REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
PALAWENO SINGER NA SI ‘PONG’ IDUSORA, NAGSAGAWA NG KAUNA-UNAHANG CONCERT



Dinaluhan ng mga Palawenyo ang kauna-unahang concert ng pride ng Palawan, ang singer-songwriter na si Rodolfo “Pong” Idusora noong Hunyo 2-3 sa Angela’s Pool Resort, Brgy. San Jose.

pongidusora

Ayon kay Idusora, ito ang kauna-unahang concert niya bago pormal na ilunsad ng Star Music ang kanyang debut original single na “Di kita ipagpapalit.”

Kasama niya sa “Huling Hirit sa Tag-init” concert ang orihinal na ka-look alike ni Sen. Manny Pacquiao na si Manny Paksiw; Diorap; Blanktape na umawit ng “Chika lang yon” at “Gusto Mo Lodan Kita”; Azunta, ang Palawan POP Star 2018 Second Runner Up at ang pinakabagong pride ng Puerto Princesa na si Khienneth Arroyo, Topstar 2018 Grand Winner.

Ang salapi umanong nalikom mula sa aktibidad ay ilalaan ng niya at ng Angela’s Pool Resort Palawan kung saan siya ang manager, sa mga elementary students na kanilang pinapaaral na nasa liblib na barangay.

“Sa ngayon ay 17 students ang hinahawakan ng Angela’s Resort sa mga remote barangays, like Langogan at Babuyan,” ani Idusora.

Sa Brgy. Langogan, siyam ang mga benepisyaryo sa Manggapin Elementary School, isang paaralan na nasa IP community na halos dalawang oras ang lakad mula sa centro habang apat naman sa poblacion. Sa Babuyan Elementary School naman ay may apat na mga scholar.

“Nire-recommend ng mga teachers [‘yung] mga walang-wala talaga, kasi galing din sa recommendations ng mga teachers ang mga kinukuha namin na nag-aaral na minsan walang tsinelas,” pahayag pa ng Palawan singer-song writer.

Si Idusora, 39 taong gulang, ay tubong Centro, Brgy. Langogan, ang pinakahuling barangay ng lungsod ng Puerto Pricesa.

Nang tanungin kung ano ang naging inspirasyon niya sa pagtulong sa mga bata ay sinabi niyang simula High school pa lang umano siya ay pangarap na niyang magbukas ng isnag foundation upang tulungan ang mga batang kapus sa buhay ngunit nagnanais na makapag-aral.

Upang mas marami pa ang maging benepisyaryo ay bukas siya umano siya sa partnership ng mga malalaking kompanya.

Binibigyan nila ng P600 ang kada buwan bata sa bawat buwan na personal nilang inihahatid sa pagsapit ng ika-15 at 30 ng bawat buwan.

“Ang ibang sinusweldo ko, doon din napupunta,” masayang wika ni Idusora. “Parang ang sarap sa pakiramdam na kapag nawala ka, pupwede kang alalahanin ng mga bata na ‘yun na naging bahagi [ka] ng buhay nila.”

Kung kakayanin pa umano ay iikutin pa nila ang iba pang mga malalayong barangay gaya ng Bahile, Macarascas o ibang barangay doon.

“Dito sa Puerto Princesa, marami pang mga wala pang sapatos, mga nag-aaral na kulang pa sa gamit,” komento pa ng Palawenyong mang-aawit.

 

KAYAMANANG DI MANANAKAW NINUMAN

“Para sa akin kasi, sa education lahat nagsisimula. Lahat ng pangarap ng ordinaryong bata, sa education nagsisimula—kung pangarap nilang maging teacher, pulis, sundalo o kahit na ano pa, kahit na singer, sa education talaga nagsisimula lahat,” aniya nang tanungin kung edukasyon ang kanyang tinututukan.

Gaya ng kanyang karanasan, “ang edukasyon pa rin ang mag-aahon sa kahirapan kasabay ng pagsusumikap, ng determination sa sarili tsaka siyempre ‘yung dedication.”

 

HIRAP NA DINANAS

Sa masayang buhay sa ngayon, isang alaala ng kanyang kabataan ang nagtulak kay Idusora na ibalik ang mga biyayang kanyang natatanggap sa kasalukuyan.

“Kaya ginawa kong inspirasyon ang mga bata doon sa Langogan kasi alam din nila ang narating ko ngayon kahit hindi pa ito ganoon kataas pero kahit papaano, pwede na itong gawing inspirasyon ng mga bata kasi alam din nila ang pinagdaanan ko rin talaga,” aniya.

Ikinuwento niyang lumaki silang 11 na magkakapatid na salat sa buhay sapagkat may sakit ang kanilang ina at di rin sapat ang kinikita ng kanilang ama sa pang-uuling. Sa hirap ng buhay, halos lahat umano ng pagluluto ng saging ay nagawa na nila dahil walang bigas.

“Parang ‘Magpakailanman’ ang buhay ko talaga. Saka lang ako nagkaroon ng sapatos nong graduation [Day] na at hindi pa sa akin ‘yun, hiram lang nung elementary hanggang high school kasi walang-wala talaga dahil zero balance.

“Yung punit-punit ang damit, tapos…namumulot kami ng kasoy kaya puro mantsa ang mga damit namin [magkakapatid],” halos emosyunal na pahayag ni Idusora.

Wala rin umano silang lupain, kaniyugan o kakasuyan at mga propriedad na maaaring pagmulan ng kita sa mga panahong iyon.

“Sa 11 na magkapatid, ako lang ang nakapagtapos kasi sabi ko ‘Hindi pwedeng ganito lang ang buhay.’ Kailangang bago mawala sa mundo ang mga magulang ko ay maranasan din nila ‘yung buhay na naranasan din ng ibang tao,” pananariwa niya.

“Sa mga bata, i-focus natin ‘yung sarili natin doon sa dreams natin kasi ‘yung dreams natin ‘yung pwedeng magpabago sa buhay natin. Kung ano ang hilig natin, i-pursue natin at kung ano ang talent na ibinigay ni God, ilabas natin,” ani Idusora na noon ay nangarap lamang na makilala sa industriya ng musika.

Ipinaalaala pa ni Idusora sa mga kabataan na anuman ang narating sa buhay ay manatiling mapagkumbaba at ‘Huwag din masyadong mabilib sa sarili” dahil hindi ka pwedeng itaas kung hindi ka nasa ibaba.

Samantala, hiniling naman niya sa mga Palawenyo na suporta ang kanyang mga musika at mga mall shows dahil kasama na sila sa Mall Caravan ng ABS-CBN matapos na lumipat sa Star Music.

Related Articles
TITULONG BINIBINING MIMAROPA 2018, NASUNGKIT NG ISANG PALAWENYA
MGA PALAWENYONG MUSIKERO, MULING NAGTAGISAN NG GALING SA TUNOG PALAWAN GRAND FINALS
KINATAWAN NG ABORLAN, NAGWAGING MUTYA NG PALAWAN 2018
INISYAL NA LISTAHAN NG MGA KANDIDATA PARA SA MUTYA NG PALAWAN 2018, INILABAS NA
pongidusora
PALAWENO SINGER NA SI ‘PONG’ IDUSORA, NAGSAGAWA NG KAUNA-UNAHANG CONCERT
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter