REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
PALECO, NIRERESPETO UMANO ANG PAGSASAMPA NG KASO LABAN SA KANILA NG PAMAHALAANG PANLUNGSOD



Ang mga dumalo sa ikalawang kwarter na pulong-balitaan ng Paleco noong ika-26 ng Hunyo na sina (L-R) PPGI Plant Manager Saldimer Brillo, DMCI Power Corp. Plant Antonio Manager Rolando Chavez Jr., Technical Services Department Manager, Engr. Ricardo Adajao; Paleco Chairman Jeffrey Tan-Endriga, Project Supervisor/Acting General Manager (PS/AGM), Engr. Nelson Lalas, Delta P Plant Manager Christopher Navarro at Napocor PEC/POD, Engr. Alfredo Zabala. Isa sa mga naitanong ng mga kagawad ng media sa Kooperatiba ay ang komento nila sa paghahain ng kaso laban sa kanila ng Pamahalaang Panlungsod.

NIRERESPETO umano ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) ang naging desisyon ng Pamahalaang Panlungsod na pagsasampa sa kanila ng kaso.

“We respect [the] action being done by the City Government]….In their side naman, karapatan nila ‘yun but on our side naman ay kailangan din nating ipakita at ipaalam sa husgado [kung] ano ba talaga ang nangyari at sumasaklaw sa atin upang masagot natin,” ani Paleco Chairman Jeffrey Tan-Endriga sa ikalawang kwarter na press conference noong ika-26 ng Hunyo.

“We have to respect that filed case. And to me, that’s very normal and even us, in Paleco, kami po talaga ay wala pong hinto sa pag-asikaso to reduce dito sa tinatawag nating power interruption that we experience,” susog naman ni Paleco Project Supervisor/Acting General Manager (PS/AGM), Engr. Nelson Lalas.

Ayon naman kay Tan-Endriga, matapos na maisampa ng City Government ang kaso laban sa kanila noong Hunyo 24, kinabukasan ay agad nilang kinausap ang kanilang legal counsel na si Zoilo Cruzat ukol sa kung ano ang kanilang magiging kasagutan.

Ngunit ang ipinagtataka lamang umano nila ay hindi naman umano sila nagkulang sa komunikasyon at pagbibigay ng impormasyon sa City Government.

“From time to time nga, may invitation ang ating technical team, mga personnel natin, specially, in the person of our AGM ay ipinatatawag sa City Council at naibibigay naman ang kanilang side at napag-uusapan doon ang mga status and update,” aniya.

Naaalaala rin umano niya na may time din na ipinatawag ang mga IPP’s kaya nalilito umano sila sa sinabing nagkulang sila sa Paleco sa pagbibigay ng impormasyon sa mga lider ng siyudad.

Komento naman ni PS/AGM Lalas, may constant meeting umano sila sa City Council, kasama ang mga IPP’s, tatlong linggo ang nakaraan bago ang kaso.

Ngunit magkagayunpaman, wala naman umano itong epekto sa pagbibigay nila ng serbisyo sa mga member-consumer.

“We keep on continuing our job. No, na ano ‘yan na makaapekto [sa aming trabaho] because, we will not going to stop on this objective of the Cooperative to have that reliable electric service to our consumers. I repeatedly, sinabi ko sa kanila (mga empleyado) ‘yan….My instruction [to them] is that, ‘We should not bothered about that, but we keep on continuing on our job and, so far, that objective is to resolve the power interruptions,” ani Lalas.

Sa power family umano ay buwan-buwan din silang nagsasagawa ng pagpupulong upang iresolba ang mga power interruptions gaya ng naganap noong nakaraang linggo, kung ano ang mga dahilan at kung anong mga hakbang ang dapat na isagawa at ang maintenance ng kani-kanilang planta.

Sa katanungan naman ukol sa nasusunod ba ng mga independent power provider (IPP’s) ang laman ng power supply agreement (PSA), ani Engr. Lalas, nasusunod naman umano ng lahat ng mga IPP’s dangan lamang umano ay dahil diesel engine at bunker engine lamang ang maaasahan sa grid ng Palawan at hindi kagaya sa mainland Luzon o iba pang bahagi ng bansa na may mapagpipilian pang geothermal o hydro na source ng enerhiya.

Sa ngayon umano ay hindi pa nila agad na masasabi kung sino ang may pagkakamali dahil wala pa ang Social Supervisory Control and Data Acquisition (SCADA) kaya di pa umano nila ma-monitor.

Ang nasabing tatlong IPP’s ang nagbibigay ng supply sa Paleco na dumadaan sa 69 KV na transmission lines ng NPC at doon sa linya ring iyon sila nagpapadaloy ng kuryente sa kanilang mga consumer.

Bilang nasa distribution side, ang Paleco ang bumibili ng enerhiya sa mga IPP’s, ang nasa generation side kaya hindi umano kontrolado ng Kooperatiba. Ngunit magkagayunpaman, ginagawa umano ng Paleco ang lahat ng kanilang makakaya upang makapagbigay ng maayos at reliable source na kuryente.

Ang naganap naman umanong pagkawala ng kuryente noong Martes, ika-25 ng Hunyo ay total system failure na ang dahilan ay ang transmission line ng Napocor.

“Mahangin kaya nag-swing. That conductor in the main spun, [kung] mag-swing ay nagkakaroon po ng induction and it trips na ‘yan po ang sabi natin na dapat subject for correction,” ani Lalas.

Ayon sa Napocor, may bumagsak na puno at nagpang-abot ang linya kaya nagkaroon ng short circuit.

Ani Jessie Marin, sa ulat umano ng lineman nila, may patay na puno sa magkabilaang topping point ng planta ng DMCI sa bayan ng Aborlan. Nang humangin umano ay natumba ang puno at tumama ang overhead ng DMCI sa linyang paakyat sa Napocor na naging sanhi ng power interruptions.

Sa panig naman ng DMCI, nasa labas na umano ng kanilang bakod ang naturang kahoy. Narinig na lamang umano nila kung gaano kalakas ang tunog ng 69 KV lines ng NPC na sa sobrang lakas ay inakala nilang lumindol. Sa Kasunduan na 25MW kada araw ay kanila rin umanong natutupad at sa araw na iyon ay mayroon silang 13.25 MW.

Sumagot din ang dalawa pang IPP’s ng Paleco. Ayon sa Delta P, complaint ang dalawa nilang planta, ang Old Delta P at e-Delta P sa kasunduan at equipped din umano sa monitoring devices. At kahit wala umanong SCADA ang Paleco, kung ang problema sila ay agad silang nagre-report kung ano ang mga analysis nila ukol sa tripping.

Tumutulong din umano sila sa Paleco sa faults na hindi nila ma-identify at nagbibigay din ng printouts para ma-analyze ng kanilang technical team ang source ng problema. Tumutulong din umano sila para makapag-sourced out at ma-upgrade ang grid na mayroon sila ngayon na permanent solution sa hinaharap.

Ayon naman sa PPGI, sila rin ay tumutupad sa PSA at nasa kondisyon ang kanilang mga makina. Ang isa umanong nasa ilalim sa maintenance ay maibabalik na rin sa susunod na buwan ng Hulyo. Sa 15.2 MW umano nilang kontrata sa Paleco sa ngayon ay nasa 13.5 MW ang kaya nilang maibigay.

POWER INTERRUPTIONS NA SANHI NG MGA HAYOP
“Dito sa Palawa, i-admit natin na we have a lot of trees and not only that, even animals, squirrel, tuko, daga, pati pusa umakyat na sa poste. May nakita kami na naka-video—‘yung pusa, siguro hinahabol ang daga taas, and you know, if it touches the primary conductor of Paleco, nagkakaroon po ‘yan ng short circuit doon sa cross-arm and then the insulators will going to burst. Magkakaroon ng hairline crack and sometimes, it’s difficult for this to restore and to find where is this insulator na nagkaroon ng hairline crack,” paliwanag ni Engr. Lalas.

LONG TERM SOLUSTION
Kabilang umano sa ipinatutuapd nilang pangmatagalang solusyon sa problema ay ang paglalagay ng insulator sa kasalukuyang huwad na mga kable sa mga area na may mga makakapal na mga puno gaya ng Iwahig. Ito umano ay upang di na maging dahilan ng pagkawala ng daloy ng kuryente kapag nasagi ng mga kahoy na kahit putulan nila ng mga sanga ay tumutubo uli makalipas ang dalawa o tatlong buwan.

“Long-term [solutions po] namin na ‘yung thickly-vegetated na area ay in-insulate po namin ang conductor and that is now on going. In fact, kahapon, I signed again a two-kilometers of a conductor na insulated just to prioritize certain areas na sabihin na nating i-insulate namin ‘yung primary line namin. Dito makikita n’yo po ‘yan na bare wire, walang insulation. Kaya if we can insulate that, possible, we can minimize that certain distribution line faults,” aniya.

Sa ngayon umano ay nasa siyam na kilometro pa lamang ang napapalitan ng insulated wire na kanilang mga linya mula sa kabuuang 4,000 kilometro bagamat nilinaw nilang hindi naman ang kabuuan ang palalagyan dahil nakadepende lamang sa badget.

Komento naman ni Paleco Chairman Tan-Endriga, sa kasalukuyan ay pending ang batas na Anti-line Disturbance Act na hiling nilang maisabatas na. Aniya, sa pamamagitan nito ay makareresolba na ang problema, lalo na sa vegetation.

Sila umano sa Paleco ay ang laki ng ginagastos para sa clearing operation ngunit limitado ang pagkilos dahil may mga batas na ipinatutupad ang DENR. Limitado lamang aniya sila sa pwedeng putuin at tanging mga sanga lamang.

“Medyo harsh ‘yung sagot natin na putulin [ang mga sagabal na puno], [pero] kailangan nating magsakripisyo kasi ang tanong dito: ‘Ano ba ang priority natin—serbisyo na maidaloy nang maayos ang kuryente sa mga member-consumer o ‘yung hindi natin mapuputol dahil iingatan natin ang kapakanan ng mga puno na ma-preserve natin?” ani Tan-Endriga.

Nakalulungkot man ngunit iyon umano ang realidad—na hindi masolusyunan ng isang gabi lamang. Ito ay matagal na at ang solusyon ay batas. Sa ngayon umano ay nakikiusap lang sila sa DENR na mag-trim dahil kung dokumento ang gagawin ay region pa ang nag-aapruba na kakain ng matagal na panahon.

“Napakahirap ng bureaucratic process natin sa bansa natin and ang nabi-blame parati ay ang Kooperatiba. Ano ba talaga dapat gawin ng lokal na pamahalaan, ng ating mga national government? Na kung saan, alam naman natin ang solusyon eh ang problema wala ring suporta na nanggagaling sa kanila,” walang paligoy-ligoy niyang pahayag.

Halimbawa umano, ang Capex ay naaprubahan lamang noong Enero ngayon taon na iyon ang isa sa kanilang mga solusyon para i-upgrade ang distribution lines. Kasama rin doon ang SCADA system at naka-incorporate rin ang pag-procure, install, at pag-upgrade ng distribution line para umano malaman kung saan ang problema na sa kasalukuyan ay manu-mano sila sa pagbubukas ng mga sirkito.

Hinaing pa niya, sila ay regulated ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng ERC at NEA at wala silang full autonomy na kapag may budget ay pwedeng ipatupad agad ang mga nais na proyekto.

DISADVANTAGE NG IPERA LAW
Disadvantage rin umano ang Improper Payments Elimination and Recovery Act (IPERA) of 2010 na isa umano sa panukala nilang amiyendahan dahil di nila kontrolado ang NPC. Hindi rin umano nila basta-basta makokontrol ang operasyon ng mga IPP’s at kailangan ng koordinasyon.

Para maayos aniya ang pag-monitor nila ay kailangang i-install sa system ng Paleco ang SCADA na umaabot ng halagang P40 milyon na hindi umano nila agad nabili dahil nasa ERC nangagaling ang approval na binigay lamang noong Enero.

Ang update umano ay nasa proseso na sila ng pagkuha ng approval sa kanilang loan. Sa kanilang pinakahuling meeting noong ika-25 ng Hunyo ay inatas niyang ihanda na ang terms of reference at nagboluntaryo na ang Delta P na ang supplier nila sa SCADA ay tumulong na rin.

“Ang SCADA po, ang function po niyan is to monitor. Makikita po natin dito ang reliability, capacity, and availability ng kanilang mga planta and the same time, ngayon po kapag nagloko, for example yesterday, nagkaroon ng trouble ‘yung linya ng NPC because of rotten wood stem or branch, ‘pag nag-total [blackout], trip lahat ang ating recloser at kailangan po nating manu-manong bubuksan…with this gadget, kapag na-install natin eh dito na lang po sa ating opisina ang swi-switch on nito. Ito po ang gagawin natin pero hindi po ito pwedeng gawin ng overnight lang,” ani Tan-Endriga.

Kahit nakasuhan ay hindi pa rin umano magagarantiya ng Kooperatiba na wala ng brownout; ang kailangan umano ay ma-minimize. Dahil umano sila ang mga direktor ay sila ang unang nakatatanggap na mga hindi magagandang complaint ng mga MCO’s ngunit kahit daanin pa umano sa galit, giit niya, hindi iyon ang masosolusyunan kundi ang paglalagay ng akmang solusyon.

Aniya, naresolba na ang availability ng dependable capacity dahil sapat na sa ngayon. Ang problema na lamang umano sa kasalukuyan na kanilang pinag-aaralan ay kung nakasama ba sa PSA ang reliability provision dahil doon inaatake ng mga konsyumer ang Paleco.

(PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter