REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA



Salitang “No!” ang binuo ng mga dumalo sa ikinasang tahimik na kilos-protesta ng PNNI bilang pagpapakita umano ng pagtutol sa pamimili ng boto at paghahati ng Palawan. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

MULA sa orihinal na plano na magsusunog ng effigy at magmamartsa sa Kapitolyo papuntang Katedral ay nagsagawa na lamang ng candle lighting activity, kalakip ang mga pananalita ng iba’t ibang miyembro ang Palawan NGO Network, Inc. (PNNI) noong katapusan ng buwan ng Mayo.

Nagbigay ng pananalita at komento ang mga dumalo ukol sa naganap na eleksyon at sa pagtutol na mahati ang Palawan o anupamang isyu pagdating sa pamamahala at pangangalaga sa kalikasan.

Ang unang tinawag ay ang masigasig na anti-mining advocate na si Salvacion “Bogs” Villanueva ng Calategas, Narra at dating kalihim ng Calategas Irrigators Services Association (CISA), na di nagpatinag at hindi naging hadlang ang pagkawala ng paningin para makiisa sa aktibidad. Sinamahan siya ng kanyang anak sa programa.

Nawala man umano ang paningin si Villanueva ay sinubukan pa rin niyang alamin kung gaano katotoo ang pamimili ng boto noong panahon ng halalan na kanyang napatunayang totoo.

“Sa mga namili ng boto, ang tanong ko masaya rin ba kayo? Hindi ba ho ang sarili n’yo ang niloloko n’yo? Sabi ho sa Bibliya, ang pera at kayamanan, hindi po ito ang kaligtasan kundi ang pagtitiwala. Iyon po ang magpapayapa sa atin at ito po ay magkakaroon ng kaligtasan sa ating buhay. Kaya po, doon sa mga namili ng boto, dito lang po ang kakayanan n’yo sa lupa subalit ang mga natalo, doon sa langit sila napupunta,” ayon sa Ginang na kilala sa tawag ng karamihan na “Ate Bogs.”

Tahasan niyang sinabi na para sa kanila, ang manalo nang hindi namili ng boto ang tunay na may karangalan at karapat-dapat na mamuno sa bayan o lalawigan. Matatandaang gaya ng dating eleksyon, sinuportahan ng NGO si G. Arthur “Art” Ventura at ng araw na iyon, suot pa rin nila ang campaign uniform nito na kulay pula.

“Nakikita n’yo ang abang lingkod n’yo, matapang lang ngunit walang mata; tanging Diyos lang ang aking [mga] mata,” aniya. “Doon sa mga matang nagbubulag-bulagan, siguro mas mapalad pa rin ako na nabulag na totoo ngunit sila ay mga huwad na bulag,” ani Villanueva.

“Ang ating kalikasan ay ‘wag ninyong pababayaan sapagkat kung itong kalikasan ang maningil sa atin, tapos na ang buhay natin. Sana ang nagsira nito ang mauna,” bilin pa ni Ate Bogs sa lahat.

Kapansin-pansin din ang mga tarpaulin sa gilid ng basketball court ng Chancery ng Immaculate Concepcion Parish na kung saan ay mababasa ang mga katagang “No to Political Dynasty,” “Vote Buying is a Crime,” “Jail the Mastermind,” “Putulin natin ang ugat ng Kurapsyon, Say No To Vote Buying,” at “Vote Buying is Killing our Democracy.” Tumagal ng mahigit apat na oras ang programa na pinasimulan sa papagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Limsa ng Palawan Katutubo Mission-AVPP.

Ang ilan pa sa mga nagsalita ay nagsabing may humarang sa ilang botante at binayaran ng kampo ni Gov. Alvarez para hindi na makaboto habang ang iba ay inilagak sa isang tahanan ang mga tao para hindi makaboto.

Wala man sa nabanggit na aktibidad ang Executive Director ng PNNI na si Robert “Bobby” Chan dahil kasabay sa pagtatapos ng anak ngunit nag-iwan pa rin siya ng komento na binasa ng isang miyembro. Laman ng kanyang maikli ngunit malamang komento ay “Tuloy ang land grabbing at mining, rubber at palm oil, mahal na water system; monopolya sa kuryente, daan at bakod sa gubat, hotel sa bakawan, airport na panturista, sixlane superhighway, gawing tatlo ang probiniya; botong ibinenta minsan, tatlong taong pagnanakawan, sapat ba ang natanggap na pera? Sa likas-yaman na ibinulsa, hintayin n’yo gawing tatlo pabor lahat sa negosyo.”

Ipinaabot naman ng ELAC na kinatawan ni Bb. Grace Sescon ang kanilang pakikisa sa adhikaing ikondena ang mga naganap umanong pandaraya at panloloko noong May 13 Elections.

Samantala, gaya ng kultura na ng PNNI kada magpatawag ng pagkakatipon-tipon kada buwan ay ang pagdaraos nila ng Balagtasan, na ang sentro ay ang kanilang mga saloobin hinggil sa isyung pangkalikasan at panlipunan. Ang iba namang dumalo ay ang presidente ng Puerto Princesa City SK Federation na si Bb. Myka Magbanua, Palawan CBFMA Federation, Phoebe Tulali na tumakbong SB sa bayan ng Balabac, NATRIPAL, MAKABAYAN-Palawan at ang mga kinatawan ni Fr. Dick Caabay ng Culion Parish, Michelle Fox na tumakbong pagka-Alkalde ng San Vicente, Regidor Tulali na tumakbo sa pagka-Punong-bayan sa Balabac, at ang Busuanga Farmers and Fisherfolks Federation.

Salvacion “Bogs” Villanueva (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter