REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING



Ang regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

HINILING ni Konsehal Henry Gadiano kay Punong Lungsod Lucilo Bayron sa pamamagitan ng pagpapasa ng isang ordinansa na maisama umano sa mga nakalinyang programa ng Pamahalaang Panlungsod ang pamamahagi ng libreng gamit pang-eskuwela sa lahat ng pampublikong eskuwelahang elementarya sa lungsod ng Puerto Princesa.

Layunin umano nito na matulungan ang mga magulang at mga mag-aaral na magkaroon ng ilang libreng gamit pang-eskuwela partikular sa mga kapos sa pinansiyal.

Sa ulat ng komite ng Social Welfare and Community Development na pinamumunuan ni Vice Mayor Nancy Socrates kung saan inirefer ang nasabing usapin, ang mga gamit pang-eskuwela gaya ng kuwaderno, lapis at bag ay ilan lamang umano sa nais ng may akda na mapabilang sa maipamimigay na kagamitan kung ito ay aaprobahan ng alkalde.

Ani Socrates, ang kakailanganin umanong pondo upang maisakatuparan ang programa ay hiniling din ng may-akda na maisama sa Annual Budget 2020 ng City Government.“

Ang suliranin sa pondong kakailanganin ay natalakay din ngunit ang pasya ng may akda ay ipaubaya sa Punong Lungsod (Lucilo Bayron) ang posibilidad na mapag-aralan na mabigyan ng libreng gamit sa eskuwela ang mga mag-aaral sa lahat ng pampublikong [pang-elementaryang] paaralan”, ayon pa sa Bise-Alkalde.

Samantala ang nasabing ordinansa ay inaprobahan na sa ikalawang pagbasa noong lunes, ika- 19 ng kasalukuyang buwan.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter