REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Saturday, May 25 2019
PAGTATATAG NG ICT COUNCIL SA BAWAT MUNISIPYO, APRUBADO NA SA PROV’L BOARD



AGAD na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang resolusyong layong magtatag ng sariling Information Communication Technology (ICT) Council ang kada munisipyo.

Sa iniakdang hakbang ni PCL-Federation President at Ex-officio member Clarito “Prince” Demaala IV, hiniling niya sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan na suportahan ang aprubado ng ordinansa na lumilikha sa Palawan Information and Communication Technology (PICT) Council sa probinsiya na iniakda ni Board Member Albert Rama, kalakip ang panghikayat na lumikha rin ng sariling Council.

“….[I] think, talagang itong digital age natin, hindi na talaga kayang pigilan. Ito po’y, kapag nagkaroon tayo ng ICT Council, they are the ones who will focus on digital technology,” ani Demaala.

Ang pagpapatupad umano sa nasabing ordinansa ay makatutulong ng malaki sa pag-unlad ng lalawigan at ng mga mamamayan.

Sa pagkakaroon umano ng Council na nakapokus sa Information Communication Technology ay hindi lamang napapanahon kundi lubhang kailangan lalo pa’t dahil sa kailangan ng mga tao ang access sa information sa mabilis at madaling paraan na sasakop halos sa lahat ng aspeto ng buhay ng bawat Palawenyo.

Naniniwala rin umano ang Pamahalaang Panlalawigan na sa pamamagitan ng Provincial Ordinance No. 2073 ay bibilis na at magiging madali na ang pagbibigay ng serbisyo ng gobyerno.

“Dahil may DICT na tayo kaya dapat ding maging align tayo na magkaroon ng ICT Council ang bawat munisipyo para ang benepisyo mula sa nasyunal na pamahalaan ay madali na lang i-tap at direktang mapapakinabangan ng mga malalayong munisipyo,” dagdag pa ni Demaala.

Pinuri naman ni Board Member Rama ang naging hakbang ni Demaala na sumusuporta sa ordinansang kanyang inihain at naaprubahan na noong huling kwarter ng 2018.

“In this digital era, information communication technology is very vital in every aspect of our society that’s [why] we have to promote, develop ICT in every municipalities, in every LGU’s. They say that ICT is the greatest equalizer, if we can make everyone have the opportunity to access ICT, then probably magkakaroon ng equality sa society. But as of now, the level of development in our province is medyo behind pa tayo sa ibang mga lugar that is precisely the reason why we passed an ordinance creating the ICT Council in the province of Palawan,” pahayag ni Rama pagkatapos ng sponsorial speech ni Demaala.

Ani Rama, sa pamamagitan nito ay tataas ang awareness hinggil sa ICT sa bawat munisipyo at umaasa siyang mas mapapabilis nito ang pag-unlad ng information at communication technology sa lalawigan ng Palawan.

Sa PICT Council namang binuo, magiging chairman si Gob. Jose Alvarez at ang ilan sa mga magiging miyembro ay ang head o kinatawan ng DOST, DICT, mga unibersidad at ang mga LGU’s.

“Kailangan ng interconnection ng operations ng mga local government units para nang sa ganon, di na masyadong malikot ang mga tao. Halimbawa ako, may property ako sa Roxas, di na ako pupunta sa Roxas para magbayad ng tax ko. Dito na lang ako sa Puerto. Magbabayad na lang ako ng tax ko rito, then accredited na ‘yan doon sa Roxas,” ayon naman kay Rama nang kapanayamin ng local media nang mag-recess ang sesyon.

Maliban dito, inihalimbawa rin ni Rama ang edukasyon na gaya sa ibang bansa ay may online na at hindi na kailangang pumasok sa eskwelahan.

Pinagbatayan naman ng awtor ang nakasaad sa Section 24, Article II ng Saligang Batas ng Pilipinas na kinikilala ng estado ang napakahalagang papel na ginagampanan ng komunikasyon at teknolohiya sa pag-unlad ng bansa. Ayon pa sa may-akda, ang naturang ordinansa ay pagsuporta rin sa Section 27, Article II ng Philippine Constitution na nagsasabing kailangang ipanatili ng estado ang tapat at integridad sa serbsiyo-publiko at gumawa ng positibo at epektibong hakbang laban sa graft and corruption.

ANG regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan noong ika-19 ng Pebrero na kabilang sa mga natalakay ay ang pagtatayo ng ICT Council sa tanang munisipyo. (DIANA ROSS M. CETENTA)

Related Articles
PALAWAN, MAYROON NA NAMANG 15 BAGONG ABOGADO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
PANUKALANG PAGPATAW NG MAS MAHIGPIT NA TOBACCO CONTROL, TINALAKAY SA PALAWAN
SENATORIAL BETS: PALAWENYO ANG MAGPAPASYA SA PAGHAHATI NG PALAWAN
WESCOM, PNP, HANDA NA SA HALALAN 2019
PALAWAN BANK, IPINASARA NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS SIMULA MAYO 6
MAHIGIT 600 DETENIDO NG PALAWAN, MAKABOBOTO NGAYONG ELEKSYON
HUGPONG NG PAGBABAGO, PARTIDO PAGBABAGO NG PALAWAN, LUMAGDA SA ISANG KASUNDUAN
MORATORIUM SA PAGPAPATITULO NG LUPA, NANANATILI PA RING UMIIRAL SA PALAWAN
11 PALAWENYO, PASADO SA SCHOLARSHIP PROGRAM NG BFAR-MIMAROPA
DICT LUZON CLUSTER, BUMISITA SA PALAWAN PARA SA MGA ESTRATEHIYANG GAGAWIN
WOMEN EMPOWERMENT UNTI-UNTI NA UMANONG NAKAKAMIT NG PALAWAN, AYON SA PSWDO
BEACH RAMP SA KALAYAAN, 56% NA UMANONG TAPOS
ACCESS NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA DATUS NG LISTAHANAN, INAPRUBAHAN NA
24 PANG BARANGAY SA PALAWAN, NADEKLARA NA RING DRUG CLEARED
GROUNDBREAKING NG IPS’ VILLAGE SA BAYAN NG RIZAL, ISINAGAWA
‘KUNG MAY PAGKAKAMALI, HINDI NA ALAM NG BOARD MEMBERS’
PRACTICE VOTING SA BAYAN NG NARRA, MAY KASAMA UMANONG BIGAYAN
ISANG BOKAL, IBIG TUTUKAN ANG VOTE BUYING AT VOTE SELLING SA PALAWAN
MAHIGIT 1000 MAGSASAKA SA PALAWAN, APEKTADO NA UMANO NG MATINDING TAG-TUYOT
INAUGURAL FLIGHT NG AIRSWIFT PATUNGONG CORON, EL NIDO, BINUKSAN
GROUNDBREAKING NG BUSUANGA AIRPORT DEV’T PROJECT, ISINAGAWA
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter