REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA



CITY BUDGET OFFICER REGINA CANTILLO (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

LUSOT na sa huli at pinal na pagbasa ang general fund Supplemental Budget No. 2 ng City Government na nagkakahalaga ng P343,480,542.

Bago aprubahan ang naturang budget sa ikalawang pagbasa noong nakaraang Lunes, Hulyo 22, matatandaang tinutulan ito ng minorya, partikular ang nakapaloob ditong karagdagang pondo para sa Ugnayan sa Barangay Program na nagkakahalaga ng P25,751,090.

Tahasan itong tinutulan nina Kgd. Peter Maristela at Patrick Hagedorn dahil ang nasabing programa umano ay nauna nang napondohan sa ilalim ng Annual Budget na nagkakahalaga ng P30,936,683 na naubos sa loob lamang ng tatlong buwan, taong kasalukuyan.

Ngunit sa hiwalay na panayam kay City Budget Officer Regina Cantillo, nilinaw niyang ang mahigit trenta milyunes na pondo para sa Ugnayan ay nakalaan lamang para sa first quarter ng taon dahil hindi umano ito isang regular program at sa halip ay isang special project.

Aniya, ang nasabing programa ay sa ilalim ng City Mayor’s Office at depende rin umano sa nasabing Opisina kung kailan ito nais gugulin.

“Di ba may dagdag na P25,000,000? Depende sa kanila kung ngayon nila iyon isasakatuparan o last quarter pa,” ayon kay Cantillo.

“[Ang] Ugnayan sa Barangay, pwede mo gawin [‘yan] buwan buwan, quarterly o kalahating taon. For 2019 nga [may mahigit P30,000,000 na naunang nailaan] pero hindi sinasabing for the whole year na ‘yun. May mga activity tayo na minsanan lang like Balayong Festival at Pista y’ Cagueban na hindi mo pwedeng i-one year yun,” dagdag pa niya.

Pagtitiyak pa ni Cantillo, dumaan sa ligal na proseso ang lahat ng aktibidad sa ilalim ng Ugnayan sa Barangay.

Patunay umano nito ang paghingi nila ng financial plan ng nabanggit na programa sa Project Procurement Management Plan (PPMP), kung saan nakalagay sa timeline nito na ito ay gagamitin sa loob lamang ng first quarter ng taon.

“Basta sa akin dumaan ito. Hindi ako magpopondo hanggang walang ordinansa, approved ang budget kasi ako ang nagsi-certify ng appropriation…After my office, dadaan [ito] sa BAC (Bids and Awards Committee) na [doon ay] may susundin ding proseso,” pahayag pa ni Cantillo.

Ilan lamang sa nakapaloob sa budget na ito ay ang paglalaan ng P86,000,000 para sa pagsasaayos ng streetlight facilities sa siyudad, P50,000,000 para sa dalawang switch yard facility para sa waste to energy project na gagawin sa Sanitary Landfill, P27,000,000 sa pagbili ng isang mounted spade truck, P26,600,000 para sa dalawang yunit na bibilhing water truck, P10,000,000 para sa konstruksiyon ng New Market STP, P7,520,000 para sa pagbili ng isang set ng field density test equipment at iba pang apparatus at P5,000,000 para sa pagsasaayos ng playing venues ng Sports Complex na gagamitin naman para sa Batang Pinoy National Finals 2019.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter