REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, October 21 2019
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD



SI PCL-Federation President Prince Demaala habang nagbibigay ng kanyang pananalita sa naganap na pangaral sa mga end-termer na mga konsehal sa lalawigan ng Palawan. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

MASAYANG ibinahagi ni Narra Sanggunian Bayan member Clarito “Prince” Demaala IV, ang kasalukuyang interim president ng Philippine Councilors’ League (PCL)-Palawan Chapter at ex-officio member ng Provincial Board, na sa kanyang termino ay nakapagpagawa sila ng Bahay-tuluyan sa lungsod ng Puerto Princesa na pwedeng matuluyan ng mga miyembro kapag may dadaluhang aktibidad sa siyudad.

Ani Demaala, ang PCL Hostel ay matatagpuan sa PEO Compound o mas kilala na ngayong Salvador P. Socrates Compound (SPSC) sa Brgy. Bancao-bancao.

Ayon sa bokal, napasinayaan ang pasilidad para sa una nitong palapag noong Disyembre 2 at inaasikaso na rin umano nila ang kailangang pondo para sa dagdag na isa pang palapag.

Ang 180 kilometro kuwadrarong Bahay-tuluyan ng mga kagawad ng mga munisipyo, sa ngayon ay mayroong tatlong silid na kaya ang anim na tao. Mayroon umano itong pangunahing kailangan at halos kompleto rin umano sa kagamitan na katulad ng isang tipikal na bahay.

Bilang serbisyo sa mga miyembro, wala umanong bayad na hinihingi sa sinumang makikituloy kundi tanging donasyon lamang sapagkat ang lahat ng gastos doon ay naka-charge sa PCL-Palawan.

Ani Demaala, nagmula ang pondo sa DPWH, at kina Sen. Sonny Angara, Rep. Franz Josef George Alvarez ng Unang Distrito, Rep. Acosta ng Ikatlong Distrito at kay noo’y Rep. Erick Abueg ng Ikalawang Distrito.

Ang unang badget umano mula kay Angara ay P3 milyon at nadagdagan ng tag-isang milyon buhat sa mga kongresista kaya natapos ang unang palapag at nakaabang na rin umano ang ikalawang palapag dahil mabibigyan umano silang muli ng tag-P1 milyon sa susunod na taon.

Aniya, sa nalalabi niyang mga buwan bilang interim president na matatapos sa Setyembre at magluluklok silang muli para sa posisyon, tiniyak ni Demaala na dadalhin niya ang kanyang mga kasamahan sa mga tourist destination ng Pilipinas at Malacanang. Layon umano nitong makakuha sila ng mga ideya, diskarte o anumang magagandang ideya ukol sa mga best practices ng ibang probinsiya na pwede nilang ipinatupad sa mga munisipyo kumpara umano kung nasa opisina lamang sila sa loob ng tatlong taon at walang malalamang bagong mga kapaki-pakinabang na ideya para sa mas maayos na paglilingkod.

Una na ring ipinangako ni Demaala ang pag-tour sa mga kasamahan sa mga piling lugar sa bansa sa isinagawang awarding ng mga end-termer na Konsehal at ng mga na-elevate o nagwagi bilang alkalde, mayor at Board Member.

PAMANA SA POSISYON
Sa unang termino ni Demaala sa pagka-pangulo ng PCL Provincial Federation, ang naiwan umano niyang pamana sa kanilang organisasyon ay ang pagkakaroon ng magandang samahan na maihahalintulad sa isang pamilya.

Aniya, pamilya ang turing niya sa lahat at hindi lamang mga konsehal; isang malaking barkadahan umano na nasubok ng panahon.

Hindi umano niya pinaramdam ang pagpabor lamang sa iisang distrito gaya ng siya ay mula sa sur, kundi pantay-pantay. Sa katunayan umano ay mas sobra-sobra pa pagkaminsan ang pagpabor niya sa norte kung kailangan.

INSPIRASYON
Ibinahagi niyang ang nakahikayat at naging inspirasyon niya sa pagpasok sa pulitika ay walang iba kundi ang kanyang mga magulang na naging lider din sa bayan ng Narra sa mahabang panahon.

Aniya, ipinagbubuntis pa lamang umano siya ng kanyang inang si former Narra Mayor Lucena Demaala ay nagseserbisyo na sila sa kanilang bayan, na kanya rin umanong kinamulatan sa kanyang paglaki.

Nakita umano niya ang lahat ng ginagawang paglilingkod ng kanyang mga magulang dahil ang kanyang ama ay unang naging alkalde ng Narra bago pumalit ang kanyang ina.

Pinalaki naman umano silang hindi mayabang ng kanyang ama’t ina. Dala-dala umano niya magpahanggang ngayon ang pagiging simpleng indibidwal lamang.

Samantala, bago maging pangulo ng Liga ng Pederasyon ng mga asosasyon ng mga Konsehal sa lalawigan, naging Konsehal ng Narra ang batang si Demaala na sa una umano niyang termino ay nasabak agad sa pagiging PCL President kaya umupong ex-officio member sa Junta Probinsiyal.

Sa facebook post, nagpasalamat naman si Demaala sa mga mamamayan ng Narra sa muling pagkakahirang sa kanya bilang nangungunang kagawad ng kanilang munisipyo.

Tiniyak niyang susuklian ng tapat at maayos na serbisyo ang mga nagtiwalang nasasakupan.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter