REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
POSIBILIDAD SA PRIVATIZATION NG MGA PROV’L HOSPITAL, IMINUNGKAHI



Nakasalang ngayon sa Provincial Board ang panukalang hakbang na tingnan ang posibilidad sa privatization ng dalawang Provincial Hospital ng Palawan na matatagpuan sa mga bayan ng Taytay at Brooke’s Point.

Sa isang talumpati ni Board Member Roseller Pineda kamakailan lamang, binigyang-diin niya na panahon na para sa pagsasapribado o co-management ng Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH) sa bayan ng Taytay at ang Southern Palawan Provincial Hospital (SPPH) sa Brooke’s Point dahil wala namang umanong improvement sa serbisyo at kagamitan.

Kaya nais niyang mapag-aralan na ng mga concerned agencies, kahit ng LGU o ng Tanggapan ng Gobernador ang pagsasapribado sa dalawang ospital.

“Ngayon po, magla-last term na ako bilang member ng Provincial Board, magsimula po nang maupo ako, wala na pong ginawa ang ating office riyan, ang pinaka-number one concern ay kung paano ka makapagbigay ng medical assistance galing po particular sa northern Palawan, sa munisipyo ng Taytay kung saan po naandiyan ang Northern Palawan Provincial Hospital,” aniya.

Aniya, 90 percent ng mga pasyente ng NPPH ay may hawak na referral na mag-proceed na sa Puerto Princesa at doon na magpagamot at ang natitira lamang ang naaasikaso sa NPPH sa kanilang problema sa kalusugan.

Ang nakikitang kapamaraanan ng bokal ay sa pamamagitan ng partnership sa pamamagitan ng LGU-PGP, o local LGU o kahit sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP).

Alam umano niyang marami ang itinatayong ospital ngayon ngunit may mga sabsidiya naman ang mga iyon sa buhat sa DOH ngunit ang dalawang ondo na hindi pa rin umano kompleto dahil hindi pa nagpi-perform ng minor surgery sa nabanggit na ospital o iba pang klase na kailangan sa medikal.

Kaya iimbitahan ng mga focal person sa susunod na pagpupulong ng komite ng kalusugan kung ano ang posibilidad na mapag-aralan.

Ngunit mariin namang tinutulan ng kasamahan niyang Chairman ng Committee on Health na si BM Jay Rodriguez na maisapribado ang SPPH.

“Mas kinakabahan pa nga ako kung ipapasok natin ‘yung co-management with the private sector because the government is the only sector that could provide the best health facility for our constituents.

“Nagkataon lang na sa dami nating inaasikaso, dahil kung ipapasok natin ang option na privatization regarding the management of the hospitals, papaano na lang po ang kalabasan ng ating mga pasyente lalo na po doon sa Brooke’s Point, apat na pong malalaking hospitals that is at far from the government-owned hospital,” komento ni Rodriguez.

Kung sakaliman umanong hindi niya mapipigilan ang privatization, ang kahilingan niya ay huwag na masama ang SPPH na makikita sa pinagmulan niyang bayan sa Brooke’s Point.

“Naniniwala pa rin ako na kung mayroon mang the best—kung kaya ng mga private, bakit hindi kaya ng ating pamahalaan?” tanong pa ni BM Rodriguez.

Kung siya umano ang tatanungin, ang importante lamang sa mga ospital ay mapangasiwaan ito ng buong inam at kung sinumang doktor na ilalagay doon ay hindi lang basta nagtatrabaho sa suweldo kundi nagtatrabaho na may puso sa mga pasyente. Kabilang umano sa kontrobersiya na kinakaharap ng mga panlalawigang ospital ay ang mga reklamong kinakaharap ng ilang doktor gaya ng SPPH.

Kabilang din umano sa mga isyu ay ang pagkumpara sa pangangasiwa ng public hospital sa mga pribadong hospital na nagbibigay ng mas maayos na pag-aasikaso sa mga pasyente.

“Ngunit ako naniniwala na hindi ito ang solusyon; there must be something along the line sa sistema ng administrasyon ng ospital na mayroong problema kaya ‘yun ang dapat nating malutas. Dahil [kung] sa kakulangan ng pondo [ang magiging batayan], ang yaman ng Provincial Government at talagang bastante para suportahan. Dami-daming pera ang ating Provincial Government, according to our Governor para suportahan ang ospital na ito, especially ang Southern Palawan Provincial Hospital,” aniya.

Kaya mariing nakiusap ang bokal na huwag isama ang Southern Palawan Provincial Hospital dahil iyon lamang ang naiwang public hospital para sa mga taga-Brooke’s Point at mga karatig bayan sa sur.

Nang pumunta minsan sa lalawigan ng Romblon sa isang pampublikong pagamutan doon ay napag-alaman umano niyang nabibigyan ng mataas na pasahod ang mga doktor dahil may other source of income sa pamamagitan ng ‘Botika ng Lalawigan ng Romblon. Kaya isa sa mga pinag-aaralan niya ay maimplementa na ang consignment system para hindi na maging problema ang gamot.

Pwede umano iyong makapag-augment sa sweldo ng mga doktor at pwede pang makapagdagdag ng mga espeyalista na isa sa malaking problema sa mga pampublikong ospital.

Naniniwala rin umano si Rodriguez masosolusyunan ang problema kung magtutulungan at tulungan ang mga lokal na pamahalaan kaysa naman na humingi ng ayuda sa mga private individual.

Samantala, kabilang din sa nakitang problema ni BM Bon Ponce de Leon na paano matutugunan ang maayos na serbisyo na mapalakas ang mga ospital kung binabawasan naman ang bilang ng mga empleyado.

(CONTRIBUTED PHOTO//JOEL PANCHO JIMENEZ)

Related Articles
OPEN-SEASON SA PANGINGISDA NG GALUNGGONG SA PALAWAN, NAGSIMULANG MULI
POSIBILIDAD SA PRIVATIZATION NG MGA PROV’L HOSPITAL, IMINUNGKAHI
MGA LGU, PWRCC, HINIKAYAT NA MAGSAGAWA NG PAGSASANAY UKOL SA WILDLIFE HANDLING
PAMAHALAANG BAYAN NG CULION, NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG SUNOG
‘WALA NA TALAGANG EPEKTO ANG PHILHEALTH’
19.2 % SINGLE NA INDIBIDWAL SA KABUUAN SA MIMAROPA, NATUKOY SA PALAWAN
9 LUGAR SA PALAWAN, KASAMA SA POLL WATCHLIST
BATARAZA, IMINUNGKAHING I-ASSESS KUNG PASOK BANG ISAILALIM SA COMELEC CONTROL
NATIONWIDE ECP ADVOCACY SEMINAR NG ECC, BINUKSAN SA PUERTO PRINCESA
PAGPAPAKANSELA SA PRANGKISA NG PALECO, BINAWI NA NG DOE
DEPED-PALAWAN, UMAASANG MABABAWI ANG KAMPEONATO SA MIMAROPA RAA MEET
MAS MAHIGPIT NA POLISIYA, IPINATUTUPAD SA PROV’L JAIL,
DATING LIDER NG NPA, NAIPAGPAPATULOY UMANO ANG ADBOKASIYA KAHIT NAKAPIIT NA
PARA SA KALIGTASAN NG PUBLIKO
3 PANG KAHILINGAN NG PROV’L BOARD SA DPWH, INIHAIN
MORATORIUM, NAKIKITANG SOLUSYON SA PROBLEMA SA CORON
MGA BARANGAY SA PALAWAN, IMINUNGKAHING BIGYAN NG CHAINSAW
8 GUSALI, 2 KABAHAYAN, NASUNOG SA EL NIDO
HAKBANG KONTRA SOBRANG SINGIL-PASAHE, IKINASA
LGU CORON, HUMIHINGI UMANO NG INTERBENSYON SA PROV’L GOV’T
BAGONG CHED MIMAROPA REGIONAL DIRECTOR, ISANG PALAWENYO
ISANG PASSENGER VESSEL, NASADSAD SA CAGAYANCILLO
MAAGANG PAGPAPAREHISTRO, IPINAALA-ALA NG DEPED
10 FIRECRACKER INCIDENT, NAITALA SA PALAWAN
ITINALAGANG ACTING GM NG PALECO, NAKAUPO NA
PRESIDENTIAL VETO POWER
WESCOM, NAMAHAGI NG PAMASKONG HANDOG SA SOUTHERN PALAWAN
PALECO, TUTOL SA PAG-UPO NG ITINALAGANG ACTING GM NG NEA
PAGTANGGAL SA SABSIDIYA SA PALAWAN, PINAGHAHANDAAN NA UMANO NG PALECO
PANAWAGAN SA PCA: BIGYANG SABSIDIYA ANG MGA MAGSASAKA NG NIYOG
LIKHAIN NA ANG COPRA SEEDLING NURSERY—PROV’L BOARD
PALAWAN AUTONOMOUS REGION, SAGOT SA MALAMPAYA CLAIM-CRV
OPOSISYON, MULING NAGPATUTSADA SA MGA PROPONENTE NG PAGHAHATI NG LALAWIGAN
BISE GOV. DENNIS SOCRATES: DI MAIIWASAN ANG POLITICAL DYNASTY
HONORARIUM PARA SA MGA SK KAGAWAD, ISINUSULONG
MAIN AT EXIT GATE NG MGA PAMPUBLIKONG ESKWELAHANG NASA NAT’L H’WAY, IPINALILIPAT
RESOLUSYONG HUMIHILING NA MALAGYAN NG MGA ILAW ANG MGA BEACH, APRUBADO NA
ZERO-FIRECRACKER INJURY NGAYONG 2019, TARGET NG DOH-CHD MIMAROPA
BADGET NG PALAWAN SA 2019, TUMAAS NG 10%
REGULASYON SA PAGGAMIT NG PAPUTOK SA BUONG PALAWAN, INIHAIN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter