REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, October 21 2019
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING



RASA Island Wildife Sanctuary (INSET Photo) Ang mayabong na mangrove forest na makikita sa nasabing isla. (PHOTOS//DIANA ROSS M. CETENTA).

PATULOY na pinaiigting ng mga kinauukulan ang pangangalaga at proteksyon sa Rasa Island Wildlife Sanctuary, ang islang tahanan ng iba’t ibang buhay-ilang, partikular ng Katala na isang uri ng loro na sa Palawan lamang matatagpuan.

Pebrero 10, 2006 nang madeklara bilang protected area ang 1,983.72 ektaryang isla sa di-kalayuan ng mainland Narra. Layon nitong ikonserba ang buong lugar, lalong-lalo na ang Palawan Cockatoo (Cacatua haematuropygia), ang flagship specie ng Municipal Government ng Narra na doon naninirahan.

Kung ngayon ay tumaas na sa mahigit 400 ang bilang ng mga Katala sa naturang munisipyo, nagsimula sa conservation effort ang Katala Foundation, Inc. (KFI) sa natira noong 23 piraso, isang napakakritikal na bilang sanhi ng poaching for pet trade, pagkasira ng natural na tahanan, at direktang pagpatay.

Ayon sa Education Coordinator ng Philippine Cockatoo Program ng KFI na si Bb. Anna Rose Agullo, maituturing na lowland specialist ang mga Katala dahil sa mababang kagubatan lamang sila naninirahan gaya ng coastal forest, mangrove forest at riverine forest. Dahil doon at sa madali ring i-covert sa resettlement area at agricultural area ang nasabing mga ekosistema, lubos itong nakaapekto sa nasabing mga ibon.

Bunsod ng talamak na nagaganap umano noong na poaching sa mga Katala, pagkasira ng kanilang tahanan na sinabayan pa direktang pinapatay sa kanila dahil sa itinuring silang peste sa palayan, ay umabot na lamang umano sa mahigit 20 ang bilang ng nasabing mga hayop sa bayan ng Narra.

Ani Agullo, sa ganoong bilang ay agad na silang nagsimula sa pangangalaga sa kanila dahil hindi na umano nila hahayaan pang maubos ang kanilang populasyon.

Aniya, sa Pilipinas ay mayroon lamang kaisa-isang cockatoo species, ang katala na sa buong mundo umano na mayroong 21 species, isa rito ay matatagpuan lamang sa Pilipinas, partikular sa Palawan.

MGA SPECIES NA NANINIRAHAN SA RASA
Ayon pa kay Bb. Anna, maliban sa mga ibong Katala na naninirahan dito, mayroon pa umanong ibong mga nanganganib nang maubos gaya ng mga Blue Rocket tail o ang kilit, Red-headed flamebacks na isang species ng woodpecker, scrub fowls o tabon, giant clams at mga balatan.

Mayroon din umanong mangroves na isa sa mga pinangangalagaan ng batas ng bansa, lalong-lalo na sa Palawan.

“Itong kinatatayuan natin, isa itong coastal forest. Sa Pilipinas po, kakaunti na lang ang patches ng coastal forest, at very lucky tayo sa Rasa Island na mayroon po tayo nito,” aniya.

Warden Lucito Dangis (PHOTO//Diana Ross M. Cetenta)

ANG MGA TAGAPANGALAGA NG KATALA
Kwento ng isa sa mga warden na si Lucito Dangis, noon ay siya ang pangunahing dahilan ng pagbaba sa populasyon ng mga Katala. Ibinibenta umano niya sa halagang P50 ang kada isang Katalang mahuhuli na malaking halaga na umano sa pagkakataong iyon.
“Noong wala pang Foundation, ako ang umubos ng mga Katala; ibinenta ko…[dahil] sa hirap ng buhay,” aniya. “May natirang 27 piraso, ‘iyon ang pinagsimulaan ng Katala Foundation,” aniya.
“Malaking pagsisisi pero magsisi man ako huli na pero natutuwa pa rin ako kasi napagpalitan ko ng serbisyo. Pero kung tutuusin, hindi ako dapat makapagtrabaho sa Foundation sa totoo lang, hindi ako nakapag-aral. Ang Pinag-aralan ko, Grade 1, isang araw lang ‘yun.’ Pasalamat ako, kahit hindi ako nakapag-aral, nakapagtrabaho ako rito kasi kahit pangalan ko, hindi ako marunong magsulat,” aniya.

SINA Rasa Island Wildlife Sanctuary Park Superintendent Renato Gonzaga at Philippine Cockatoo Program Education Coordinator Anna Rose Agullo habang ipinakikita ang patpat na ginagamit ng mga warden sa pagsungkit ng mga Katalang may sakit at pagkapa sa kung ilan na ang itlog ng nasabing mga ibon. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

LEKSYON
Ayon naman sa Park Superintendent ng Rasa Island Wildlife Sanctuary na si G. Renato Gonzaga, ang magandang leksyon na makukuha mula sa Narra ay ang naging protektor na ng mga Katala ang mga taong pangunahing dahilan ng kanilang pagkaubos.

Sa ngayon, simula Enero hanggang Hunyo, ang breeding season ng nasabing mga ibon ay maigting binabantayan ng mga warden ang mga puno kung may ibon at may itlog. Kapag panahon umano ng pangingitlog ay palagi nilang tsinitsek ang mga ibon at tinitingnan ang mga puno kung may itlog, at kung ano ang kondisyon ng mga inakay.

Nakalulungkot lamang umano ang datus na nakuha ng mga warden ngayong 2019 sapagkat naging mahina umano ang pangingitlog ng mga Katala na maaaring dahil sa init ng panahon.

“Ang na-hatch lang ngayon, nasa 17 cockatoos lang this year. Kasi kung makikita natin, ang life cycle [nila], once a year lang sila nangingitlog, from January to June, lang po ‘yung time kaya dito, mahigpit na pinagbabawal dito, limited lang talaga ang mga [pinapapayagang] visitors, unless may ginagawang related sa proteksyon,” ani Gonzaga.

Kwento ng mga warden, inaakyat nila ang mga puno upang alamin kung ilang itlog mayroon ang pugad at binabalikan matapos ang 15 araw kasama ang ka-buddy. Gamit ang stick o tyre wire ay pinapakiramdam umano nila kung ilang itlog mayroon ang isang pugad na sa ngayon umano, ang pinakamababaw ay isang metro ang lalim. Kapag may sakit naman umano ang mga inakay ay inaalis nila ito pansamantala sa pugad upang gamutin.

“Siguro kung makikita natin kung gaano kahirap ang pangangalaga sa kanila, mare-realize natin na gan’un pala ang dapat na sakripsiyo. ‘Yung tao mas madali pa ngang makapanganak compared sa kanila. ‘Yan, sana maipaabot din natin sa ibang community, o sa ibang mamamayan, na hindi lang partikular sa mga Katala, kundi lahat ng wildlife, kunek-kunek ‘yan…Lahat ng buhay-ilang, lahat ay may kahalagahan sa ating ginagalawang mundo….Dapat pangalagaan natin para sa susunod na henerasyon,” komento pa ng PASu ng Rasa Island Wildlife Sanctuary.

Itinuturing na ngayong Philippine Cockatoo Capital of the World ang bayan ng Narra dahil sa buong mundo umano, ang 70-90 percent ng populasyon ng Katala ay sa Palawan matatagpuan na kung saan, ang 30-40 percent ay sa Narra makikita.

Sa kabilang dako, bukas naman ang isla sa mga nagnanais mamasyal doon. Tumungo lamang umano sa Protected Area Management Office, o sa Tourism Office o sa Katala Foundation Office. Ang mga babayaran ay P180 bilang conservation at environmental fee sa kada tao, P250 para guide na pwede hanggang sa anim na katao, at P1,000 hanggang P1,800 kada anim hanggang sampung tao naman ang babayaran para sa boat fee, depende sa kakayanan ng bangka. Nakadepende rin umano ang pagpunta roon sa taas ng dagat at sa kalagayan ng panahon.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter