REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD



ANG mga pagala-galang aso sa kalsada ng Brgy. San Pedro. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG

ISANG panawagan ang ipinarating ng Punong Beterinaryong Panlungsod na si Dr. Indira Santiago sa publiko.

Noong Lunes, ika-5 ng Agosto ay inanunsiyo niyang mahigpit nang nilang ipatutupad mula ika-15 ng Agosto ang pagbabawal sa pagpapagala ng mga alagang aso alinsunod sa Anti-Rabies Act of 2007.

“Matagal ko na ho itong ipinakiki-usap sa inyo pero wala akong nakikitang barangay na nag-implementa ng pagtatali ng kanilang aso kaya kami na lamang ang gagawa,” ayon sa Beterenaryo.

Kasabay nito, mag-iikot at kukunan ng larawan ng Astray Dog Monitoring and Validating team ng tanggapan ng beterinaryo ang mga asong nakaligaw sa pampublikong lugar sa bawat barangay.

Ang mga pagala-gala umanong aso sa lansangan ay maaaring magdulot ng aksidente sa mga nagmamaneho ng sasakyan o banta sa mga naglalakad na turista o lokal.

Nakasaad sa ibinigay na paalaala ng tanggapan na ang mga hindi susunod sa kautusang ito ay maaaring pagmultahin ng P500 sa bawat insidente na hindi nila pagtali ng kanilang mga alagang aso batay sa Section IV ng Anti-Rabies Act of 2007 at multang P200 naman sa mga hindi nakapagparehistro at nakapagpabakuna laban sa rabis at pagkakulong naman ng 30 araw ang maaaring ipataw sa mga lalabag sa City Ordinance No. 816, series of 2017.

Ang populasyon ng mga aso sa siyudad ay umaabot sa 35,000 mula sa kabuuang bilang na ito, tanging 25,156 lamang ang napabakunahan base sa datus ng City Veterenary Office noong ika-15 ng Hulyo.

Hindi rin umano sapat ang dog pound area dahil 60 na aso lamang ang kapasidad nito kaya’t nagpalabas ng panawagan ang naturang opisina upang paabisuhan ang mga may-ari ng mga aso na itali nila ang kani- kanilang mga alaga.

Sa pagsisimula ng kanilang aktibidad, humihiling ang nabanggit na opisina sa bawat barangay na magkaroon sana sila ng kasamang tanod sa kanilang isasagawang pag-iikot, dahil makakatulong umano ang mga tanod sa pagtukoy kung kaninong aso ang mahuhuling pagala-gala.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter