REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL



Ang ilan sa mga kagawad ng Lungsod ng Puerto Princesa na dumalo sa aktibidad ng Philippine Councilors League sa Cebu City. Makikita sa larawan ang mga kagawad na sina Roy Ventura, Nesraio Awat, Jonjie Rodriguez, Victor Oliveros at Matthew Mendoza. (Kuha sa facebook account ni Kgd. Jonjie Rodriguez)

NAKATANGGAP ng Local Legislative Award ang 15th City Council ng lungsod ng Puerto Princesa noong ika-19 ng Hunyo sa ginanap na Philippine Councilor’s League sa Cebu City.

Ayon kay City Councilor Matthew Mendoza na isa sa dumalo at representante ng Sangguniang Panlungsod sa nasabing aktibidad, napabilang umano sa finalist ang Puerto Princesa City Council sa kategoryang Highly Urbanized City (HUC)-Local Legislative Award.

“Ina-assess nila (DILG) ang performance ng mga Sangguniang Panlungsod [at] trabaho ng mga councilors. Pinipili nila ang mga finalist out of municipalities [and] cities. Apat ang naging finalist, ang nanalo ay Quezon City [Council], then, kumbaga nasa second place tayo,” ani Mendoza.

Aniya, hindi lang naging basehan ang bilang ng mga naipasang ordinansa at resolusyon, kundi maging kung papaano umano binalangkas ang mga panukala.

Ang Local Legislative Award umano ay isang programa ng Philippine Councilor’s League (PCL), katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG), kung saan binibigyang importansya nito ang mga accomplishments ng bawat konseho.

Anim na libong mga konsehal umano ang dumalong mga partisipante sa nabanggit na pagtitipon.

Dagdag pa ni Mendoza, ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap ng nasabing parangal ang lungsod mula nang ito ay maging HUC at ngayong matatapos na ang 15th Council ay inaasahan niyang sana ay mapabilang muli ang Puerto Princesa 16th City Council sa nabanggit na parangal.

“Base sa pagkakaalam ko, first time as HUC [na nakasungkit ng ganyang award]. Siyempre, matsa-challenge po ‘yun (16th City Council) na tularan ang 15th Council na nakatanggap ng award [dahil] na-recognize tayo na sa dami niyan (HUCs), na-recognize ang sipag at galing [ng Puerto Princesa 15th City Council,” pahayag pa ng Kagawad.

Kabilang rin umano sa mga representante ng Puerto Princesa City sina Kagawad Jonjie Rodriguez ll, Kgd. Victor Oliveros, Kgd. Nesario Awat at Kgd. Roy Ventura.

Liban dito, sa parehong aktibidad ginawaran naman ng three termer award si Konsehal Rodriguez dahil kanyang nagampanan ang kanyang tungkulin sa pagkakonsehal ng lungsod.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter