REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Friday, April 03 2020
PETITION FOR PROHIBITION, INIHAIN NG SAVE PALAWAN MOVEMENT SA KORTE SUPREMA PARA PIGILAN ANG PAGHAHATI NG PALAWAN



ANG paghahain ng petisyon ng Save Palawan Movement sa Korte Suprema upang ipawalang-bisa ang batas na naghahati sa Palawan sa tatlong probinsiya na kung saan, nakasaad na magaganap ang plebesito sa Mayo 2020. (CONTRIBUTED PHOTO//SAVE PALAWAN MOVEMENT)

INIAKYAT na ng Save Palawan Movement (SPM) sa Korte Suprema noong ika-26 ng Hunyo ang hindi nila pagsang-ayon sa paghahati ng Palawan.

Inihain ng mga residente ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan sa Kaatas-taasang Hukuman ang Petition for Prohibition laban sa Commission on Elections (Comelec), Department of Budget and Management (DBM), Provincial Government of Palawan at Provincial Treasurer ng lalawigan.

Hiniling ng mga plaintiff sa SC na magpalabas ng writ of prohibition with preliminary injunction at temporary restraining order (TRO) upang pigilang makagawa ng mga kaugnay na hakbang ang DBM, ang Pamahalaang Panlalawigan at ang Ingat-yaman ng probinsiya kaugnay sa implementation ng Republic Act (RA) No. 11259 o ang “An Act Dividing the Province of Palawan Into Three (3) Provinces, namely: Palawan del Norte, Palawan Oriental and Palawan del Sur.” Ang nasabing batas ay pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Abril ngayong taon.

Ang mga petisyuner ay sina Cynthia S. del Rosario, ang co-convenor ng SPM at lead campaigner ng One Palawan; Federico Virgo, Renato Baladad, Corazon Davila, Loreta Alsa, Beatriz Dioso, Hiya Hassan at John Vincent Colili. Iginiit nilang nilabag ng RA 11259 ang Constitutional provisions ng mga tao na karapatang bomoto at makilahok, na nakatadhana sa ilalim ng Local Government Code.

Isa rin sa naging tuon ng kaso ay ang Section 54 ng RA 11259 na para sa mga nagsumite ng kaso ay sinadyang diniskwalipika ang mga residente ng Puerto Princesa City na makaboto sa plebisito sa May 2020 sa kabila umano na direkta silang maaapektuhan ng hatian.

Ilan pa sa mga argumento ng grupo na paglabag sa Article X ng Saligang Batas ng Pilipinas ang pagbabago sa hatian ng mga lokal na pamahalaan gaya ng nasa Section 11 ng RA 11259 na malinaw naman umanong nakasaad sa Section 292 ng Republic Act No. 7160 na 20 percent sa munisipyo at 35 percent para sa mga barangay. Sa binagong bagong batas, 60 percent ang lalawigan habang binabaan ang kabahagi ng munisipalidad at barangay na aabot na lamang sa 24 percent at 16 percent.

Gaya ng lagi nilang binabanggit, binigyang-diin ng mga petitioner na simula nang pagplanuhan hanggang sa deliberasyon sa Kongreso ng RA 11259 ay walang ginawang public consultations o public hearing sa mga stakehoder gaya ng mga indigenous peoples, mga mangingisda, mga magsasaka, mga kabataan, academic institutions, mga kababaihan, at

(CONTRIBUTED PHOTO//SAVE PALAWAN MOVEMENT)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter