REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT



ANG paglalagda sa Joint Venture Agreement (JVA) nina BuCor Director General, Usec. Nicanor “Nick” Faeldon at Puerto Princesa City Water District (PPCWD) General Manager Antonio Jesus Romasanta na sinaksihan naman nina PPCWD Chairman Peter Winston Gonzales at Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) Supt. Gerardo Aro. Naisakatuparan ang signing sa IPPF noong ika-5 ng Agosto. (CONTRIBUTED PHOTO//PUERTO PRINCESA CITY WATER DISTRICT)

Natapos na rin ang mahabang taong paghihintay!

Makalipas ang anim na taon, anumang araw mula ngayon ay maaari nang pasimulan ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) ang phase two ng kanilang Water Supply Improvement Project (WSIP) matapos ang paglalagda ng Joint Venture Agreement (JVA) sa Bureau of Corrections (BuCor).

Naganap ang paglalagda sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) kasabay ng ika-43 anibersaryo ng Water District kung saan kumatawan sa Bureau of Corrections si BuCor Director General, Usec. Nicanor “Nick” Faeldon habang sa Puerto Princesa City Water District (PPCWD) ay si General Manager Antonio Jesus Romasanta. Sumaksi naman sina PPCWD Chairman Peter Winston Gonzales at IPPF Supt. Gerardo Aro.

Sa loob ng 25 taon ay rerentahan ng PPCWD ang area ng Montible at Lapu-lapu Rivers na sakop ng pamamahala ng Iwahig Prison and Penal Farm na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Bureau of Corrections. Target na makuha mula sa naturang mga ilog ang kabuuang 30,000 cubic meter ng tubig kada araw.

LAMAN NG JVA
Nakasaad sa Kasunduan, sa bahagi ng PPCWD ay ang pagbibigay nila ng revenue share sa Bucor sa isang fix amount na P100,000 kada buwan, production share na .27 ¢ per cubic meter, pagbibigay ng libreng tubig sa lahat ng inmates at pasilidad ng IPPF sa volume na katumbas sa 95 litro sa kada araw sa kada inmates, pagbibigay ng trabaho sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) na bahagi ng reformation program ng IPPF, at pag-commit sa feasibility study para sa long term solution sa kinakailangang tubig ng siyudad at ng IPPF para sa kinakailangan sa mga kabahayan at irigasyon. Sa Bucor naman ay ang pagpayag na maging source ng patubig ng PPCWD ang Montible at Lapu-lapu River at pagbibigay nila ng 10,000 metro kuwardradong lupain para tayuan ng kinakailangang mga pasilidad para sa water treatment.

Ani PPCWD Acting AGM for Admin & Finance Ronnie Fernandez, ito na ang pinakamalaking proyektong gagawin ng PPCWD na water supply improvement project.

“Alam naman po natin na [ito ay] magiging kasagutan na po sa ating problema tuwing summer—ang kakulangan sa supply ng tubig. Alam naman po natin na hindi lang Bucor at Water District ang masisiyahan dito, of course, lalong-lalo na po ang mga mamamayan ng Puerto Princesa, maging po ang mga turista. So, ito na po ang kasagutan, alam naman po natin na matagal na itong hinihintay,” ani Fernandez.

Ayon naman kay GM Romasanta, bagamat aminado silang hindi pa rin ito ang pinakapinal na sagot sa problema sa supply sa tubig sa lungsod ng Puerto Princesa ngunit tiniyak niyang kasama sa budget nila ang pagsasagawa ng feasibility study para sa WSIP III.

“After six years of struggles, at last we have made it! Kaya nga nasabi ko ‘Buti dumating sa atin si Director Faeldon,” masaya pang pahayag ni GM Romasanta.

Dagdag pa niya, dahil isang mabigat na responsibilidad ang nakaatang ngayon sa kanilang mga balikat, kasama sa kanilang plano ang pagha-hire ng additional forest rangers mula sa mga inmates na pwedeng sumama sa patrol operations na itatalaga aniya hindi lamang sa Irawan Watershed area kundi sa buong Iwahig watershed Area.

Ipinagpasalamat din ng General Manager ang inanunsiyo ni Bucor Dir. Gen. Faeldon ukol sa hihilinging tulong sa Wescom upang magpatrolya sa kabundukan ng Iwahig gamit ang helikopter.

PAGTATAKA NI USEC FAELDON
“I can approve a MOA na ganyan kaganda….I understand the influx of tourists here in the past five years, in figure, averaging at least ten per cent increase of your tourists—that’s going to double in 15 years. Your value right now, you’re almost one million, plus the residence. By 15 years, you will have four million water drinking consumers; that’s going to be a real challenge,” ang mensahe naman ni Faeldon matapos ang paglalagda sa kasunduan.

Ipinabatid din niyang bago sila nakapag-usap ng mga opisyal ng PPCWD ay nakatanggap pa siya ng liham na kumikwestyon sa naging desisyon ng PPCWD Board kaya nang dumating umano ang General Manager at ang kanyang mga kasamahan sa Bucor headquarters ay una niyang hiniling ang Board Resolution. Iyon umano ay upang masiguro lamang na makikipag-MOA sila sa tamang grupo dahil ayaw umano nilang magaya sa marami ng problema sa nakaraang mga panahon matapos pumasok sa kasunduan.

Ngunit nang makita umano niya ang initial draft at nakita ang kahalagahan nito para sa Puerto Princesa, sa una nilang meeting ay sinabi na niyang ibig niyang maisakatuparan ang nasabing proyekto. Nagtaka lamang umano siya na kung bakit matagal itong naisakatuparan gayung naiakyat ito sa kanilang tanggapan noon pang 2014.

KASAMANG HAMON SA PAGPAPATUPAD NG PROYEKTO
“But this MOA signing is not going to diagnos your problem—maintaining the source of water is your biggest problem. ‘Yung experience n’yo sa Irawan [Water Shed] is going to happen again here (Iwahig) if we’ll allow [again] the…denudation of forest here,” bilin naman ni Faeldon.

Kaya dumaan din umano siya sa pamunuan ng Western Command at nakipagpulong kay Wescom Commander, Vice Admiral Rene Medina. Kabilang umano sa kanilang nabanggit ay ang planong makipag-MOA sa kanila upang mag-patrol ang AFP sa pamamagitan ng helicopter sa 26,000 ektaryang kabundukan na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.

Napag-usapan umanong gagawin ito ng AFP sa regular bases sapagkat mahirap na iasa lamang sa PPCWD, DENR o sa Bucor ang pagsagawa ng monitoring sa ganoon kalawak na kabundukan.

“Hindi naman pwedeng kalbuhin natin ‘yan tapos aasa tayong may tubig pa tayo,” Mariin pang paalaala ng Director General ng Bucor.

Sa sobrang tagal ng paghihintay para sa mga kinakailangang certification, binanggit naman ni PPCWD Chairman Peter Winston Gonzalez na sana umano, noon pa ay nasa Bucor na si Faeldon dahil anim na linggo lamang ang tagal at nagkaroon na siya ng desisyon pabor sa pangangailangan ng lungsod kaya gayun na lamang ang kanilang pasasalamat sa opisyal.

Sinariwa ng Chairman ng Water District Board ang mga naranasang water crisis ng siyudad noong 2014, 2015, 2016, at 2019, ang isa umano sa mga taon na nagkaroon ng pinakamalalang water crisis; noong 2017 at 2018 naman ay hindi masyadong kinapos ng suplay ng tubig ang PPC.

Sa panahon ng krisis sa tubig, ginawa umano nila ang lahat upang mapunan ang kakulangan.

Sa ngayon ay umaasa umano silang magkakaroon ng sustinableng suplay ng tubig, hindi lamang para sa PPCWD, sa mga taga-lunsgod kundi sa mga turistang tumutungo rito.

Lubos din ang kanyang pagsang-ayon na kailangan nilang bantayan ang watershed area at maiwasang hindi ito makalbo upang magkaroon ng pangmatagalang pagkukunan ng tubig sa hinaharap.

Napakahalaga rin umano ng pagkakasatuparan ng WSIP II, hindi lamang para sa supply ng tubig kundi para na rin sa pangangalaga sa kalikasan. Ani Gonzalez, kapag lalo pa itong ma-improve ay hindi na gagamitin ang dalawang deepwell pumping station upang maiwasan ang environmental impact sa paggamit ng deepwell, at makaiiwas pa sa sink hole at water contamination mula sa mga septic tank.

KATIYAKANG WALANG MAGAGANAP NA WATER RATE INCREASE
Sa Question and Answer portion, nang tinanong ang pamunuan kung tataas ba ang presyo ng tubig sa siyudad dahil sa bagong proyekto at plano pang pagha-hire ng forest rangers, tiniyak ni GM Romasanta na walang mangyayaring pagtaas. Hanggat kaya umano ng District ay hindi sila mag-i-increase gaya ng dapat ay P320 na ngayon ang first ten cubic meter ngunit kanilang ipinagliban muna sapagkat kaya pa rin naman umano ng PPCWD.

Ukol pa sa sustainability ng proyekto, siniguro rin ni Romasanta na ito ay pasimula lamang upang agad na tumugon sa problema ngunit nakatingin din sila sa mas matagalang solusyon.

Aniya, may darating ding WSIP III dahil trabaho ng nasa sektor ng patubig na walang tigil na tingnan at tugunan ang mga suliranin kaukol dito.

“Napag-aralan na namin ito nang maigi. Actually, we hired consultants for that study. At hindi lang ‘yun, pinuntahan din ito ng contractor at sabi niya [sa akin], ‘GM, you are lucky’ kasi nakita niya ang ganda ng tubig,” ani Romasanta.

Noon ay tiningnan umano nila ang may malakihang source at nagsagawa rin ng pag-aaral sa Langogan River ngunit masyado umanong magastos kapag iyon ang itutuloy na aabot sa P3 bilyon kaya dito muna sa kaya ng bulsa sa kasalukuyang proyekto na P300 milyon lamang.

Aniya, ang kakayanan ng Campo Uno ay limang taon, habang ang WSIP II ay sampung taon kaya aminado rin silang kailangan nilang magplano ng mas maaga base sa taas ng rate ng pagdagsa ng migrante sa lungsod.

Wala naman umanong naganap na madibdibang usapan bago inilabas ng PCSD ang SEP Clearance noong Hunyo kundi dahil naibigay na ng PPCWD ang hinihingi ng Konseho at ni Gov. Jose Alvarez na ilang datus gaya ng funding, teknikal at iba pa.

KAILAN MARARAMDAMAN?
Magsisimula na umano ang proyekto sa lalong madaling panahon dahil parating na ang mga equipment ng kanilang contractor, ang HG-3 Construction and Development Corp., isang Manila-based construction firm. Gagawa rin aniya ng feeder road paakyat sa Lapu-lapu River.

Samantala, habang hindi pa tapos ang proyekto at maabutan ng panahon ng tag-init ay ipadadaan muna ang tubig sa Irawan treatment station kaya uunahin umano nila ang paglalatag sa transmission Lines.
you have an academy here, it is also an another tourist attraction. So, we are looking a very nice place here where the academy will be build. That’s why we also want to driving away the informal settlers inside the Bucor,” paliwanag pa ni Faeldon.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter