REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Friday, April 03 2020
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY



IPMR JOEL LUMIS (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

MULING pinaupo ng Provincial Board si G. Joel Lumis bilang Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) sa pamamagitan ng holdover capacity.

Ginawa ang re-admission kasabay ng regular session ng Junta Probinsyal noong ika-23 ng Hulyo na dinaluhan ng lahat ng miyembro ng Konseho ng lalawigan ng Palawan.

Matatandaang nagwagi bilang kagawad sa Bayan ng Aborlan si Lumis noong nakaraang eleksyon at nakapanumpa rin noong Hunyo 30 sa isagawang mass oathtaking ngunit dahil wala pang Certificate of Affirmation (COA) ang papalit sana sa kanyang si Gng. Purita Seguritan ay iniatas ng National Commission for Indigenous Peoples (NCIP)-Mimaropa na pansamantala niya muna itong upuan. Si Gng. Seguritan ay mula sa Bayan ng Rizal at kabilang sa tribung Palaw’an, ang bumubuo sa 60 porsiyentong populasyon ng nasabing munisipyo sa bahaging south ng lalawigan.

Sa hiwalay na pakikipanayam ng media kay Lumis, binanggit niyang kasama sa advice ng NCIP na isang sweldo lamang ang kanyang tatanggapin—kung ito ba ay mula sa Provincial Government of Palawan bilang ex-officio member at IPMR o sa lokal na pamahalaan ng Aborlan bilang regular Sangguniang Bayan member. Sa ngayon ay pinag-iisipan pa umano niya kung alin ang kanyang pipiliin na ang ikukunsidera umano ay ang higit na mas makatutulong sa mga kapwa niya IP sa buong probinsiya.

Tiniyak din niyang hindi makaaapekto ang isa niyang tungkulin sa isa pang respondibilidad sapagkat Lunes ang regular session ng Sangguniang Bayan ng Aborlan habang Martes naman ang sa Sangguniang Panlalawigan.

Dagdag pa ng kinatawan ng mga katutubo sa Konseho ng Palawan na alinman sa dalawa ang gagawin niya ay parehas naman umano itong makabebenipisyo sa mga indigenous people halimbawa na lamang umano kung sa kanyang pinagmulang bayan sa Aborlan ay mayroon namang mga Tagbanua kung saan siya napapabilang, ilang Cuyunon at Palaw’an habang kung sa Junta Probinsyal naman ay ang pangkalahatan.

Sa muling pag-upo sa pwesto bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan, tutukan umano ni Lumis ang makapagtalaga na ng IPMR sa lahat ng munisipyo sa norte at sur ng Palawan. Sa kasalukuyan umano, maliban sa Aborlan, ang mayroon pa lamang kinatawan para sa mga katutubo ay ang El Nido, Roxas, Taytay, Busuanga, Coron, Linapacan, Bataraza, Balabac, Brooke’s Point, Narra, Sofronio Española, Quezon, at Magsaysay bagamat hindi pa pinauupo ng Alkalde.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter