REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA



Nakatunghay sa presentasyon sina Mayor Bayron, kasama ang iba pang Konsehal sa inagurasyon ng urban streetlighting project sa dalawang barangay ng siyudad. (PHOTO//CLEA FAYE CAHAYAG)

PORMAL nang inihayag ni Punong Lungsod Lucilo Bayron noong unang araw ng Hulyo na tapos na ang smartlighting project sa Brgy.San Pedro at Brgy. San Manuel.

Tinatayang nasa P99,864,000 ang inilaang pondo para sa naturang proyekto upang agad na pailawan ang 24 na pampublikong kalsada na nasasakupan ng nabanggit na mga barangay.

Nasa 740 bulbs umano ang kinailangang ikabit sa lugar, na kung saan, 688 mula rito ay automatic bulbs at 52 naman ang manual.

“Mahigit 7,700 bulbs ang kailangan natin. Ngayon, nasa 740 [bulbs] pa lang tayo, so that’s only ten percent. Kung ten percent every year ang gagawin natin, sa tatlong taong [termino] hindi natin kaya, so ni-rush natin,” pahayag ng Alkalde sa inagurasyon ng proyekto noong ika-1 ng Hulyo.

Sa presentasyon ni Phillips Lighting Country Head Jagan Srinivasan, sinabi niyang ang mga napailawang kalsada sa San Pedro ay kinabibilangan ng BM Road, Cabanag, Lanzanas Road 1&2, Libis, Macabalu, Sheenas, Tabang, Herederro, Peneyra, Delos Reyes, Jalandoon, street parallel sa Factor Road, Andres Sumandal, Enriquez, at Hagedorn Road.

Habang sa Brgy. San Manuel naman ay binubuo ng Purok Matahimik, San Manuel Roads 1, 2 3; Dacanay Road, Solid Road, Cervantes, Dagot, Tarabidan, at Darigold.

Matatandaang Pebrero nang simulan ang urban streetlighting ng City Government, katuwang ang Manila Electric Company (Meralco) na napiling kontraktor ng proyekto at Phillips lighting naman ang napiling magsuplay ng bumbilya.

Ayon kay Ronaldo Torres, chief operating officer ng MServ na subsidiary ng Meralco, ang Puerto Princesa ang kauna-unahang gumamit ng smart lighting sa bansang Pilipinas.

Isa kasi sa hangarin ng Pamahalaang Panlungsod na mapailawan ang lahat ng pampublikong kalsada sa lungsod sa pamamagitan ng nasabing makabagong teknolohiya.

Liban pa rito, mas makakatipid din umano sa pagkonsumo ng kuryente ang pamahalaang lokal, lalo’t ang sistema ng pagpapailaw ay awtomatik na may kakayahang bawasan o lakasan ang inilalabas na liwanag nito kapag lubog at litaw na ang araw.

Sa mensahe naman ni newly-installed Vice Mayor Maria Nancy Socrates, sinabi niyang ang maliwanag na siyudad ay malayo sa anumang krimen.

“Katulad po ng food, shelter at clothing, light is a basic necessity especially in Puerto Princesa that is a tourism City. We need light for safety, we need light for peace and order and for the convenience of our residents and visitors,” pahayag ng Bise-alkalde.

Pagtitiyak pa ng mga kinauukulan, mas matagal ang buhay ng naturang mga bumbilya kung ikukumpara sa ordinaryong ilaw lamang.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter