REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
PAGBIBIGAY NG TRABAHO SA MGA PALAWENYO, ISA SA MGA HIGHLIGHTS NG TOURISM MONTH




Ang Tourism Month sa buwan ng Setyembre ay may temang “Tourism and Jobs: A better future for all” na hango sa World Tourism Organization, at isa sa mga highlights nito ang pagkakaroon ng job’s fair.

Ito ay gaganapin sa Setyembre 6-8, 13-15 at 20-22 sa iba’t ibang mall sa lungsod gaya ng Robinson’s Place, NCCC at SM Mall.

Ayon kay Senior Tourism Operations Officer at Promotions and Marketing Division OIC Mitchie Hitosis, nakikipag-coordinate aniya ang kanilang opisina sa City Peso at Department of Labor and Employment (DOLE) upang makapagpadala ng mga employers na maaaring pag-aplayan ng mga naghahanap ng trabaho.

“Magkakaroon kasi tayo diyan ng jobs fair bilang pagpapakita na ang tourism ay puwedeng makapag- offer ng madaming job opportunities sa ating mga kababayan. As much as we wanted to sana lahat ng mag-apply ay pupuwede sanang makakuha ng trabaho,” ani Hitosis.

Kasabay ng nasabing pagdiriwang ang pagseselebra ng Palawan Peacock Peasant o Tandikan Festival na parehong nasa ika-11 taon na mula nang ito ay unang ipagdiwang.

Katuwang ng City Tourism’s Office (CTO) ang City Tourism Council, private at public agencies kasama ang iba’t ibang tourism associations gaya ng accommodations, restaurants at iba pa sa pagseselebra ng tourism month.

Pormal na bubuksan umano ang pagdiriwang sa unang araw ng Setyembre at pagsisimula ng Barakalan sa harap ng City Coliseum.

Ani Hitosis, isang milyon umano ang pondo para sa darating na selebrasyon.

“Medyo limited din ang mga activities dahil pinagkakasya natin ang pondo,” ayon pa kay Hitosis.

Isa rin umano sa kaabang-abang na aktibidad ay ang Gala Night kung saan bibigyang parangal ang mga indibidwal na malaki ang naging ambag sa sektor ng turismo sa siyudad.

Ilan lamang sa mga bagong aktibidad sa ilalim ng pagdiriwang ang mga sumusunod gaya ng Scooter Show at Tunog Kulturismo.

Hindi rin umano dapat palagpasin ang Mr. Tsuperman, ito ay isang search para sa mga drayber sa tourism industry.

Tinatayang nasa 20 drayber ang magtatagisan ng talento at galing sa kauna-unahang kokoronohang Mr. Tsuperman.

Magkakaroon din umano ng culinary show, bar tending competition, photo exhibit, at elementary level solteros dance showdown at marami pang iba na kagigiliwang aktibidad.

Nagpaanyaya naman sa publiko si Hitosis na suportahan ang nalalapit na Tourism Month. Bukas umano ito para sa lahat ng gustong manood sa iba’t ibang pagtatanghal.

“Sa ngalan po ng Tanggapang Pangturismo ng Puerto Princesa, sa pangunguna ni City Tourism Officer Aileen Cynthia Amurao, kami po ay nag-aanyaya sa lahat ng mga taga-lungsod na suportahan po natin ang selebrasyon ng ating pong Tourism Month. Makikita n’yo po at mararamdaman n’yo po dahil sa napakarami nating activities. Gabi-gabi, may palabas diyan at sa ating mga pangunahing malls, nandiyan din po ang ating tourism staff at tourism private sectors para magkaloob ng kasiyahan para po sa inyong lahat. Muli po inaanyayahan ko kayong lahat na suportahan, makisaya at makilahok dito sa ating celebration ng Tourism Month,” paanyaya niya.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter