REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
‘PETISYON NG HINDI PAGSANG-AYON’ SA RESULTA NG ELEKSYON SA PALAWAN, INIHAIN NG PALAWAN NGO NETWORK SA COMELEC



IPINAKIKITA sa media nina (L-R) MAKABAYAN-Palawan Provincial Coordinator Absolom Jerome Eligio, PNNI Program Manager Lorie Cagatulla na kinatawan sa executive Director nilang si Bobby Chan at si G. Arthur Ventura ang unang pahina ng petisyon, ilang minuto matapos nilang maisumite sa Comelec-Palawan. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

TULAD ng naunang anunsiyo ng Palawan NGO Network, Inc. (PNNI) ay naghain sila noong Mayo 28 ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) dahil umano sa naganap na malawakang pamimili ng boto, at mga depektibong Vote Counting machines (VCM’s) at SD cards sa katatapos lamang na halalan.

Nakapirma sa apat na pahinang dokumento, sina PNNI Executive Director Robert “Bobby” Chan, dating Palawan gubernatorial Candidate Arthur Ventura, Save Palawan Movement (SPM) lead campaigner at co-convener Cynthia Sumagaysay–del Rosario, MAKABAYAN-Palawan Provincial Coordinator Absolom Jerome Eligio, former San Vicente mayoralty candidate Michelle Fox at Balabac Sangguniang Bayan candidate Phoebe Tulali.

Ang nasabing Petition paper na unang isinumite sa Comelec sunod sa PNP at nakatakda pang iakyat ng grupo sa tanggapan ng pangulo ng bansa ay halaw umano sa katitikan ng pagpupulong ng Civil Society ng Palawan na naganap sa tahanan ng katunggali ni Re-elected Gov. Jose Alvarez na si G. Arthur Ventura sa Aventura Beach Resort sa Brgy. Bancao-bancao noong ika-18 ng Mayo.

MGA INIHAING RASON

Ipinunto ng mga indibidwal na pumirma na anim mula sa civil society at 34 pang miyembro at mga sibilyan na hindi sumasalamin sa totoong damdamin o kagustuhan ng mga botante ng Palawan at Puerto Princesa City ang resulta ng eleksyon dahil sa malawakan at lantaran umanong naganap na bilihan ng boto. Lalo pa umano itong nabahiran ng pagdududa dahil sa mga aberyang kinaharap ng mga Vote Counting Machine (dating PCOS machine) at mga SD cards.

Ayon pa sa kanila, mas pinatingkad pa ang kaduda-duda umanong resulta ng eleksyon dahil sa natuklasang 11 depektibong VCM’s na nag-umpisa sa final testing and sealing noong Mayo 7 na hindi naman dinanas ng ibang rehiyon sa Mimaropa.

Binanggit din nilang kapansin-pansin ang lubha umanong tagal ng paglabas ng resulta ng mga bayan ng Aborlan, Narra, Balabac, Cuyo, at Bataraza kung saan may naitalang problema sa mga VCM’s at SD cards.

Kaduda-duda din umano ang pitong oras na paghinto ng transmission server ng Comelec na pinagmulan ng duda at agam-agam sa integridad ng Eleksyon 2019.

Diretsahan din nilang sinabihan ang Comelec at PNP na walang ginawa upang pigilan sa mga alam na rin umano nilang malawakang boto sa halos bayan ng lalawigan ng Palawan.

Tinuligsa ng kalipunan ng nasa 39 na asosasyon ng mga non-government organization sa lungsod at lalawigan ang di umano pagkilos ng mga kinauukulan na bagamat may naidokumentong pag-raid ng Comelec at pulisya ukol sa bilihan ng boto pabor kay Gov. Jose Alvarez sa Brgy. Tabon, Quezon ay wala silang ginawa para panagutin sa batas ang mga nagkasala.

Ipinabatid din nilang magsasampa ng hiwalay na protesta ang El Nido ukol sa malawakan umanong pamimili ng boto na umano’y lantad din sa PNP at Komisyon.

Naungkat din ang pisikal na komprontasyon sa pagitan ng grupo nina Michelle Fox na tumakbo noong Alkalde ng San Vicente at supporters ng kalaban sa pulitika matapos na pigilan ang grupo ng una na mag-imbestiga sa vote buying umanong nagaganap sa restawran na pagmamay-ari ni Gov. Alvarez sa Brgy. Poblacion.

Ibinunyag pa nila ang isang senaryo sa Balabac at sa mga isla nito ay pinayagam ng mga BEI na sa mismong polling precinct noong araw mismo ng halalan nagbibilihan ng boto. Inireklamo umano ito ng ilang botante sa mga kinauukulan sa PNP at mga militar ngunit ang tugon pa umano sa kanila ay wala silang magagawa sa ganoong sitwasyon.

Hindi rin umano katanggap-tanggap ang paliwanag ng Comelec na ang bilihan ng boto ang dahilan na hindi namamanipula ang mga VCM’s para manalo.

Kapansin-pansin pa ang bahagi ng heading ng petisyon sapagkat sa ibaba ng Republika ng Pilipinas ay ang mga katagang “Iisa at buo na Lalawigan ng Palawan.” Matatandaang mariing tinututulan ng civil society ang paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya na kung saan, nakatakda na sa susunod na taon ang plebesito.

HAMON NG NGO SA PANGULO

Habang inaayos naman ang mga kinakailangang pirmahan sa tanggapan ng Comelec ay tinawagan pa ni Ventura ang kakilala niya sa Tanggapan ng Pangulo ng bansa upang paunang ipabatid na magsusumite rin sila ng petisyon ukol sa mga kwestyon umano nila sa katatapos na halalan.

“Everybody knows that the President has his word for vote buying. So, I just would like to say na I hope that the President will ‘Walk his talk’ at hindi puro daldal lang. Kasi sa kanya na rin nagsimula ‘yan na dapat kapag mayroon ng mga ebidensiya ay hindi niya papayagang magkaroon ng vote buying. So, let’s see kung talagang nasa loob niya ‘yung mga sinabi niya,” ani Ventura sa hiwalay na interbyu ng press matapos ang proseso ng filing.

PAGKWESTYON SA MEDIA

Tahasan din niyang binanggit na totoong nagkaroon ng vote buying noong panahon ng eleksyon; ngunit una niyang ibinalik ang katanungan ng media sa kanya ukol sa isyu at sinabing bakit tila tikom ang bibig ng mga mamamahayag sa totoong naganap at iginiit na dapat ay huwag matakot na sabihin ang katotohanan.

“Kayo mismong media na nagkukuber niyan, ano sa tingin n’yo, may dayaan ba o wala?….Nagkaroon ba ng agam-agam sa Comelec, VCM’s? At higit sa lahat, nagkaroon ba talaga ng bilihan ng boto? Why are you so silent?” ani Ventura.

Ang panawagan lamang umano ni Ventura para sa mga kabataan at sa lahat na nakibahagi, labanan ang mga maling nakasanayan at huwag matakot na ilantad ang kamalian.

NAKAHANDA RING TULIGSAIN?

Hamon pa niya, kung siya man din ay magkamali ay huwag matakot na iyon ay ibulgar.

“Kung sa tingin n’yo, hindi ako tama, bira! Because the truth, ‘yan ang kailangan natin. The truth will be ‘yung justice natin sa mga kabataan. Let truth prevail!”

Ayon naman sa spokesperson ng Comelec Palawan na si G. Jomel Ordas, matapos nilang tanggapin ang petisyon ay ipadadala rin nila ito sa Comelec central office at doon umano ay mag-a-assign ng abogado ang law department para sa preliminary investigation, saka magkakaroon ng proper hearing.

“Ang mga next step na gagawin depende na sa [central office] basta ang Provincial Comelec ay ifo-forward ito sa law department at sila na ang magde-determine kung ano ‘yung mga susunod na gagawin,” ani Ordas.

Nai-forward man sa main office ngunit sa araw ding iyon na maihanin ang reklamo ng mga NGO ay nagpadala ng liham ang Comelec-Palawan sa grupo upang payuhan sila sa tama umanong rules ng pag-file ng election complaint.

“Not exactly denied [‘yun]. In-advise-an lang sila ng rules ng filing ng election complaint. Dapat kasi under oath [ito], verified, with affidavits at evidence,” paliwanag pa ng tagapagsalita ng Provincial Comelec.

Ang paghahain ng petisyon ng mga miyembro ng NGO sa lalawigan PNNI Program Manager Lorie Cagatulla na kinatawan sa executive Director nilang si Bobby Chan at si G. Arthur Ventura, ilang minuto matapos nilang maisumite sa Comelec-Palawan. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter