REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, October 21 2019
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA



Ang Halfway House Drop-in Center ng lungsod ng Puerto Princesa na pansamantalang tahanan ng mga psychologically challenged patient. Makikita sa larawan ang mga kabataan mula sa San Pedro Parish Youth Ministry noong sila’y bumisita sa lugar upang magsagawa ng feeding program sa mga pasyente. (CONTRIBUTED PHOTO//BENCH POLIQUIT)

IPINANUNUKALA ni Board member Cherry Pie Acosta ang pagbubukas ng mga psychiatric emergency room sa mga pampublikong hospital sa mga piling munisipyo sa lalawigan ng Palawan.

“Nais natin na meron namang public hospitals na itinatayo sa bawat munisipyo. Tayo ang gusto natin mangyari doon [itatayo] ay within the vicinity [ng public hospital] hindi naman po doon sa loob ng hospital na itatayo [ilalagay natin ] ang psychiatric emergency room bagkus within the area kung saan right away kung magkaroon ng problema ay matutulungan ng mga doktor natin, ng mga nurses natin”, ayon kay Acosta.

Nababahala umano ang bokal sa ibinigay na datus ng Provincial Health Office (PHO) ukol sa bilang ng mga psychologically challenged person sa probinsya.

Tinatayang noong nakaraang taon mayroon ng 1,400 na naitalang bilang ng mga psychologically ill na indibidwal at inaasahan pa umano itong tataas ngayong 2019.

“So very alarming po ang ganon [bilang], napakarami po pala [ng ating mga psychologically challenged patients] kung ating titignan. Kailangan natin magkaroon ng immediate intervention sabi nga natin rehabilitation, mitigation [and] body therapy baka matulungan pa natin na maibalik sila sa [kanilang] tamang pag iiisip”, ani Board Member Acosta.

Agad naman naaprobahan sa una at huling pagbasa ang naturang topiko.

Ito umano ay isang panawagan ni Acosta kay Palawan Governor Jose Chavez Alvarez na bukod sa mga proyekto ng pamahalaan, nais din umano niyang maisama sa mga prayoridad ng gobernador ang pagbibigay ng nararapat na programa para sa mga psychologically ill patients sa lalawigan.

KAKULANGAN NG PSYCHIATRIST..
Aminado rin si Acosta na hindi sapat ang visiting psychiatrist sa Palawan kaya isang resolusyon din umano ang kanyang nauna nang naipasa sa kapulungan na humihiling sa Provincial Government na maghire ng mga nasabing doktor na siyang titingin sa mga pasyente.

MENTAL HOSPITAL SA PALAWAN..
Binanggit din ng board member na kanyang muling isusulong ang noo’y resolusyon na may kinalaman sa kanyang kahilingan na magkaroon ng mental hospital sa Palawan.

Napakadelikado umano para sa mga pasyenteng may problema sa pag-iisip kung sila ay makikitang pagala- gala lamang sa lansangan dahil maaari silang makapanakit at maaari din silang saktan ng mga hindi nakaiintindi sa kanilang kalagayan.

Kaya napakahalaga umano ng magiging papel ng itatayong holding center na kanilang magiging pansamantalang tahanan nang sa gayon ay mabigyan sila ng tamang pangangalaga at gamot.

“With 1,400 psychologiclly ill natin na pasyente dapat talaga mabigyan ng pansin ito sapagkat tao rin sila na dapat natin bigyan ng pansin [at pag-aaruga]. Tulungan [natin] sila [dahil] puwedeng mamolestiya sila [at] pwede rin silang makasakit sa komunidad”, dagdag pa ng bokal.

SCHOLARSHIP PROGRAM..
Liban dito, inanunsiyo rin ni Acosta ang kanyang isusumiteng resolusyon sa susunod na regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ukol sa pagbibigay ng scholarships grants sa mga psychiatry students.

Ang aktuwal na sitwasyon ng mga pasyente sa Halfway House Drop-in Center. (CONTRIBUTED PHOTOS// RONALD V. DONESA)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter