REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
PAMUNUAN NG CITY ENRO INAANYAYAHAN ANG PUBLIKO NA DUMALO SA LOVE AFFAIR WITH NATURE NGAYONG PEBRERO



INIIMBITAHAN ng pamunuan ng City ENRO ang publiko na makiisa sa nalalapit na ika-17th “Love Affair with Nature” ng lungsod.

Ito ay ipagdiriwang sa ika-14 ng buwan sa Sitio Tagbarungis, Brgy. Inagawan.

Kaakibat nito ang paghikayat ni City ENRO Carlo Gomez sa mga partisipante na magsuot ng bulaklaking damit o hawaiian dress bilang tema nito.

“ I would like to invite everybody to join us in celebrating our Love affair with nature. Sana magsuot ng Hawaiian ang mga ikakasal para maiba naman, para masaya. We also encourage the participants to wear floral o hawaiian dress kasi sa beach naman siya para maiba ang tema pero nandoon pa rin ang conservation.” ang paanyaya ni Gomez sa publiko.

Dagdag pa niya, mahigit 47,000 na beach trees at mangroove propagules ang inaasahang maipamimigay at maitatanim sa dalawang ektaryang lupang taniman sa Sitio Tagbarungis ngunit nakadepende pa rin umano sa bilang ng partisipante ang dami ng maitatanim.

Layunin nito na maprotektahan ang coastal area sa lugar, pahayag pa ni Gomez.

“The same site we had in 2017 ang remaining portion doon amounting two hectares, tataniman natin ng beach trees at mangroove propagules. This is our approach in Love Affair with nature 2019 and to strengthen the support natin sa blue carbon ecosystem that is to protect coastal areas, mangroove areas natin.”

Kaya umano Tagbarungis ang napiling planting site dahil parte ito ng pinamamahalaang coastal area ng City ENRO. Ito ay isang pamamaraan umano upang maiwasan ang pagguho ng lupa at mabigyan ng tahanan ang mga marine species sa area.

Binanggit din niya ang pagkakaroon ng overnight activities matapos makapagtanim ng lahat.

“We are also considering na magkaroon ng overnight activities like band, presentation of Miss Puerto Candidates.”

Maglalagay din umano sila ng mga signages sa lugar katuwang ang CDRRMO at Coastguard kaya walang dapat ikabahala ang publiko.

Samantala, kasabay ng Love Affair with Nature ang pagla-launch ng kanilang tanggapan ukol sa No single use of plastics.

Ang mga piling vendors umano ay pagbabawalang magtinda ng bottled waters, junk foods at candies. Ang mga panindang maaaring maibenta lamang ay yaong mga hindi na gagamitan pa ng plastik na maaaring magdulot lamang ng basura sa lugar.

“Vendors will not be selling bottled water instead baka containers at plastic cups. We encourage everybody to bring their own tumblers para sa mga magtitinda hindi sitsirya kundi mga kakanin.”

Paliwanag pa ng opisyal, matagal na nilang ipinatutupad ang naturang patakaran na ang mga mahuhuling lalabag ay may karampatang parusa o multa.

ANG Mass Wedding noong nakaraang taon bilang bahagi ng “Love Affair with Nature.” (CONTRIBUTED PHOTO//FRANCIS MACHADO/CIO)

Related Articles
BACUIT BAY NG EL NIDO, TARGET MAGING WATER QUALITY MANAGEMENT AREA
PALAWENYO, TIMBOG DAHIL SA ILIGAL NA PANGINGISDA
DENR-MIMAROPA SUPORTADO ANG NAGING PAHAYAG NI PD30 UKOL SA EL NIDO, CORON
P2.1-B WASTE TO ENERGY PROJECT SA LUNGSOD, ‘SCAM’, SIGAW NG MGA ENVIRONMENTAL GROUPS
DRAYBER NG TRAK NA NAGLALAMAN NG MGA PATAY NA BUHAY ILANG, NADAKIP SA BRGY. STA. LOURDES
MGA LGU, HINIKAYAT NA I-PROMOTE ANG PAGGAMIT NG RENEWABLE ENERGY
PAMAMAHAGI NG MGA KAGAMITING PANG-ELEKTRISIDAD NG PSFI, KINILALA
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE TOXINS
FORCED DEMOLITION SA EL NIDO, SINIMULAN NA
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter