahok sa nasabing aktibidad.

Bagama’t maganda na umano itong panimula dahil hindi biro ang mga nakalabang atleta ng mga delegado ng siyudad, pag-aamin ni Austria kinakailangan pa rin talagang magsanay ng mga atleta ng Puerto Princesa upang lalong mas humusay sa iba’t ibang larong palakasan.

Naging adbentahe rin umano ng ilang delegasyon ang dami o bilang ng kanilang mga atletang partisipante sa katatapos lamang na kompetisyon para makapaghakot ng mga medalya.

“Palagay ko maganda na yon na nasa top 20 [plus] tayo [dahil] hindi madaling kunin iyon maniwala kayo dahil ito puro medalist ang mga kalaban natin [mga] champion ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Doon palang sa number ng magpaparticipate [na atleta] medyo nakakalamang talaga yong iba [delegasyon]. We have to improve a lot kailangan mag-train pa tayo ng mga atleta para maisali natin [sa mga larong palakasan]”, ani Austria.

PAGHIHIMOK SA MGA KABATAAN
ISA umano sa nakikitang pamamaraan ni Astria para mahimok ang mga kabataan na sumali sa isports ay ang pagkakaroon ng sports program.

Kung saan piling mga isports lamang ang kanilang tutukan dahil hindi naman aniya masasalihan ang lahat ng larong palakasan kung walang nagnanais na lumahok na atleta.

“Nag-uusap na kami ng PSC bibigyan nila tayo ng parang template nila kung ano lang ba ang dapat [tutukang isport] kasi di mo naman masasalihan yan lahat, mamimili [lang] tayo kung ano ang facilities na meron tayo dito at yong mga capabilities ng mga bata natin”, pahayag ni Austria.

PHILIPPINE NATIONAL GAMES
IBINALITA rin ng direktor na muli niyang nililigawan ang PSC para naman sa gaganaping Philippine National Games sa susunod na taon at kung papalarin ay maging host city muli ang lungsod sa darating na kompetisyong ito.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter