REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
PAMUNUAN NG IPPF, NAGPALIWANAG NA MALI ANG MGA PARATANG NA PINAPATAY NILA ANG MGA TUMATAKAS NA BILANGGO



SINASAGOT ni CSSupt. Geraldo Aro (may hawak ng mikropono), head ng Iwahig Prison and penal Farm (IPPF) ang mga katanunagng ipinupukol ng media sa ginanap na press conference noong ika-7, 2019. Kasama ni CSSupt. Aro ang iba pang opisyal ng IPPF, kabilang na ang team leader na nag-operate sa pumugang si Arnel Padillo na si C1 Gary Garcia (ikalawa mula sa kaliwa). (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)
(PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

“Ang buhay ay pinahahalagahan natin. Hindi po na kapag may nakatakas dito sa Iwahig ay pinapatay. Wala pong katotohanan ‘yun.”

Ito ang pahayag ng tagapagsalita ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) na si CTO II Levi Evangelista nang kapanayamin ng local press noong ika-7 ng Hunyo.

Ngunit ipinaliwanag niya, kung manganganib naman ang nagsumbong sa kanila sa kinaroroonan ng nasabing pugante kagaya ng kaso ng tumakas na si Arnel Padillo at malagay din sa panganib ang kanilang mga kasamahan ay wala silang ibang mapagpipilian kundi gamitan ng teknikal na pamamaraan.

Sa isinagawa umanong hot pursuit operation ay walang media personnel ang pinasama sapagkat mas mahirap naman umanong masunog ang operasyon at gaya ng nauna na niyang sinabi ay pinoprotektahan din nila ang kanilang informant na tinuluyan ng eskapong si Padillo na may edad na at malabo pa ang paningin. Ibig naman umano nilang hulihin ang PDL ng buhay ngunit may dala umano siyang gulok at balak tagain ang matanda.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang halos sunod-sunod na pagkamatay ng dalawang Person Deprived with Liberty (PDL) ng IPPF at umugong ang mga paratang laban sa pamunuan kaya naman umano nagpatawag na sila ng press conference upang liwanagin ang lahat.

Ang unang yumao ay si Alvin Villanueva noong gabi ng Mayo 31 matapos umanong mahuli sa araw ding iyon makaraang tumakas noong Mayo 28, kasama si Padillo.

Sa press conference naman ay ipinaliwanag ni IPPF P/Brig. Gen. Geraldo Aro, nang madakip muli ang tumakas na si Villanueva ay inilagak nila sa preventive cell bilang bahagi ng standard operating procedure, at isa sa kasama niya ay si G. George de Chavez na umano’y kasabwat din nila sa pagtakas ngunit hindi lamang nakapuga na gaya sa kanila dahil marahil umano ay nakulangan na ng panahon ng madaling araw ng kanilang pagtakas. Dahil sa naganap ay kasama rin umanong inimbestigahan si de Chavez.

Noong nasa loob na ng preventive cell ay nagtalo umano sina Villanueva at de Chavez. Sinisi umano ng una ang huli hanggang sa nagpambuno umano ang dalawa. Nawat naman umano sila ngunit kinagabihan ay sinakal ni de Chavez si Villanueva na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

DATI NG MAY REKORD NG PAGTAKAS
Sa talaan ng IPPF, dati ng may rekord ng pagtakas ang tatlong PDL. Si de Chavez ay nakatakas noong Oktubre 1, 2012 at nahuli makalipas ang isang araw at kinasuhan ng tatlong taon at isang araw na pagkakulong. Si Villanueva ay pumuga rin noong Pebrero 14, 2014 at nadakip makalipas ang limang araw at sinampahan ng Evasion of Service Sentence na ang parusa ay tatlong taon at isang araw na pagkakulong. Si Padillo naman umano ay pumuga rin noong Agosto 25, 2015 at nadakip sa Aborlan makalipas ang dalawang araw.

Ang isa naman umanong puganteng si Padillo, matapos may magtimbreng residente ng Brgy. Luzviminda ay agad nilang in-operate madaling-araw noong Hunyo 2.

“Yung area kasi is more than three kilometers away from the national road pero it’s still part of the Sta. Lucia Sub-Colony property of Iwahig Prison and Penal Farm,” ani Aro.

Dumaan umano ang mga operatiba ng IPPF sa bahagi ng Kilometer 32.5 ng south national highway, pumasok sa area ng Sta. Lucia Sub-colony at pagkatapos ng dalawang kilometrong paglalakad ay narating nila ang tahanan ng informant, 100 metro ang layo sa kanila.

Nakita umano nila sa tahanan ng informant ang suspek na may dalang itak kaya hindi umano makapasok ang lahat dahil baka makita sila sa kadahilanang malinis ang lugar na kinaingin ng matandang informant.

“Ang concern namin is the personal safety of our asset. For your information, matanda na ‘yung tumulong sa amin, mahina na ‘yung mata,” ani Aro.

Sa kalaunan ay mukha umanong nakatunog ang suspek na sinet up siya ng asset kaya upang hindi umano masaktan ang asset ay pinutukan ng mga operatiba ang suspek upang “ma-restrain” lamang siya at hindi patayin. Ngunit sa kasamaang-palad umano ay natamaan siya sa noo.

NASA DELIKADONG SITWASYON ANG ASSET
“Ayaw nga nating masaktan ‘yung asset [kaya] pinutukan ng tao ko para to restrain, hindi naman [para] patayin [ang pugante]. In fact, isang bala lang [ang pinaputok], nagkataon lang na tinamaan sa may forehead,” aniya.

Ipinaliwanang nilang mali ang lumabas sa mga radyo na kaya namatay ang PDL ay dahil ginamitan ng shutgun. “One of my policy is transparency. We’re not hiding anything here,” ani Aro.

Ayon naman sa lider ng nag-operate na team na si CI Gary Garcia, kung puntahan ang nasabing lugar ay makikita umanong kapag nasa operasyon ay hindi makalalapit ang operatiba. Ito umano ay sa kadahilanang may isang daanan lamang ang pwedeng daanan at iyon ay ang creek.

Aniya, kapag lumabas sila roon ay makikita sila ng suspek lalo pa umano na ang nakapalibot na mga bundok ay kinaingin ng matanda na umaabot sa dalawa hanggang tatlong ektarya.

“So, masusunog ‘yung operation namin kapag kami ay lumapit. So, ang sabi ko sa kanila, ‘In case na malagay sa panganib ang buhay ng asset natin, it’s your call pero dapat baldahin lang.’ Dahil po sa layo, eh wala naman talaga tayong trained na mga sniper, eh natamaan sa part ng noo [si Padillo]. ‘Pag dating namin sa area, humihinga pa po siya, ibinaba namin para dalhin sa ospital,” paliwanag pa ni Garcia.

Sa ngayon ay on going naman umano ang ginagawang imbestigasyon ng pamunuan sa mga naganap at nangakong ilalabas din sa media ang resulta kapag natapos na.

Lumabas umano sa medico-legal na gumamit ng tuwalya ang suspek bilang pansakal na inamin din naman umano ni de Chavez.

At sa sinuman umanong nagkaroon ng pagkakamali kaya nakatakas ang mga bilanggo at napatay pa ng inmate si Villanueva, tiniyak ng head ng IPPF na may maparurusahan, inmates man o tauhan nila na kung ang kanilang mga tauhan naman ay sasampahan nila ng kasong administratibo.

Aminado rin umano silang marami silang pagkukulang at hindi sila perpekto ngunit umaasa silang sa pamamagitan ng modernization act, bagamat pending pa sa Kongreso ay mapaaayos na nila ang mga pasilidad at ang kanilang serbisyo.

Sa ngayon ay lubha umano nilang kailangan ng mga bagong dormitoryo at hindi lamang basta renovated dahil masyado na umanong mga luma ang kanilang mga pasilidad na karamihan ay panahon pa ng mga Espanyol.

Kaugnay nito, noong nakalipas umanong Lunes ay dinalaw sila ng kanilang director general para sa isang inspection visit upang maghanap ng lugar para sa planong itatayong Bucor Academy, gaya ng PNP ay may PNPA at PMA sa sandatahang lakas na umaasa silang magreresulta ng mga de-kalidad na mga graduate.

“That would be constructed here in Iwahig Prison and Penal Farm to address those kind of concerns. One of the concern is the dormitories, dilapidated at luma na [kasi masyado ngayon],” ani Aro.

(PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter