REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG



ANG naganap na public consultation ukol sa panukalang pagbabawal ng full-faced helmet sa city proper ng lungsod ng Puerto Princesa noong ika-13 ng Hunyo. (PHOTO// CLEA FAYE G. CAHAYAG)

MULING isinusulong ni outgoing City Councilor Rolando “Bong” Amurao ang pagbabawal sa pagsusuot ng full-face helmet sa mga nagmamaneho ng motorsiklo.

Kaugnay nito ay isinagawa ang 3rd public hearing sa Mendoza Ampitheather, bandang alas dos ng hapon noong Hunyo 13.

Sa pinal at huling pagdinig, dumalo ang mga presidente ng iba’t ibang motorcycle associations bilang resource speaker ng nasabing pagpupulong, mga miyembro at iba pang concern. Ngunit karamihan naman sa mga gumagamit ng motor ay nagpaabot ng labis na pagtutol.

“Wala pa po tayong desisyon kaya nga in-extend natin na imbes two public hearing lang, ginawa na nating three public hearing. Isinet na natin ito sa Mendoza park para mas marami ang maka-attend, mas maraming marinig nating suggestions [at] comments. Gusto pa rin natin pakinggan ang lahat ng kanilang sasabihin; iyong iba kasi sarado ang isip,” aniya.

bagama’t marami ang mga tumututol na tuluyang ipagbawal ang paggamit ng full-face helmet base sa ginanap na ikalawang pagdinig noong ika-7 ng Hunyo, ngunit kung si Kgd. Amurao umano ang masusunod ay kanya na itong tuluyang ipagbabawal dahil mas mahalaga umano sa kanya ang kaligtasan ng nakararami.

Layon umano nito ang pagsupil sa mga krimen na sangkot ang mga riding in tandem na nakamotorsiklo kabilang na ang murder, robbery, snatching, carnapping at marami pang iba.

“Pwede rin silang ma-hit and run ng naka-full-face na hindi sila makikilala. [Halimbawa nito], sila maingat [o ikaw] nag-iingat ka ngayon, may isang pasaway na nakafull-face, pwede kang ma-hit and run n’un.”

Kaya para umano sa kanya, ang pagiging disiplinado pa rin sa pagmamaneho ng isang drayber ang magliligtas sa kanya sa mga di-inaasahang insidente o aksidente sa kalsada.

“Secondary lang sa akin ang helmet although ‘yung sinasabi nila doon ay the only line of defense ng isang driver ng motorsiklo ay ‘yung kanyang helmet. Sa akin ay hindi; sa akin, ang number one is sarili, ‘yung pagiging disiplinado mong driver,” pagbibigay-diin pa ni Amurao

“Meron tayong speed limit [na ipinatutupad sa city proper]. Kung ang takbo natin ay 30-40 [kph], hindi ka maaaksidente tapos…sa outer lane ka [lang], maiiwas ka talaga sa [aksidente].” Magkagayunpaman, nakadepende pa rin umano sa mapagdedesisyunan ng buong konseho kung ang papaburan ito o iki-kept on file na lamang.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter