REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO



WALA umanong kinalaman sa eleksiyon ang pagpatay kamakailan lamang sa kumakandidatong konsehal sa bayan ng Aborlan na si Ruben Bediores Goh.

Ito ang ipinaabot ni Palawan Provincial Office (PPO) Director, Senior Superintendent Dionisio Bartolome sa ipinatawag nilang presscon noong Lunes, ika-28 ng Enero

“we submitted the report to our Chairman of the Provincial Joint Security Council (PJSC) recommending that the case should be cleared as a non-election related incident.”
Ayon pa kay Bartolome, ang pamamaril sa biktima ay hindi pasok sa kanilang naging batayan para ito ay ituring na isang election related incident.

“to be considered as an election related incident, it creates political tension in the area, so ito ay hindi po kasi hindi naman affiliated sa isang party [list] ito si Mr. Goh,” ani PSSupt. Batolome.

Hindi rin umano ito nakaapekto sa electoral process, dagdag pa ni Bartolome.

“based sa nakikita natin, we also did social background investigation of the person, and chances of winning is very minimal. So, hindi talaga siya iyong well-known political personality sa Aborlan.”

Ang dalawa umano niyang nababanggit na justification ang nagpapatibay na ang paspaslang sa biktima ay hindi maiuugnay sa nalalapit na eleksiyon.

Matatandaang pinagbabaril si Goh ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa KM 72 National Highway corner Sitio Marimras Road, Brgy. Magsaysay, Aborlan dakong ika-5:09 ng hapon noong Enero 21.

Tatlo umano sa mga nakitang motibo ng PPO na posibleng pinag-ugatan ng kaso ni Goh ay drug related case, mistaken identity at personal conflict.

“we are looking more in depth investigation of the personal dealings of Mr. Goh [kasi] sa tingin namin dito makukuha ang reason. We ruled out the drugs and mistaken identity, ‘yung paanong pagkapatay sa kanya it seems that they [gunmen] had already an inkling of his activities. So alam kung saan siya bibirahin,” paliwanag pa ng hepe.

Binanggit din ni Bartolome na ang biktima ay may nauna nang drug related case noong 2003 na na-dismiss din noong 2010.
Personal conflict umano sa ngayon ang pinakamatibay na motibo na kanilang iniimbestigahan.

“more or less personal because base on the nature of work, parang minsan nagiging sentinsyador daw ito siya sa sabungan so iyong possible conflicts ng mga decision makings niya. Meron ding parang business related side naman mayroong nasasama sa business deals,” aniya.

Tiniyak naman ng PPO na iaanunsiyo rin ang pinag-ugatan ng pamamaril sa biktima sa oras na ito ay mapatunayan na.

ANG isinagawang press conference ukol sa pamamaril ng isang kandidato sa bayan ng Aborlan. Magkasamang humarap sa media sina (L-R) Provincial Election Supervisor Jonh Mark Tambasacan, PNP Provincial Director Dionisio Bartolome at PPO spokesperson Ric Ramos (nakatayo sa kanan). (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter