REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, October 21 2019
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS



Ang pagsagot ni Paleco Manager Engr. Nelson Lalas sa katanungan ni Konsehal Nesario Awat hinggil sa relokasyon ng mga poste ng Paleco na tatamaan ng road widening project. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

ISINISISI ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) sa firecrackers ang nangyaring brownout sa closing program ng Batang Pinoy 2019 National Championships noong ika-25 ng Agosto.

Matatandaang matapos ang program ng closing ceremony ng nabanggit na aktibidad ay agad itong nasundan ng brownout na ikinadismaya ng ilang manonood.

Paliwanag ni Paleco Manager Engr. Nelson Lalas sa isinagawa umanong inspeksiyon ng kanilang mga crew na naka-assign sa bisinidad ng Sports Complex noong araw na iyo upang tukuyin ang pinagmulan ng pagkaantala ng daloy ng kuryente sa lugar, napag-alaman na isang ahas na naman ang naging sanhi umano ng pagkakaroon ng power interruption sa siyudad matapos itong mabulabog dulot ng pagpapaputok ng mga fire crackers.

“During that [Batang Pinoy 2019 National Championships] opening nagkaroon po kasi ng putukan (na naging dahilan para mabulabog ang ahas kaya] may umakyat pong ahas [sa linya ng Paleco sa likod ng City Hall] and according to our line man the reason is that because nagkaroon ng mga firecrackers yon po ang dahilan [sa pagkakaroon ng brownout noong closing program ng Batang Pinoy],” pahayag ni Lalas.

At ang nangyari naman umanong brownout bago magsimula ilang araw ang Batang Pinoy ay dahil sa naputol na primary jumper sa kanto ng Western Philippines University (WPU).

RELOKASYON NG MGA POSTE..
Ibinalita rin ni Lalas na naisumite na umano nila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bilang ng mga posteng kinakailangang iimbentaryo at hinihintay na lamang ang pondo na magmumula sa DPWH upang tuluyan nang mailipat ang mga poste na nasa maling posisyon sa kalsada.

“This computation of the total [posts]subject for relocation has already been confirmed and approved. Our intention is that to forward this to DPWH for funding. So, yan po ang updates natin for [posts] relocation although there was no funding yet received by the Paleco [coming from DPWH but] we’re trying our best especially doon sa mga posts na mayroon na tayong mga roads [widening projects] because they really contribute danger to our commuters kaya po ang ginagawa namin ay inuunti-unti po naming nililipat[ang mga poste] maski wala pa ang pondo ng DPWH [for it’s relocation],” ayon pa kay Lalas.

PAGTATAYO NG SUBSTATIONS..
TARGET umanong masimulan ngayong taon ang pagtatayo ng dalawang substations na inaasahang makatutulong sa pagsuplay ng elektrisidad sa siyudad.

Inanunsiyo ni Lalas sa Question and Hour ng Sangguniang Panlungsod noong lunes na magsisimula na umano ang bidding para sa potensiyal na kooperatiba na makatutuwang ng Paleco para sa naturang proyekto.

“The update [ in putting up a substations] is we will be conducting a bidding. [Also], with negotiations with National Electrification Administration [NEA] we were able to talk [and] to negotiate with some electric cooperatives na mayroon po silang mga power transformer [na baka one of them ang winning bidder ng ating itatayong substations],”ani Lalas.

Ang dalawang power substations umano ay planong itayo sa Lukbuan sa Norte at isa naman sa South na ilalagay sa Iwahig.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang opisina ng Paleco sa Bureau of Corrections (BuCor) sa kanilang hinihinging 1,500 square meter area para sa pagtatayuan ng nababanggit na substation sa Iwahig.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter